Ang panagót ni Dalmacia kay Constancio.
Reading edition
Náhuling pagsinta sa kapanahunan nang ako'y wala pang naguiguing katipán kung n~gayo'y wala nang sukat maguing daan pagka't sa puso ko ay may nagtatan~gan. Hindí taga rito't lalaking mabait ang tinatahana'y bayang matahimik pakumbabang loob at mapagtankilik sa kapanahuna'y gagawin ang bagsík. —Kaya huag mo pong ipagdalang lunos ang nabigong palad sa nasang pag-irog di na mangyayaring ako'y makahagpos sa kamay n~g aking kasing nagkukupkop. Sukat hangang dito't sa tadhanang laan n~g Lan~git, ang tawo ay doon lumagay, yaon ang payo ko't ang taguring ¡ay! tayo'y manatili sa payapang búhay.
Sa lahat n~g aking inilagdang titik ¿anong palagay mo Dalmaciang kapatid? —sa aki'y husto na't hindí nálilihís tungkol kay Constanciong alay na pag-ibig. Cela'y tiklupin mo't sa pagbabalutan lalagyan n~g guhit ang aking pan~galan tandáng maguing saksing ako ang may bigay sa tawong nagdalá n~g panugong liham.