BRILLO
Reading edition
May isang sasakyang minsa'y naglalayag sa baybayin niyong malalim na dagat kapitá'y tutoong malaki ang sindak doon sa nasapit nilang pagkabagbag. Demonio'y makita ang ganoong ayos sa kaniyang puno'y nuhang pahintulot at ang tutuksuhin nang taksil na loob ay yaong kapitáng doo'y naguutos. Nang mabigyang tulot nama'y yumao na manunuksong ayos marinero siya at yaong sasakya'y tinun~go pagdaka't sa man~ga utusan siya'y nakisama. At sa paguutos na kasalukuyan sa lahat nang man~ga naruroong utusan nang upang maligtas sa kapan~ganiban ang malulubog na kanilang sasakyan. Marinero n~gang Demonio'y paglapit kapitán aniya'y ano po ang ibig sagot ay itali sa kahoy ang lubid nang tayo ay huwag malayo sa gilid. Lubid ay kinuha't ang pinatun~guhan ay lugar na walang sukat pagtalian saka wiwikain doon sa kapitán dito'y walang kahoy na mapaggapusan. Kung gawing kaliwa ang siyang sabihin ay sa dapat kanan ay doon dadalhin at pinagagalit na tikis ang dahil ang kapitá'y upang magkasalang tambing. Ang ginagawa n~gang man~ga panunukso kapitá'y nayamot na di mamagkano kung walang taliang kahoy man ó bató itali kahi't sa sun~gay nang Demonio. Gayong pan~gun~gusap ay niyong madin~gig niyong marinero'y iniwan ang lubid nagtaglay nang takot at ang sumaisip siya'y nakilala kung kaya nagalit. Kung kaya sinabi na sa aking sun~gay itali't ako pa ang pahihirapan agad nang umalis at humarap naman doon kay Satanás yaong tampalasan. ¿Wika ni Satanás ay anong lakad mo tugo'y nakilalang ako'y manunukso winika'y itali kahi't sa sun~gay ko kung walang taliang kahoy man ó bató. Ang tinukso mo'y taong may Devocion na di madaraig at may magtatanggol yaon ang sa Mundo'y di napauulol at tunay na lingkod niyong Pan~ginoon.