← Table of contents
Landas na Tuntunin

Ikatlong pankat

Reading edition

Narito na ako—Kita nama'y antay ¿anong búhay ninyo kagabing nagdaan? —Sa awa n~g Dios ay walang ligamgam, kan~ginang umaga'y tumangap n~g liham. Na ang sinásabi tungkol sa pag-ibig padalá n~g isang binatang matalik n~g tinatahak na n~g aking panitig mahambal ang dating matipid kong dibdib. Na dahil sa hibík na kalaguimlaguim nitong nagsasabing kinatawan papel narito Marcela at iyong basahin ikaw man banta ko ay mahahambal din. Ohó! at kung gayon ay makadudurog n~g pusong matigas ang haing pag-luhog? —Narito Marcela't sa kamay ko'y abót ang makababaklang daing n~g pag-irog. Babasahin ko na, kapatid na guiliw ang pag-sintang mana sa linahi natin huag mababaklá ang iyong panimdim sapagka't ang mundo'y lubhang sinun~galing.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings