← Table of contents
Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

Apat na pung sundalong Martir

Reading edition

Mang̃a Mártires ng̃a na pinang̃ang̃anlang de Sabaste yaong soldadong binyagan, apat na pung husto yaong cabilang̃an na hindi miminsan na pinahirapan. Sa pagca-bilango nang isang malupit na Gobernador ng̃ang di nagdalang hapis, ng̃ala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit sa banal na mang̃a sundalong mabait. Doon sa Sabaste nangyari nang una Ciudad nang cahariang Armenia, ang mang̃a soldado,i, nang pahubaran na niyong tampalasa,t, ipinag-utos pa. Na magdamag niya na ipinababad sa paliguan ng̃ang laang pangpahirap, na punó nang tubig lamig ay di hamac na pinahamuga,t, namumuong cagyat. Dahil sa taglamig noon ang panahon caguinaua,i, halos ualang macaucol, ang di macatagal utos ay umaho,t, sa malahining̃ang tubig pumaroon. Yao,i, siyang tandang tumatalicod na sa Dios na dati nilang sinasamba, ito ang tadhana sa sino mang siya na mang̃a soldadong binigyang parusa. Niyong hating gabing sadyang calaliman na yaong hining̃a,i, papanaw na lamang, nang mang̃a bayaning Mártires na tunay at para-para nang nagsisipang̃atal. Sa malaking guinaw, ng̃uni at namalas na sa paligua,i, biglang lumiuanag, nakita nang isang bantay na caharap na hindi binyagan ang hiuagang ganap. Na ang maligayang doo,i, pagpanaog nang mapag-candili na Poong si Jesús, na galing sa lang̃it at humintong lubos sa tapat nang Martir na mang̃a soldados. At ipinag-utos sa casamang tanan na mang̃a Angeles na pauang putung̃an nang isang corona balang isa naman nang mang̃a Mártires na mang̃a mamatay. Tang̃i yaong isang loob na mahina na sa parusahan ay umahong cusa at di na mahintay ang coronang handá na sa gayong dusa ay ganting biyaya. Pusò ay nagtaca,t, nagulumihanan at nagbalic loob sa Dios na tunay, yaong di binyagang doo,i, nagbabantay dahil sa himala niyang napagmasdan. Ginaua pagdaca ay siya,i, naghubad at taos sa loob na ipinang̃usap, na cristiano siya sa tanang caharap at sa paliguan ay lumusong agád. Di lubhang nalaon naman ay namatay caya maligayang caniyang kinamtan, ang sa pagca martir na coronang hirang sa sandaling hirap tua,i, ualang hang̃an. Ang mahinang loob na di nacabata ng̃ sandaling hirap alang-alang bagá, sa cay Jesucristo at humanap siya ng̃ guinhauang tubig na malahining̃a. Nang macaraan na yaong ilang araw siya nama,i, cusang nakitlan ng̃ buhay, ay napacasama,t, dusang ualang hangan doon sa Infierno ang kinahinatnan. Capagca-umaga ay ipinag-utos ni Agriculáo ng̃a sa mang̃a verdugos, na ang mang̃a Martir na mang̃a soldados na sa paliguan hirap ay malubos. Na pauang balian namang para-para niyong mang̃a hita at tipunin sila, sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca ito sa verdugos ang babala niya. Ang pinacabata,i, canilang bayaan sa mang̃a Mártires na pinarusahan, na si Meliton ng̃a ang siyang pang̃alan sapagca,t, canilang nakita pang buhay. Ng̃unit siya nama,i, tantong mahina na at hindi na halos na macagalaw pa, at namamanhid ang boong catauan niya at papanaw na ng̃a ang tang̃ang hining̃a. Iná,i, nabalisa niyong si Meliton nang nasang maning̃as sa bagay na yaon, na malubos ang pagca-martir niyong Anác at masamang sunuguin sa apóy. Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan at ang mang̃a carro,i, caniyang sinundan, na sa Mártires ng̃a na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag-susunugan. Ipamamanhic niyang talaga doon sa pinag-atasan niyong Gobernador, na ipakihapis nila si Meliton sa sigâ,t, masamang mamatay sa apóy. At ualang guinaua siya habang daan cundi ang Anác niya ay pinang̃aralan, bunso co,i, tiisin yaong cainitan ng̃ apóy, na parang pagtitiis naman. Nang guináw sa paliguan ng̃ang malamig naghing̃alo nama,t, buhay ay napatid, niyong si Melitong matimtimang bait sa lacad na yaon ng̃ mang̃a Mártires. Mabait na Iná ay tantong nalugod at yaong pag-asa ay puspos na puspos at ang Anác niya ay kinamtan na lubos yaong lualhating caloob ng̃ Dios. At na sa Lang̃it nang caluluang hirang caya agad-agad niyang ilinagay sa talagang carro ang sa batang bangcay ng̃ mang̃a Santos Mártires na banal. Sumunod ding gaya nang dati ang Iná hangang di napugnaw sa sigang nakita, ito ng̃a ang dinarasal cung fiesta na mang̃a Mártires de Sabaste bagá. Bilang ica sampu niyong Marzong buan guinagaua yaong mang̃a capurihan, nang apat na pung Mártires na tunay na mang̃a, soldadong pauang mang̃a banal. ¡Oh mang̃a capatid dinguin yaring luhog na pag-tibayin ang ating mang̃a loob, nang sampalataya sa totoong Dios at sa Iglesiang taglay nang sumacop. Huag nang isipin na mang̃agbago pa sa Iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na Santo at Santa. Ang mang̃a Mártires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot-tacot nilang camatayan sa cay Jesucristong Dios alang-alang. Cahimanauari tayo ay matulad sa mang̃a Mártires na Santos at Santas, at sa ating puso naua ay malimbag ang aral ni Cristo sa atin at atas. Hanapin ang lalong mabuting paraan na icasusupil sa ating catauan, huag manatili sumagap ng̃ layaw ng̃ Mundong sa huli pauang cahirapan. Caya tayo,i, dapat maglingcod tuina sa Dios na Poo,t, sa Virgen María, upang tayo nama,i, macasama nila doon sa payapa,t, ualang hangang saya.

Catapusan
Catapusan
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings