BRINDO
Reading edition
May katuwatuwang duling na dalawa na nagkasalubong sa paglakad nila binati n~g isa na tatawatawa nanan~gis kunuwang sumagot ang isa. Wika nang isa ay anong buhay mo't ang lakad mo'y tila malayong tutoo tugo'y mahalaga ang lakad kong ito at ako'y nanggaling sa isang mediko. Napasa mediko at ano ang dahil tugon ay ang sanhi ay sa mata natin at hinihiling kong ang ating paningin ay mangyari lamang kanilang baguhin. ¿Ay ano ang naging panagot sa iyo? tugon ay wala nang daan pang mabago kanunuan natin ang may sala nito't naganyak nanuod doon sa Calvario. Sa Poong kay Jesus nang nababayubay sa Cruz, at dahil sa sala nang tanan niyong malagot na ang hinin~gang tan~gan sa nin~gas nang kidlat sila'y nan~gasilaw. Hindi magkawasto ang man~ga panin~gin at sa katakutang walang makahambing nan~gagtatakbuhang mata'y pasuliling at di matutuhan yaong tutun~guhin. Katunaya'y noong si Kristo'y buhay pa ay wala nang gaya nitong ating mata si Kristong gagamot sapagka't patay na sa paggaling tayo'y wala nang pagasa. Ito ang siya kong ikinalulumbay kailan ma't aking magunamgunam lagay natin n~gayo'y parang tinandaan niyong lihis nilang kagagawan. Kundan~gan ang sila ay pakialami't walang kaguluhang di nakikipiling at nakikigaya pa sila marahil sa taksil na budhing man~ga mainggitin. Naging pakinabang sa ganoong gawa ang tin~ging mabuti nila ay napasamâ sampung tayo n~gayo'y pinapalibhasa nang walang pitagang matabil na dila. Dulo'y kundi tayo makapagpipigil laging basagulong makikita natin kaya wala tayong dapat na sisihin kundi silang naging sanhi nang hilahil Sila'y naglakad na't ang kalang makita ay linalapita't nananan~gis sila dahilan sa matang wala n~g pagasa na magkapanahong sila'y gumaling pa. Balang makaalam nang kanilang sumbong man~ga katuwaan ay walang kaukol ang ganoong gawa nila ay patuloy hanggang sa kanilang bahay ay humantong.