← Table of contents
Landas na Tuntunin

Paunawà sa tanáng babasa

Reading edition

Manáng isang gabíng ako'y nag liliban sa makawiwiling liwanag n~g Buan kaguiat nagunitâ ang pinag-usapan dalawang dalagang nagsasalitaan. Pinan~gahasan kong ilagdâ sa papel ang lugód n~g puso, at anong gagauin kung dí makatagal at kusang hapuin ang isip, sa gayong lawig n~g baybain. Bakit sa panahong ito'y nararapat na ang kahit sino'y magtaglay n~g in~gat sa gugol na pagod, at may munting linsád páasahan mo nang may kataling pintas. Kaya sa tulâ kong m~ga itititik ang paunang samo, pantas na lilirip, huag paghanapan n~g malasang tamis ang bubót na bun~ga n~g unsiaming isip. Kung sa pag basa mo'y may mapansing hindí tama ang sabi ko't sa isip mo'y malí, huag hahatulan n~g sirá't ang hin~gi sa pagtutulin mo ay magwari-wari. Sapagka't kung kaya gumugol n~g pagál ang malampang isip kahit gumagapang, adhika n~g puso'y maguing munting tuláy sa tawiring hirap niyaring abang búhay. At kung wala ka mang mapupulon~g lugód sa bun~ga n~g aking pinuhunang pagod, ito'y mabuti ring aliwan n~g lungkot lalo't dinadalaw n~g samá n~g loob. Ihahangang dito't ang boong pasiyá ay nasasa iyo pantas na babasa, sa isasariwâ at ikalalanta ay naroroon din ang aking pag-asa.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings