Ikalimang Pankat.
Reading edition
Malayo layo pa itong dumarating ay nakan~giti na ang magandang n~gipin itong dináratnan naman ay gayon ding isinasalubong ang mukhang may alíw. Nagyakap na silang puspus n~g ligaya parang pusong sabík sa dí pagkikita, sa pagkakayapos nang magkabitaw na kay Dalmacia'y nugnós ang buntong hinin~ga. Tanong ni Marcela'y—¿Ano ang dahilan may karamdaman ka bagang tinataglay? —Oo n~ga't kung bakit laguing dinadalaw yaring aking loob niyaong agam-agam. Sa tuitui na'y laguing nái-isip ang m~ga babalang pahatid n~g Lan~git kung ano't ang aking luha'y naguiguilid at napapanimdim ang huling sasapit. Kung kahima't kita'y nagsasalitaan n~g balabalaking maisipang bagay dí mo lamang pausíng madalás magdaan sa aking gunita ang kutóg n~g lumbay. Ang lahat n~g ito'y kung aking damdamin ay wala sa loob at dí pinapansin n~g ibang kapua't nagpapakahimbing sa layaw n~g mundong lubhang sinun~galing. —¿Ano ano namán kapatid na hirang ang napapansin mo sa mundong kásaman? —liban sa dí gayon daming nagnanakaw ang ari n~g iba'y lupiguit ma-agaw. At sa pagsasamang tan~ging mahalaga nagsisipaglilo ang isa at isa at kung magkáminsan ay pinapatay pa ang nakapipiguil sa masamang pita. Ang pananaghili at ang pagkainguit sa palad n~g iba'y aewan kung bakit naguiguing bisoól at matinding bikíg sa puso n~g dugong may linahing inip. Ipinaghihigpit ng hin~gang payapa yaong pagtatamóng palad n~g kapua at pangugugulan n~g ikasisira niyaong pan~gimbulo n~g asal kuhila. At saka kung aking pagkurukuruin ang dí pagka ban~gon, Inang Bayan natin imbót sa pagyaman, ang nakapipiguil, n~g kuhilang anák na walang pagtin~gin. Ipinagbibili sa hindi halaga ang m~ga damdaming pag-irog sa Iná may asal Galalón ¿ano't hindi ka pa tambin~gan n~g walang habag na parusa? Sa ugaling gayon may dí pagka poot yaong nanunun~gong mahabaguing Dios sa yaman at puring hamak inu-ubos ang pagsusumakit nila't paglilingkod. Ito ang masaklap n~gayong umi-iral na inu-ugali n~g maraming bayan hindí magkáisa niyaong kalooban at ang naghahari ang pag-iinguitan. Iba'y nagsasabing mag-atang n~g bigát ay dí naman kaya n~g lampang balikat, anopa't kung baga másunod ang han~gad parusa n~g baya't damdaming pahirap. Ay manong damdamín ang aming pagluhog pilitin ang tayo'y magka isang loob upanding sakaling siyáng makalagót sa tali n~g ating Inang nalulunos. Hangang dito Cela't may dí pag sisikip ang poót sa tawo, n~g Amá sa Lan~git linalapastan~gan ang Santong matuid at ang kaliluhan ang nasang manaig. —¿Ano ano namán sintang kapatid ko ang m~ga babaláng dí pansin n~g mundo? —Unang unang aking tuturan sa iyo kólerang nunuksá sa búhay n~g tawo. At ang ikalawa'y ang pagkakamatay n~g kawakasin~g hayop sa ikabubuhay, baboy, m~ga manók, at iba pang bagay saka ang luluksóng salot sa halaman. Na diwa'y sa boong lupang Filipinas ang hayop na ito ay lumalaganap halamang dapuan sa boong magdamag tapós na ang pagod at puhunang pilak. Napan~ganyaya na't wala nang hihintin tulad sa nagdaang sinirang pananím ang pag-asa'y lubos na may aanihin at nang naglalaman ay saka kinitil. Sa lílimang bagay na aking tinuran ika-anim yaóng away na nagdaan ¿ito kaya'y hindí dapat ipagnilay n~g tawo't isipin huling kararatnán? Ang Dios ay Amá ng Santong matuid na dí mangyayaring gumawa n~g lihís, ang lahat n~g ito'y dapat isa-isip at alálahanin ang huling sasapit. Kaya n~ga sa tanáng kapatid na hirang ito'y dí pag-unang bait at pagaral, pilitin na nating iwaksi't talikdan ang inu-galing hindi karampatan. Ang pananaghili at ang pag-iimbót sa ari n~g ibang namuhunang pagod, huag pagpilitang ikaw ang mag-impok at kahalay halay sa tawo't sa Dios. Alalahanin mong may sangkap ka naman na ipagwawari sa lahat n~g bagay may puring sariling dapat pag-in~gatan at ang malalait na m~ga magulang. Pagkat kun ang tawo'y napapakasamá na parang bulág na ang pagaakala dalan~gin n~g lahi ay ¿manong mabiglá ang kaniyang búhay na kahiya-hiya? Na dahil sa puri n~g minulang buhat ay nan~gadadamay sa pula't paglibák kaya hinihiling n~g lahat n~g anák na siya sa mundo'y huag nang magluát. Kun ang kahinlugang dapat magmasakít ay nananalan~ging búhay ay maligpit ang di kamag-anak ¿anong máiisip di ang daganán na n~g sangmundong sákit? At saka ang tawo'y kundí tatalikdan ang pagkakasalang kinadudumugan ay hindí malayo na tayo'y pahatdan n~g parusang walang dalang pakundan~gan. Kaya n~ga sa tanóng guiliw na kapatid ito'y hindí naman pan~gun~gunang bait pilitin na nating limutin sa isip ang lahat n~g gawang laban sa matuid. Man~gag-sipag-sisi't gugulin ang luha n~g paghin~ging tawad sa Poong Maygawa at magsi-pan~gakong di na magnanasa sa linaguing gawíng asal na masamá. Upanding kung baga't makita n~g Dios na tayong lahat na'y nagbabagong loob, mahabág at di na ituloy ang poót bagsík n~g parusang kakilakilabot. Kaya sino kamang nagpapakahimbing sa layaw n~g mundo, dibdib mo'y pukawin hangang may panahon ay samantalahin yaong pagsisising lubos na taimtim. Yamang talastas mo na ang ating búhay ay hindí lalagui sa lupang ibabaw at may takdang guhit yaong kamatayan na pagtuntong doo'y tapós na ang layaw. Kaluluwa natin ay pilit haharap sa handang Hukoman na sakdal n~g taas at uusisain ang lahat at lahat inasal sa mundo't gawang hindí tapát. Gahanip mong sala'y walang mákakanlong sa tunog n~g Juez na tatanong doon at kung malining na'y gagawin ang hatol sa dalawang bagay na maguiguing ukol. At sa pagdurusa'y kung doon mahulog ang maguing pasiyá n~g hatol n~g Dios, yaon ang dálitang kákilakilabot at hirap na walang hangang pagkatapos. Kaya mabuti rin ang may binhing hasík budbod na pananím sa bayan n~g Lan~git upanding mag-ani n~g linamnam tamís at kaligayahang walang kahulilip. Ang Imperiong yao'y hindí napapasok n~g kahima't sino'y n~g ligalig lungkot palibhasa'y bayan n~g santas at santos na nan~gag-aalay n~g puri sa Dios. Doo'y walang gabi ang saad sa aklát wala namang araw, buang sumisikat ang kapangyarihan n~g Dios na wagás ay labis sa madláng tanglaw na liwanag. Naroon din nama't iyong makikita ang luklukang hayag n~g Vírgen María alay ang maraming puri't pagsasayá n~g m~ga Vírgenes sa payapang Gloria. Ang ligayang yao'y walang pagkatapos walang pagkabago at lubos na lubos hindi paris dito na sa munting lugód dusang langkay langkay ang ganting kasunód. Kaya n~ga ang dapat ay magsamantalá hangang may panaho'y talikdan ang sala at huag páwili sa tamis n~g lasa nitong bun~gang mundo't may lihim na paklá. Yao'y pawang daya't laláng na hikayat n~g taga Averno, kaya n~ga ang dapat gamitin ang tatlong katutubong sangkap at ang kaluluwa'y nang dí mapahamak. Kun ang lakas natin ay mapipipilan ay huminging tulong sa kapangyarihan n~g Poong Lumikha, at dí papayagang masupil n~g lilong digma n~g kaaway. Ating dalan~ginin n~g taós sa dibdib yaong kamatayang sakdalan n~g tamís kaluluwa nati'y nang upang magkamít niyaong Luwalhating walang kahulilip. Sukat hangang dito, Marcela ang galáw n~g m~ga pagpitás nitong lamang bayan, ang magandang suyò nawa'y ipatnubay n~g may awang Lan~git hangang nabubuhay. Ang ating harapin ay ang makatumbás sa ama at inang namuhunang hirap —Oo n~ga Dalmacia at kang matutupad yao'y mamumun~ga n~g magandang palad. Nanatili nan~gang kanilang ilagan ang madláng paraya nitong kamunduhan at walang hinaráp kundí ang mag-alay n~g magandang suyò sa m~ga magulang.