BRINDO
Reading edition
At mayroon namang isang magasawa na ang anak nila ay lalaking isa at sa kabuhaya'y may lubos na kaya na hindi rin naman sukat kulan~gin pa. Dapuwa't sa anak ay labis magmahal at tutoong sunod na sunod ang layaw na kahi't anomang gawing kasalanan hindi pinapalo kahi't pilantik man. Kaya n~ga't lumaki ang kanilang anak na pagalagala't hindi naghahanap nang ikabubuhay na tungkuling dapat nang tao, kaya n~ga't kaiba sa lahat. At sa kayamana'y labis na gumugol na ináaksayá sa pagayon-gayon niyong makaraan ang ilang panahon namatay ang Ina na nagkandongkandong. Kaya ang natira'y ang Ama na lamang na siyang sa anak ay nagpapalayaw paglibot ang gawa sa gabi at araw palad nang matigil sa kanyang bahay. Isang araw naman na pagkaumaga na pagkakain ay naglibot na siya dinatnan nang lagnat naman yaong Ama ang sakit nang ulo'y halos di mabata. Di makuhang siya ay magluto naman nang pagkai't ayon sa matinding damdam sapagka't ang lagnat ay lubhang masásál saka masakit pa ang kasukasuan. Nang dumating yaong naglibót na anak ay gutom sapagka't lampas na sa oras pagdating sa bahay ay agad nagbukas niyong paminggala't kakanin ang hanap. Anopa at walang nakitang pagkain sapagka't ang Ama'y di makapagsaing pumasok na galit ay walang kahambing ang wika sa Ama'y bakit walang kanin. Malubay na tugon niyong amang ibig di makapagsaing ako at maysakit hindi makaban~gon pagka't nan~gin~ginig yaring katawan ko sa lagnat na labis. Sa anak na tugo'y magluluto lamang ang sakit na yaon ay dinadahilan ako ay gutom na ay walang daratnan nang pagkaing akin na inaasahan. Di magsaing ka na ang sa Amang wika at tunay na ako'y di makagagawa at ang katawan ko ay malatang-malata't ulo ko'y masakit na hindi kawasa. Magsasaing ako sa anak na sagot kita mo po't ako ay pagod na pagod lalo kung ganitong ako'y nayayamot maihahampas ko lamang ang palayok. Kung hindi ka taong walang kahihiyan anang Ama't talos mo na ako'y may damdam may kakanin ka na't iluluto lamang ay di mo magawa't akong uutusan. Madin~gig nang anak galit ay sabihin aniya'y ako pa palang hihiliin kahi't matuluyang ako'y di kumain ay ako ay hindi makapagsasaing. Nagalit ang Ama't wika'y lapastan~gan at munti ma'y wala ka nang kahihiyan gala ka nang gala sa maghapong araw at di mailuto ang kakanin lamang. Gayong pan~gun~gusap ano'y n~g madin~gig ang minamahal na anak ay nagalit at walang pitagang sa Ama'y lumapit yaong tampalasang alibughang isip. Saka yaong Ama ay sinabunutan at hinila hanggang malapit sa hagdan ang kaawaawang Ama'y sumisigaw pagka't masasakit ang buong katawan. Doon iniwan lamang yaong Ama at tuloy nanaog at umalis siya pagka palibhasa ay maraming kuwarta nang may isang linggo nama'y umuwi na. Kaya n~ga at noong dumating sa bahay ay bangkay na lamang ang Amang dinatnan at dalawang araw nan~gang namamatay sa gutom na labis na di ano lamang. Ano ang gagawin sapagka't patay na ay ipinalibing ang bangkay nang Ama sa apat katao siya ay umupa't nang oras ding yao'y ilinibing nila. Nang mailibing na ang sa Amang bangkay siya'y nagiisang natira na lamang nagkaasawa ri't kapalibhasaan ay may kamunti pang natitirang yaman. Isang lalaki rin yaong naging anak kawan~gis n~g Amang anhin mo'y pinilas at nang lumaki na'y tunay na kahuwad nang Ama, ang gawa at ugalig lahat. At tunay n~gang lubos na pinakalakhan ang gumagala sa gabí at araw at kung oras siya na kakain lamang kaya umuuwi sa kanilang bahay. Niyong lumaki na'y namatay ang Ina kaya't ang natira'y ay silang mag-ama haggang sa naging bagong-tao siya ang dating ugali ay di rin nagiba. Isang araw yaong Ama ay dinatnan nang matinding lagnat na may kalubhaan masakit na lahat ang buong katawan at di makaban~gon doon sa hihigan. Kaya sa hindi makayanang bathin yaong karamdama'y hahalihalinghing walang anoano nama'y sa darating ang anak sapagka't oras nang pagkain. Pagpanhik sa bahay ay tinun~go niya yaong paminggala't kakaing talaga palayok nang buksan ay walang nakita kamunti nang sukat na makain baga. Agad pinasok niya't kusang itinanong ang lutong pagkain kung saan naroon Ama ay bahagya na lamang tumugon aniya'y di ako makakilos n~gayon. Sa anak na wika'y ang kamunting damdam ay minamalaki mona pong dahilan diwa ay talaga na lamang aayaw na ako'y pakanin at nanghihinayang. Baga man ang Ama ay datay sa sakít ay napilitan ding dinayo nang galit dan~gan ang tao kang walang munting bait na nagsasalita'y hindi iniisip. Nakikita mona na may damdam ako ang pagsasaing ko kaya ay paano nariyan ang bigas ay di iluto mo at huwag magsabi nang kung anoano. Sa salitang yaong anak ay nayamot pagdaka'y tinangnan ang Ama sa buhok at kinaladkad na nang katakot-takot na hanggang sa lupa ay ipinanaog. Niyong hinihilang malapit sa hagdan ang sigaw nang Ama ay dito na lamang sapagka't dito ko lamang inihanggan ang nuno mo niyong aking sabunutan. Hindi rin nakinig ang kuhilang anak at doon sa hagda'y kinalakadladkad kaya't sa baytang ay nagkahampashampas nasisigaw tuloy sa malaking hirap. At nasa lupa na'y kinakaladkad din ang hunghang na Ama nang anak na taksil at iniwan na n~gang hahalihalinghing at doon na lamang buhay ay nakitil. Kaya n~ga't ang anak ay nang umuwi na dinatnan sa lupa ang bangkay nang Ama madlang nanunuod niyong datnan niya na hindi maisip yaong pagtataka. Pagkamangha nila'y paganhing saysayin bangkay ay ginanap yaong paglilibing anak na naiwan ay di rin nagmaliw ang ugaling hayop ang siyang kahambing. Yaong natitirang ari't kayamanan na minana doon sa Amang namatay ay naipagbili sampung pamamahay at naubos naman sa pagayon lamang. Saka nang wala nang tunay na makain ang man~ga damit pa'y naipagbili rin nang walang pagkuha'y dito na umatim nang gutom na hindi makayang tiisin. Ang ginalagala'y di rin nagtatahan at natun~go tuloy sa labas nang bayan at doon inabot niyong karamdaman nahiga sa lupa't di makagulapay. Sapagkahiga ay walang anoano doo'y napalibot ang maraming aso linapita't asa'y patay nang tutoo kinagat na pinaghalihanan dito. Katawa'y malata't mahinangmahina at hindi na halos makapagsalita kaya't ang pagbugaw niyang ginagawa'y di pansin nang asong nan~gagkakatuwa. May limang dipá rin ang napaghilahan niyong man~ga asong nagkakaguluhan at bago pa nila nakilalang buháy ay nang mahalata nang ginalawgalaw. Bagaman iniwan nang man~ga pagkagat ang dalawang paa'y tadtad na nang sugat lalo pang magulol ang matinding hirap at doon ang buhay na lamang nautas.