STA. CATALINA MARTIR
Reading edition
Si Santa Catalina Martir ay Anác nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad, sa Alejandría ay siya,i, namulat sa mang̃a Idolo nang pagsambang ganap. Ng̃uni at pinaturuan naman siya na magaling nang caniyang Amá,t, Iná, madaling natuto niyong iba,t, ibang mang̃a carunung̃a,t, lubhang na bihasa. Linoob nang Dios siyang liuanagan nang gracia niyang camahal-mahalan nakilala niya ang catotohanan na si Jesucristo ay Dios na tunay. At ualang aral na matuid na puspos cundi ang lahat nang mang̃a sinusunod, nang mang̃a cristiano caya,t, tumalicod sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos. Nang macaraan nang mang̃a ilang araw sa pagtulog niya,i, napakita naman, yaong Pang̃inoong Jesucristong mahal at Vírgen Maríang cabanal-banalan. Casama ang madlang maraming Angeles na sinootan siya ang napanaguinip, nang isang singsing at ng̃inalanang tikis na Esposa niyong Pang̃inoong ibig. At nakita niya nang siya,i, maguising sa isang daliri ang nasabing singsing, magmula na noo,i, nag-alab na tambing sa caniyang pusong pag-ibig na angkin. Sa Dios, at di na sa bibig naualay ang Jesús na ng̃alang catamistamisan, at uala ng̃a cundi si Jesús na lamang sa hining̃a niyang pinagbubuntuhan. Caniyang pinag-nanasa ang malabis na makita niya ang Dios sa lang̃it, at yaon ang siyang ikinasasabic na muntima,i, hindi maualay sa isip. Mana,i, nagpatauag nang panahong ito ang Emperador na si Maximiano, na balang binyagang cahiman at sino talicdan ang Dios nang mang̃a cristiano. Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy, sumunod sa utos niyong napakingan si Catalina ng̃ang babayeng marang̃al. Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap sa Emperador at ang ipinahayag, ay binyagan siya na cusang tatangap niyong camatayan sa Ley ay atas. Ang Emperador ay cusang natiguilan pagca,t, tila manding naálang-alang, ang malabis niyang mang̃a calupitan doon sa dalagang puspos carunung̃an. Bakit kilala nang ang babayeng ito ay tunay na Anác nang mahal na tauo, ang taglay na gulang ay lalabing-ualong taón nang humarap cay Maximiano. Sa Emperador na inacala naman na madaling yaon ay mauupatan, at dahilan doon sa caniyang taglay na cabataan pa,i, marupoc ang lagay. Ipinasundó ng̃a ni Maximiano lalong marurunong niyang filósofo, niyong tanang mang̃a Idolatrang tauo siyang laang magsisihicayat ito. Sa cay Catalina na babayeng Virgen na sa Idolo ay ibig pasambahin, limang pu pagdaca doon ang dumating pinacamarunong nang̃usap na tambing. Guinamit ang lahat nang mang̃a paraan sa cay Catalina upang mahiboan, sa Demonio pa silang tinulung̃an ng̃uni,t, sila,i, ualang nagauang anoman. At kinasihan nang Espíritu Santo ang abang babaye cung caya natuto, nang mang̃a panagot caya ng̃a,t, nagtamo siya, sa calaban niyong pananalo. Nagpilitang nang̃agsikilala tuloy yaong filósofong limangpung marunong sa cay Jesucristo na Dios na Poon at nang̃agsisamba silang mahinahon. Minagaling nilang mang̃a catuiran at ang mariríkit na mang̃a pang̃aral, ng̃ caharap nilang dalagang timtiman na hindi nang̃ambang naghain ng̃ buhay. Sa malaking galit niyong Emperador ay pinasungaban yaong marurunong, na filósofos at iniutos tuloy na silang lahat ay sunuguin sa apoy. Caya't silang lahat nama'y para-parang sinac-lolonan nang mahal na gracia, sa gayong pasakit ay namatay sila alang-alang sa cay Jesucristo bagá. Si Catalina,i, ipinahampas naman at di pinacaing labing isang araw, at di pinainom ng̃a sa bilanguan hinihimutoc niya sa madlang paraan. Hindi naman pinahalagahang lubos ang tanang pang̃aco na idinudulot, sa caniyang lahat na pakitang loob cahit camunti man ay di nalamuyot. Emperatriz tuloy ay pinapugutan na asaua niyong mabunying General, na si Porfirio dahil sa pagdalaw sa cay Catalinang na sa bilanguan. At silang lahat ay nanampalataya sa Dios, at tuloy nang̃agbinyagan pa, saca iniutos niyong palamarang gulung̃an ng̃ bató ang dakilang Santa. Na may nacapacong maraming patalim sa boong paliguid caya't nanalang̃in, sa Dios, si Santa Catalinang Virgen sa hirap na yaon na dadalitain. Caya ng̃a nasira,t, sumabog pagdaca ang gulong, at madlang sumampalataya, sa cay Jesucristo ng̃uni at lalo pang tumigas ang loob sa pagpaparusa. Nang tacsil na Emperador Maximiano agád iniutos na putlan ng̃ ulo, itong Vírgeng Mártir at nanaw sa Mundo yaong calulua,t, Lang̃it ay tinamo. Catauan ng̃ Santa,i, sa Dios inibig na buhatin naman ng̃ mang̃a Angeles, sa taluctoc niyong bundoc inihatid ng̃ Sinay, at doon nalibing na tikis.