Ang pagbasa ni Marcela sa pan~galawang hibik ni Constancio tungkol sa pag-ibig.
Reading edition
Nunulí na naman ang aking paghibik sa m~ga yapak mo, Poon n~g pag-ibig, na sa karain~ga'y huag ipagkait ang lunas na awa sa may dusang dibdib. N~guni't kung hindí mo naman maaatim ang lun~goy n~g puso't bawal n~g pag-amin ay wala nang buhay na dapat ituring at parang himbing na sa hantun~gang libing. Kaya kung sakali't nagaalan~gán man sa hiling n~g aking nagdurusang buhay mabighani ka ring iyong pagpayuhan ang sariling puso't magtaglay n~g hambal. At nang sa dalita'y upang makahugot ang nálulugami sa nasang pag-irog ipagkatiwala sa hihinting sagót ang iguiguinhawa niyaring abang lingkod. Ihahangang dito at pakahihintin ang tapát mong hatol sa alay kong daing, lakip ang kumusta't sa kayang pupulhin ay natatalagang lingkod hangang libing.