← Table of contents
Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati

BRILLO

Reading edition

May isang mag Inang sanggol n~g maiwan ang lalaking anak nang Amang namatay kaya n~ga't malabis yaong pagmamahal nang Inang may iwi sa anak na hiran. Nang katabilan pa ang lagay nang bata na di mawatasan halos magsalita kapag inaglahi nang kahi't matanda ang itinuturo'y mahalay na wika. Hanggang sa lumaki ay nakagawian pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay at kahi't sa harap niyong kamahalan ang ibinubuga'y kasalaulaan. Di na alumana ang bagay na yaon na katulad niyong masidhing ulupong Ina'y isang araw nama'y nagkataon na may panauhing nan~gagkakatipon. Anak ay dumating na galing sa sugal at sa pagkatalo siya'y nagkautang pagharap sa Ina ang wika ay bigyan siya, nang salapi't may pagbabayaran. Ina ay tumanggi't walang ikakaya doon sa salaping hinihin~gi niya kamandag na in~gat nan~ga'y ibinuga niyong tinuruang anak na vivora. Pinaglasayan na n~g wikang mahalay ang Ina, nang anak na walang pitagan Ina ay nagtaglay niyong kahihiyan sa nan~garuroong panauhing tanan. Kaya't ang mahalay na sabi nang anak sa bibig nang Ina'y siya ring binigkas anak ay nagtindig na likmua'y hawak at doon sa Ina'y siyang ihahampas. Tanang panauhin ay dumalo naman dahilan sa Ina na nagsisisigaw at lubhang malakas ang pananambitan nang nagturong Ina niyong kataksilan. Kaguluhan nila'y kahi't naapula kapintasan nama'y sumabog sa madla anopa't ang lahat nang makaunawa'y Inang sinisising uliran nang sama. Sila na ang lubos na naging hantun~gan nang lahat nang taksil na magmamagulang kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan ay di kabutihan kundi sa kasaman. Yaong kapalaran kung sila'y dalawin ay di mamalagi at umaalis din parang sinasabik sa sandaling aliw at kung magdalita nama'y sapinsapin. Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo sa maginang yao'y walang nabibigo ginagawa nilang aliwan nang puso yaong walang awang hirap kung bumugso.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings