← Table of contents
Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati

BRINDO

Reading edition

At may isa namang dukhang magasawa na palaging salat yaong buhay nila at ang hanapbuhay ay di makasiya nang abang lalaki sa tuwituwi na. Bakit ang tutoong nakapaghihirap lalaki'y natutong uminom nang alak kaya't palagi nang lasing na madalas na di magkawastong kumita nang pilak. Kaya n~ga at yaong kapatid na lamang ang umaalalay sa ikabubuhay saka nan~ganak pa ang asawang hirang na nagpalugami sa karalitaan. Nang may tatlong araw na nan~gan~ganak na ay dinalaw niyong kapatid na isa noo'y tunay siyang walang magagasta kaya't linimusan nang isang peseta. Ang isang peseta ay nang maibigay ang abang lalaki pinakiusapan na siyang bumili nang ikabubuhay at lumakad na n~gang ang peseta'y taglay. Nagkataon namang doon sa paglakad natapat sa isang tindahan nang alak may nagsisiinom kaya n~ga't tinawag pagka't dati niyang kainumang lahat. Paglapit ay agad namang tinagayan nang makainom na'y nagusapusapan nang lumaonlao'y uminom na naman hanggang makaitlo bago tinigilan. Nang di makalaban sa tapang nang alak sumuraysuray na't ulol ang katulad ang isang pesetang sa kamay ay hawak doon sa tindaha'y siyang ibinayad. Lumakad na siya na hahapayhapay masulong maurong doon sa lansan~gan nang di makakaya ang lunong katawan nalugmok sa lupang tulad sa may damdam. May dalawang oras ang bilang humigid yaong panglalata ay bago naalis nang humusayhusay yaong pagiisip saka nagunita yaong napagsapit. Na walang kakanin ang asawa't anak pagka't ang pesetang dala'y ibinayad doon sa kanilang iniinom na alak kaya't naghinagpis na di hamakhamak. Yaong asawa ko ay gutom nang gutom aniya, at ako'y hinihintay n~gayon n~guni't ang peseta'y ¿saan pa naroon nabayad sa alak na aming ininom? Ang aking asawa'y ¿anong aasalin? bakit nan~ganak pa ay di kumakain kundan~gan ang aking gawang paglalasing sa nangyaring ito'y siyang naging dahil. Wala naman akong sukat mautan~gan na maibibili nang ikabubuhay kung ako'y magbigti ay masama naman ¿ay paanong aking gagawing paraan? Habang lumalakad ay nagsasalita at mistulang ulol ang kahalimbawa napahihimutok tuwing magunita yaong napagsapit na kahiyahiya. Sa di nagtitigil na linakadlakad ay dinating yaong baybayin nang dagat at doo'y kaniyang inabot nang malas yaong sarisaring bangkang nasasadsad. Walang anoano'y ang nasok sa isip umupa nang isang bangka at sumilid at doon magaliw nang sukal nang dibdib na sa puso niya ay lumiligalig. Ipinatuloy na ang sa lan~gong han~gad na siya'y nagbangka-bangkaan sa dagat na sa kalasin~ga'y ang naipan~gusap ay ang man~ga wikang di karapatdapat. Kung sino aniyang makapagbibigay sa akin, nang yamang aking maibigan at kahi't n~gayon ma'y aming pagsulatan ang usap na aming pagkakasunduan. Gayon ang laging isinisigaw niya habang namamangka't nagtutumayo pa walang anoano'y lumitaw pagdaka isang taong pan~git na walang kapara. Naupo sa daong nang kaniyang bangka at ang sinabi niya'y inusisa tunay bang ibig mo na yumamang bigla na gaya nang iyong man~ga salita. Oo anang lan~go't nasa ko'y n~gayon din kung iniibig mong ako'y payamanin anitong tumanong kung iyong susundin ang kahilin~gan ko yama'y tatamuhin. Hustong isang taóng ay kung dumating na ikaw ay sa akin pilit na sasama n~guni't yayaman ka na walang pagsala at sa iyoy madla ang man~gagtataka. At kung papayag ka'y iyong pifirmahan itong gagawin kong isang kasulatan tandang pagayon mo sa ating usapan na ikaw ay akin magpakailan man. Inaayunan ko ang sagot nang lan~go gawin mo ang sulat at pifirma ako agad na ginawa naman nang Demonio na ang katuwaan ay di mamagkano. Sulat nang mayari ay pinirmahan na saka iniabot ang isang pitaka isang pako't isang martilyo't ang wika'y ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa. Ang pitakang ito'y ang iyong gagawin ilapat sa isang haligi ó dingding saka mo pakuan at iyong dukutin at madudukot mo ang yamang ibigin. Sa dingding nang bangka'y ikinabit agad dinukot at wika'y onzang aking han~gad habang dumudukot ang ilinalabas ay onza, at bumabalong ang katulad. Nang ang nadudukot na onza ay sampu ay yaong pagdukot niya'y inihinto at yaong pitaka niya'y itinago sampu nang martilyo't ang kasamang pako. Agadagad nan~gang pumundo sa pampang at yaong may-ari nama'y inupahan bumili nang bigas na dalawang kaban at vaca at baboy ang biniling ulam. Umupa nang man~ga isang magdadala at nang maglulutong kaniyang kasama na yao'y upahang buwanang talaga na sa bahay niya ay doon titirá. N~guni at nang siya'y dumating sa bahay hapo na sa gutom ang asawang hirang anitong babae ay bakit nabalam diwa yata'y ikaw ay nakipagsugal. Sagot nang lalaki ang iyong pesetas ay nabayad lamang na lahat sa alak ang kainumang ko ay niyong matapat ako sa tindaha'y kanilang tinawag. Pinainom ako hanggang sa nalasing at sampung sila man ay nagsiinom din saka doon sila'y matulad sa akin peseta ko pala'y siyang uubusin. Datapuwat n~gayo'y di masasalat na't ipagagawa ko'y malaking bahay pa sagot nang asawa'y saang ka kukuha diwa'y hanggang n~gayon ay nalalan~go ka. Hindi ako lan~go't makikita mo rin kung makatapos nang tayo ay kumain kung hindi mangyari saka mo sabihin na ang salita ko ay salitang lasing. Nan~gatigil sila't nagsikain naman nang di karaniwang masarap na ulam nang makakain na ay pinalatagan nang banig na suson ang kanilang bahay. Ilinapat nan~ga doon sa haligi saka pinakuan na pinakabuti wika sa alila ikaw ay bumili nang dalawang kabang lalong malalaki. Buong isang onza yaong ibinigay wika'y piliin mo ang lalong matibay at kung magkano ang kahalagahan bayaran mo't ikaw ay madali lamang. Yaong inutusan pagdaka'y lumakad ang lasing ang akin namang ipahayag wika'y pawang onzang aking ilalabas at dinukot nan~ga na hindi naglikat. Pagdukot ay onzang nakukuha naman at doon sa banig ay ilinalagay kaya sa pagdukot niyang walang humpay ang onza'y nabuntong halos di mabilang. Anopa't malabis yaong pagtataka nang bagong pan~ganak na sintang asawa ang wika ay ako ang durukot muna nang siyang dumukot ay walang makuha. Kaya ang asawa ang pinabayaang dumukot at siya ay nanood lamang gaya rin nang unang paglabas nang kamay onza ang sa banig ay inilalagay. Nang dumating naman ang kabang dalawa ay ilinagay nang lahat yaong onza hanggang sa napuno ay di nagpahin~ga doon sa pitaka nang pagdukot niya. Sila'y natulog na't nang kinabukasan maraming anluagi ang tinawag naman ang ipinagawa ay malaking bahay na sa bayang yao'y pinakamainam. Tuloy nagpagawa nang sisidlang bató nang salapi't laki ay di gagaano at pinakatibay naman nang maestro na di mahahamak nang masamang tao. Ginawang lalagyang yao'y nang mayari pitaka ay doon dinalang madali dinukot na gaya niyong dating gawi nitong lumilikha lamang nang salapi. Walang sinisikap sa gabi at araw kundi ang dumukot nang salapi lamang kung kaya matigil ay kung napapagal at bago napuno'y may ilan ding buwan. Pintong susonsuson ay isinira na may bilang limangpung susi't cerradura anopa't ang lahat ay nan~gagtataka sa bagong mayamang natan~gi sa iba. Lahat nang magandang man~ga kasangkapan at gayon din naman ang man~ga sasakyan ay nasa kaniya at balang humiram sino ma'y di niya pinagkakaitan. Ang may kailangan at ang nasasalat pagdaing ay agad niyang linilin~gap pawang bigay lamang at wala nang bayad pagka't siya'y lubhang sagana sa pilak. N~guni't ang asawa ay di mapaghaka ang pitakang yaon kung saan nagmula kaya pinipilit na inuusisa sapagka't ang han~gad niya'y maunawa. Hindi ipagtapat naman nang lalaki at ang kahihiyan ay nananatili hindi matiwasay sa araw at gabi ang kahihinatna'y naguguniguni. Pagka't mahigit nang isang buwan lamang yaong taning nila na pinagusapan kaya n~ga't tutoong malaki ang lumbay na anhin mo'y yaong may malubhang damdam. Sa babae namang kusang napapansin yaong kalumbayan nang asawang giliw kaya't inusisang pinalihim-lihim ang pitakang yaon kung saan nanggaling. Mapiling pagtanong nang asawang kasi ang katutohanang lahat ay sinabi dahil sa peseta kung kaya nangyari ang kinahinatnan nang palad kong imbi. Ayon sa hiya ko't naubos na lahat na aking nagugol ibayad sa alak ako'y walang kunan nang maibabayad kaya't sa Demonio ay nakipagusap. Na ang aking kaluluwa at katawan ay naging kapalit ang pitakang iyan ang taning ay hustong isang taón lamang ako'y kukunin na na di maliliban. At sa katunaya'y may kasulatan pa na ginawa't ako naman ay nagfirma kaya ang taning ay iisang buwan na at pilit na maghihiwalay kita. Gayong pan~gun~gusap ano'y nang madin~gig nang asawang kasi pagdaka'y tuman~gis aniya ay ano't di mo na inisip ang daratning huling iyong masasapit. Sa kayamanan n~ga'y magpapasasa ka sa huli ay hirap namang walang hangga sa yaman sa Mundo'y ipinalit mo na ang Dios na mulang tuwa at ginhawa. Pagkapalibhasa ay may kabanalan ang babae agad namang nagkumpisal sa isa n~gang Pari na tutoong banal at isinangguni ang ganoong bagay. Matanto nang Pari ang nangyaring yaon sandaling nagisip munang mahinahon siya'y nanalan~gin sa Dios na Poon nang matanto niya ang gagawing ukol. Niyong matapos nang makapanalan~gin wika sa babae (aniya) ay n~gayon din sa iyong asawa ay iyong sabihing siya'y magkumpisal at aking hihintin. Babae madaling umuwi sa bahay at sa asawa'y sinabi ang banay niyong matalastas ay sumama naman at noon din siya'y tambing nagkumpisal. Sinabi ang yaring salitaan nila sampung kasulata't pagkapirma niya saka ang pitaka ay ipinakita gayon din ang pako at ang martilyo pa. Ang hatol nang Pare ay magkukumpisal tuwing makalawa, at sa araw-araw ay magkukumunion huwag pasalahan ang pagdedevocion ay gayon din naman. Tuloy sinootan nang larawang hayag nang puso ni Jesus at nang birheng liyag tanang katungkula'y ipinatalastas na huwag bayaang di ganaping lahat. At yaong usapang araw kung dumating na sa Demonio nang siya'y kukunin huwag magpabayang di siya tawagin at ang buong kaya'y kanyang gagawin. Madlang kabilina'y ginanap na pawa nitong sa Demonio'y humandog na kusa nang dumating yaong araw na tadhana Paring magtatanggol ay tinawag nan~ga. Yaong Paring banal ay nang dumating na buong bahay nama'y benendita upang yaong tao ay huwag makuha nang Demonio't di makapasok siya. Pulubing marami nagpatawag naman nang dumating doon ay pinagsabihan na halihaliling sila'y magdarasal tan~gi ang sa lupa kay sa nasa bahay. Yaong Altar nama'y kusang iginayak na naroo'y tatlong larawang mag Anak na Jesus Maria y Josef ang tawag at saka ang pitong Arcangel na hayag. Ano'y nang sumapit ang araw na taning Demoniong katipan nang tao'y dumating pagka't kailan~gang kanya nang kunin kaya't daladala ang may firmang papel. Matanto nang Pari ay pinaluhod na ang taong kukunin niyong palamara saka sinubuan nang mahal na Hostia galit nang Demonio'y sabihin pa bagá. Di ganiyan aniya ang ating usapan nang namamangka kang nasa karagatan kundi ang kita ay payamanin lamang at ikaw ay akin sa taning kong araw. Pinayamang kita't ang iyong susundin ay layaw sa Mundo't sa katawang hiling di nating usapang lahat nang magaling na ukol sa Dios ang iyong gagawin. Ang lilong Demonio'y hindi makalapit dahilan sa dasal na nauulinig kaya n~ga tutoong siya'y nagn~gan~galit sa ganoong ayos niyang namamasid. Tinatawag niya't lumapit ang han~gad n~guni't yaong Pari ang siyang nan~gusap hayo't lumayo ka aniya sa Satanas at huwag paritong muli pang man~gahas. N~guni't tumutol naman ang Demonio na ang wika'y siya ang kailan~gang ko tunay siyang aki't ang pagkatutoo'y may sulat at siya'y nakafirma dito. Ang sagot nang Pari ay lumayas ka na Satanas at siya'y di mo makukuha kasulatang iyan ay walang halaga punitin mo't huwag ditong magbalik pa. Wika nang Demonio'y ibigay sa akin ang pitakang iya't martilio'y gayon din at saka ang pako't aking pupunitin itong kasulatang kasunduan namin. Inihagis nan~ga nang Pari ang wika hayo't umalis ka lilong magdaraya umalis nang galít na hindi kawasa't nagiwan nang bahó na walang kamukha. Nang makaalis na yaong si Satanas doon sa iniwa'y ang sa Paring saad ang salaping iya'y gugulin mong lahat sa man~ga salanta at sa nasasalat. Sa m~ga ulila at sa kailan~gan na nagsisigawa niyong kagalin~gan at ang paglalan~go'y iyong pagin~gatan nang di ka madaya nang Demoniong hunghang. At sa katawan mo ay huwag alisin ang larawang puso nang nakop sa atin saka ang larawan niyong Inang Virge't ang pagdedevocio'y huwag lilimutin. Tanang man~ga bilin ay pawang tinupad nang nasabing Pari kaya't napanatag nagbuhay Angel na at walang hinarap kundi ang maglingkod sa Dios na wagas. Kaya't nang dumating ang tadhanang guhit ang bayang payapa'y kinamtang tahimik bagaman nalígaw sa daang matuwid ay natutuhan ding muling nanumbalik.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings