ELECTO
Reading edition
Matuwid ang gayong palagay n~g duling kung tunay na ating didilidilihin tanang may ugaling mapakialamin madalas maramay sa man~ga hilahil. At sa nangyaring man~ga kaguluhan sila'y nalalahok kahi't di kaalam ang di umaalis sa loob nang bahay sa sandaa'y isa kung magkagayon man. Yaong man~ga taong gawa'y man~gutiya't walang kilos na di pamamalibhasa anopa't ang gayong pamamalibhasa siyang nagkakamit nang labis nang pula. Kaya kapatid kong man~ga ginigiliw gayong kagagawang lihis ay alisin at doon ay walang papakinaban~gin kundi yaong dusa't pulang sapinsapin. Kinakailan~gan nating pagaralan ang turo ni Kristong kapakumbabaan sundin ang kaniyang man~ga bili't aral nang tayo'y masama sa payapang bayan.
KATAPUSAN
