← Table of contents
Landas na Tuntunin

ISÁNG TAGUBILIN.

Reading edition

Sa bakás n~g yapak n~g kadalagahan ang lumagdang isip nito'y nag-aalay n~g munting gunita na kunang ulirán yaon kay Marcela't kay Dalmaciang búhay. Kung baga sa isang Araw na sumikat ay dí nan~gulimlim ang pagliliwanag buhat sa mulâ pa n~g pagkakalapat n~g kanilang dibdib na parang sinukat. Ang ali't alin mang datnán n~g ligamgam ang sing-isang puso nila'y nagdaramdam gayón sa ligaya namang kinakamtan walang natatan~ging pagsasarilinan. Kung sakasakali at may maling isip ang ali't alin mang sinsay sa matuid ay nasasansala at naihahatid hangang sa hantun~gan n~g itatahimik. Sila'y marurunong magbigay pitagan sa bala't bala nang dapat na igalang ito'y pakorona't putong na ban~gibang sa puri n~g m~ga nagpalang magulang. Maiin~gat silang magbalot sa lihim n~g puring hindí pa panahong sayan~gin magagandang loob, marunong tumin~gin sa búhay n~g dukhang dí gawing pansinin. Nan~gag-aabuloy n~g makayang habág sa kahit sinomang lugami sa hirap, hindí nabubuyó sa maling hikayat n~g mapag anyayang isip sa pahamak. Ang magyao't dito at makipanayam sa dí kaugali ay naguiguing bawal, lalo na't ang gawi n~g mákakararal ay manirang puri n~g sa ibang búhay. At kahit binaka n~g Haring pag-ibig yaon kay Dalmaciang matibay na dibdib ay hindí nangyari na ipinalupig at ipinagtangól n~g sariling bait. Bilang naguing kutâ ay ang pagninilay at ang pagka habág sa m~ga magulang, pinilit ang loob na makipaglaban sa dahas n~g sinta nama'y nagtagumpay. At ang nanatiling nasok sa panimdim sa kay Jesucristo ang puso'y ihain huag magasawa't baka ang sapitin ay ang dalamhati sa kakasamahin. Sinabi kong ito'y dí naman paghadláng sa m~ga dalagang panahong niniral at ang matrimonio'y mahalagang bagay kung sakasakali't mapag-iin~gatan. Yaón ang halamang habilin ni Cristo pinangagalin~gan n~g tawo sa mundo diyan nagbubuhat ang Papa't Obispo Cardenal at saka ang m~ga Ministro. Anopa't kung bagá mapag-iin~gatan ang pagkakalin~ga sa Santong halaman dito pa sa lupa'y pakikinaban~gan hangang sa lumipat n~g payapang bayan. N~guni't kun ang dahil n~g pag-aasawa n~g isang babayi sanhi sa anyaya n~g mundo, at hindí bibigyang halagá ang pagmamahalan maha~ga'y hindí na. Kaya n~ga ó m~ga binibining hirang kayo sa sariling laguing magninilay at hingín sa Dios na paliwanagan kun ang inyong isip ay pinagdidimlan. Muhang halimbawâ at kayo'y pumaris doon kay Dalmaciang dunong na mag-isip hindí nabighaning natol sa pag-ibig at ang alaala'y ang huling sasapit. At kung mangyayari mahalintularan yaong kay Marcelang mapayapang búhay hindí nabighaning ang puso'y ibigay sa parayang hilíng nitong kamunduhán. Ang pagka dalaga'y hihiguit pa mandin sa apat na puong taón kung bilan~gin walang hinaharáp kundí ang maghain niyaong pagmamahal sa ináng nag-angkin. Kaya n~ga ó m~ga binibining irog na ina-alayan niyaring paglilingkod maraming salamat kung ang iyong loob sa gandang anyaya'y magsi-alinsunod. Yaong pagsasamang walang kasing tamís ni Marcela't saka ni Dalmaciang ibig kunang halimbawa't nang upang magkámit n~g kaaya-ayang búhay na tahimik. At kung magkagayo'y maraming salamat sa napapanahon n~g PAMUMUKADKAD kahimanawari'y mag si PAMULAKLAK sabog kong tagurí n~g MAGANDANG PALAD.

WAKAS

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings