← Table of contents
Landas na Tuntunin

Sagót ni Marcela.

Reading edition

Dalmaciang kapatid ang ganitong liham ay paban~góng suob sa tinataghuyan, upáng sa amuki n~g pagsintang alay ang pinto n~g iyong bighani'y mabuksan. N~gayon ang tanong ko kapatid na guiliw huag paglihima't magtapat sa akin tungkol kay Constanciong handog na pagdaing ¿may palad na baga siyang tatangapin? —Sa tanong mo Cela'y bakit maglílin~gid ang pagsasama ta'y higit sa kapatid ang katotohana'y siyang isusulit bagay sa binatang dulot na pag-ibig. Nang nakararaang di pa tinatangap ang ina-asam kong pahatid na sulat ay nau-una na siyang nakalimbag sa lihim n~g aking katauhang bihag. At nang tangapin ko ang sinugong titik walang paglulanan n~g tuá ang dibdib, gayon man ay aking pinátipid tipid na dí nagpamalay sa tawong naghatid. Anopa't ang aking ligayang tinangap sa pagdating niyaong sinugong kalatas di lubhang nalaon ay nan~gagsilipas at ang humalili ligalig at sindak. Unang nagunita't sanhíng nakahadlang ay ang pagka habág sa m~ga magulang lapastan~gang anak ang di na tumanaw sa hirap dálita nilang pinuhunan. Bukod pa sa rito'y nang mag-isip-isip alab n~g gusto ko'y nasubhán n~g lamig dahil sa balitang aking nadidin~gig na ang tawong yao'y lahing mababagsík. Bulong n~g himaton kahit may asawa sa ibang babayi ay nakikisama dahil dito'y siyang niguil umantala sa malagong tubo n~g aking pagsinta. Yao'y siyang sanhi't bilang na pumiguil sa náunang siglá n~g aking pag-guiliw, n~guni't maniwalang sumasalisi rin sa buntong gunita na siya'y tangapin. N~gayon ko natantong ¿anong tinding bigat iwaksi ang sintang diwa'y may kamandag? na nananalatay sa lahat n~g ugat kaya't di mangyaring biglaing makatkat. N~guni paghinahon bulág na pag-ibig idila't ang iyong nadidimlang isip kung papatulan mo ang hiling n~g dibdib ay mahuhulog ka sa madlang pan~ganib. Kung naroroon na sa kamay n~g sukab lahing mapaglilo sa asawang liyag dí ang kailan~gang gagawing pang lunas sa hapdí n~g puso'y luhang tatagaktak. Piguil aking loob at alalahanin ang pagaasawa'y matinding dadalhín kung makatagpo ka n~g ugaling taksil magsisi ma'y huli't walang mararating. Lalo na't lalaking laguing mapagbintang sa dí guinagawa'y paghihinalaan, marahil ay di na panghihinayan~gan sa ikadadalí ang lapok mong buhay. Lalagui ka na n~ga sa tinaghoy-taghoy magsisi ma'y huli't wala nang panahon, anopa't kaya ka lamang huminahon kung maguing bangkay na't katawa'y maburol. Ito'y karaniwang aking namamalas sa m~ga babaying sinasamang palad siyang umi-iguib, kilik pa ang anak na dí pinapansin n~g lalaking tamád. Sampong pagkabúhay na ipagtatawid n~g asawa't m~ga bun~ga n~g pag-ibig ang tungkuling yaon ay wala sa isip at di nahihiya sa nakamamasid. Ang lahat n~g ito'y dapat isadili na kahihinatnan n~g isang babayi kung naroroon na'y walang mangyayari liban sa managhoy ang iyong sarili. Sa lahat n~g ito katawan ko'y bakit hangang may panaho'y milag sa pan~ganib kun katungkulan man ang gawang umibig huag kabibiglá at mag-isip-isip. Yaong kay Constanciong alay na pag-irog na naguing bun~ga n~g aking pagtulog pakapipiliting iwaksí sa loob at sa dalamhati nang hindí mahulog. Sapagka't kung siya'y magmana n~g asal sa m~ga linahi niyang pinagmulan na nangbabayi at ang katungkulan sa sintang asawa'y ipinamimigay. Di kung magkagayo'y alin pa ang háyap niyaong dalamhati ang hindí susugat dini sa puso ko at ¿gaanong antak ang ipagdaramdam ng saliwang palad? Ang lalong marapat ako'y mamayapa sa piling ni ama't inang nag-andukha at doon na hihintin ang laáng tadhana niyaong kamatayang pagpanaw sa lupa. ¿Sa madlang pasiyá niyaring aking dibdib nararapat kaya Marcelang kapatid? —Oo ang sagot ko't hindí nalilihis kung may kapalarang matay sa tahimik. N~guni't itong tawo'y kung talagang laang sa pag-aasawa'y mapa-abáng buhay, ang mata n~g isip ay nabubulagan sa masamang palad niyang káraratnan. Masdan mo Dalmacia't siyáng nangyayari sa mapapasawing paris tang babayi, kahima't mayaman at anak sa puri sa sinta n~g dukha ay napahuhuli. Kaya ang sinoma'y bulaan ang bait at ang matalinong m~ga pag-iisip supil n~g tadhana't hindí magagamit ang siya'y umilag sa maling pag-ibig. Daming pasalamat ang itinutungkol sa kabaitan mong taglay ang hinahon at dí nabalinong puso mo'y lumusong sa hiling n~g mundo't udyók n~g panahon. Sapagka't ang isang babaeng gaya ta talagang laán sa pagaasawa, may napapa anyong palad sa guinhawa bukod sa sariling kanlong n~g ligaya. Bakit ang madalás ay ang pagkukulang n~g isang babayi sa asawang hirang, anaki ang ibig ay siyang magtan~gan n~g ipangyayari sa lahat n~g bagay. At pagbibintan~gán ang asawang liyag n~g dí guinagawa at wala sa hagap ito'y di lulubay n~g tínalak-talák han~gál na babaying walang puring in~gat. May dí pagkabugnot at bigyan n~g tabig. kung nagupunó na sa di gawing galit, yao'y hindí buhat sa talagang bagsik kundí sa babaying samang bukang bibig. Halihalimbawang may katotohanan ang bikig n~g pusong ipinagbibintang yao'y hindí dapat ipagmaka-in~gáy pagka't sa asawang pan~ganib n~g búhay. Kaya sino ko man irog na kapatid na may asawa nang pinakai-ibig kung may panibugho ka mang ini-isip ay pakabalutin sa lihim n~g dibdib. Lalo't may asawa ang patatamaan sa kutóg ng iyong malíng pagbibintang, dí parang ikaw na ang nagpapatnubay sa ikadadali niyaong kamatayan. Kung mapan~ganyaya ang asawang liyag n~g dahil sa iyong dilang talipandas ¿maagaw mo pa kayang máiligtas ang nása kamay na n~g pagka-pahamak? Kaya ang payo ko m~ga guiniguiliw sa ubod n~g puso'y itandang magaling kung mayroon ka mang panibugho'y tipdin at saka ihibik sa oras na lihim. Na ang sabihin mo'y kulang ang ihalik sa bakas n~g yapak, asawa kong ibig tungkol sa anyo mong aking námamasid n~gayon ang luhog ko'y limutin sa isip. Alalahanin mo, asawa kong hirang na ako ang iyong katagni n~g búhay ikaw ang sinta ko't kaisang katawán kun ang pagsasama'y hindi durun~gisan. Kaya ako'y huag sanang pagliluhin, pagka't ang damdam ko'y karamdaman mo rin sa bawal kong ito't di ka papipiguil magkukusa akong lulusong n~g libing. At dí makakayang itagal n~g dibdib ang párusang ako'y dayain n~g ibig at ito ang siyang sanhing maghahatid niyaring abang búhay sa hantun~gang guhit. At ang pagkukulang n~g iyong pagtin~gin sa m~ga anak ta'y ang ihahabilin ang buntong hinin~ga, at anong gagawin sinásamang palad sa amang nag-ankin. Masdan natin dito kung hindi lalambot sa pusô n~g isang kasing ini-irog at mabibighaning mahambal ang loob lalo't ang luhà mo'y makitang nanagos. Kung sakasakali't hindí rin didin~gig sa m~ga taghoy mo't malunos na hibík, sukat sa magbata't idaing sa Lan~git na siya'y loobing magbago n~g isip. Iligtas sa madlang abang na pan~gamba ang kasing irog mong supíl n~g anyaya n~g mundo't ilagay ang boong pag-asa sa dunong na lihim n~g Lumik-hang Amá. At kung baga siya'y dí rin magbabago n~g pagkálugami sa daya n~g mundo ang loob mo'y huag namang mabubuyó na sa dalamhati gumanting maglilo. Ang isang lalaki kahima't maglihim dilág n~g asawa'y, lalong nagniningning, n~guni't kung babayi ang siyang magtaksíl ang abang lalaki'y nagmumuk-hang halíng. Titigas ang buhók at magbabalita ang kulay at anyong siya'y nadadayâ sa pagkakagayo'y ¿dí ka naman kaya nagdadalang habág, babaying kuhila? Dilidilihin mo't ikaw ang may tan~gan niyaong mahalagang putong na kinamtan, na kapag nabagsak ito at pinugay ay parang gumiba n~g isang Sambahan. Salamat na lamang kapatid na kasi kung bigyang panahong magawa ang sisi kamatayan nati'y hindí nagsasabi n~g araw at oras na ipanagyayari. At magandang pala, irog na kapatid kung pahahatdan kang babalá n~g Lan~git at bigyang panahon na makapaglinis upanding magtamo n~g bayang tahimik. Ihahangang dito't ako ma'y hindí pa talastas ang dako n~g maguiguing hanga kung may kapalaran sa pag-aasawa ó hangang tumanda sa pagka dalaga.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings