← Table of contents
Landas na Tuntunin

Punò nang salitâ Unang pankat

Reading edition

Sa isang baybaing liban~gan n~g hapis na nasasakupan n~g bayang Ercañés nayong ma-alindog na nakakaratig n~g lansan~gang ilog sa alat na tubig. Sa poók ding ito'y may isang bakuran na katuatua't dami n~g halaman, kaya't sa bulaklak na inia-alay magtatamóng lugód ang matáng tatanáw. Sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan n~g Mayo kun ang alinsan~gan ay sumisimbuyó. Dito ri't dí iba'y may himalang dikít na isang dalagang matalinong isip, anopa't sinoman sa makámamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib. Manáng isang dapit hapong makaraan ang dalawang tugtog sa pala-orasán, dalaga'y nanaog tangkáng maglilibang sa magandang kubong talagang aliwan. Kapagdating doo'y biglang napahilig kasabáy ang taghoy luhang nag babatis ¡ay amáng amá ko! ang inahihibik ¿ano't inulila ang anak mong ibig? ¡Ay amang ama kong nagpalâ sa akin amáng nag alaga n~g kay inang lihim dí ka na naawang iwan sa hilahil akong abang bugtong sa sintang pananím! ¿Saan magpupuló't kan~ginong pagtanáw pipitas n~g bun~ga n~g iyong palayaw? wala na banta ko't hangang kamatayan ang pagpapalâ mo'y di na maduduláng. At diyán sa iyong buhay na sinapit ay walang wala nang oras na tahimik at kulang ang aking luhang nagbabatis sa tindí n~g dusa't bumubugsong sákit. ¡Ay amang ama ko kung magunamgunam madlá mong pag-irog at pagpapalayaw ay wala nang lan~git yaring abang búhay kundí ang malipat sa payapang bayan! Hangang naririto sa bayang malungkot at yaring búhay ko'y hindí nalálagot ay hindí titiguil ang luhang bubuhos sa hapdí n~g aking nasasaktang loob. ¡Hahanapin ko nang matagpô ang landas na pinagdaanan n~g iyong pag lipat sa kabilang mundo't aanhing magluát ay walâ na akong amang lumilin~gap! Sa mawika ito hin~ga'y nagka-buhól kaya n~ga't napatid ang masinsing taghóy, ay siyang pagdating namáng nagkataón katotong dalaga n~g na sa lingatong. Sa mamasda'y dagling nilugsó't dinamá tinutóp ang noo't dibdib n~g may dusa saka tinawagan, ang wika'y ¡Marcela! siyang pagka-ugpong nan~giling hinin~gá. Mata'y idinilat at saka nagturing —salamat, Dalmacia, at ikao'y dumating ako'y nakalimot at ang muláng dahil sa búhay n~g aking amang guiniguiliw. Pinatáy sa maling hatol n~g kastila n~g dahil sa sumbong n~g masamang dila, ito nama'y dina halos nawawala sa piling n~g aking lihim na gunita. Oo dí ko sana dapat na damdamin kun ang kamataya'y sa Dios nangaling, n~guni't sa kánulo n~g dilang Luciper ¿aling pusong anak ang dí pupugnawin? Kaya wala na n~ga akong kahilin~gan sa Dios kung hindí bawian n~g búhay, pagka't ang malipat sa payapang bayan ay wala nang pusong marunong mag damdam. Kaya n~ga, Dalmacia, ako'y nag a-agap guiliw na kapatid n~g pag hin~ging tauad sapagka't dí natin talastas ang oras n~g kamatayan kong di na magluluat. Sa mawika ito Dalmacia'y nalugmok nalaglág ang luha't nag buntong himutok walang katuirang nagpapahintulot na sa dalamhati búhay mo'y matapos. Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip ang pagkalarawan n~g santong matuid, na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git ay walang wala nang aantaing bihis. Pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa Dios na Amá ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hindí sa dunong niya nagmumula. Lisan ang pighatí at alalahanin yaóng hulíng búhay nating lilipatin dito'y walang utang na maitatakuil sa Dios na hindí daratnán n~g sin~gil. Kung katotohanang nagbuhat sa upat búhay n~g tatang mo ang pagka pahamak asahan mo Selang hindí magluluat darating ang ganti,t, oras na katapát. At doon sa iyong han~gád na mádalí ang búhay mo't dahil sa laking pighati iyong pagsisiha't baka maguing sanhí n~g dí pagkakamit Bayang Luwalhati. Sukat hangang dito, giliw na kapatid, dí naman pag-aral at pag-unang bait, iyong pagpilitang iwaksí n~g isip ang pighating laban sa Santong matuíd. Walang nararapat kundí ang umayos sa kapangyarihan n~g lumik-hang Dios sanlibo mang ama ang siyáng matapos ¿ano't daramdamin sa Lan~git na tulót? Pusong malulunod sa pighati't lumbay sa laglág n~g payo'y kusang nanimbulan, sa oras ding yao'y ipinagwaksihan ang katalong sindak na kinakalaban. —Salamat sa iyo Dalmacia kong kasi sa pagpapala mo't guinawang sakbibi at kulang ang aking dilang magpupuri sa dapat kilanling lubos mong kandili. Na dahil sa iyong payo't pag-aampon ligalig n~g aking puso'y huminahon kung dí mo dinatnán, banta ko'y nagtulóy yaring abang búhay sa pagkakabuhol. N~guni ang hilíng ko'y isang kasayahan na makapapawi sumimot n~g lumbay —oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iyán sa araw n~g bukas ay magagampanán. N~guni tulutan mo na kita'y lisanin si ama't si ina'y iníp na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kan~gina n~g di ko pagdating. At bukod sa rito'y dapat ipagsabi sa sintan~g ina mo, bagay na nangyari at baka sakali na sa dakong hulí ako ang patalba't buntuhán n~g sisi. Dí ligáw na balak, Dalmacia, kong mutia n~guni at ako rin ang sumasangsala sapagka't ang lumbay na gumagambala ay wala na't n~gayo'y lubos na payapa. Kaya huag mo nang hatdán n~g balisa ang dibdib n~g aking minumutiyang iná at yaón ay isang makadáragdag pa sa pighating dulot n~g pagkaulila. At huag mo sanang lisanin n~g biglá akong bagong bagong ahon sa dalita —Marcela'y bukas na tayo magpasasa n~g balabalaking magbibigay tua. Kay ama't kay ina ang gagawing sanhí na kitang dalawa'y dito mananahí kaya paalam na't iwaksí n~g budhí ang labág na iyong pagdadalamhati. Paasahan mo nang sa araw n~g bukas bilang na iisa ang tugtog n~g oras magbabalik ako't nang upáng magluát sa kubo ring ito kita mag-uusap. —Maraming salamat kapatid na irog ako sana'y huag makanlong sa limot kung may búhay lakás naman ay mag-utos at sa makakaya'y nahahandang lingkod. Abo't ang kamay ko't kita'y magyakapan hagkan muna kita't ako nama'y hagkán maguin~g tandang saksi n~g pagmamahalan at sa tipáng oras kita'y ina-antay.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings