← Table of contents
Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

SANTA TEODORA MARTIR

Reading edition

Niyong Emperador si Deocleciano nag-utos sumamba sa mang̃a Idolo, ang mang̃a binyagan na cahima,t, sino ang balang sumuay papanaw sa Mundo. Caya ng̃a,t, ang isang butihing dalagang Anác tauong mahal sa Alejandría, siya,i, nagng̃ang̃alang si Teodora na sa Idolos ay aayaw sumamba. Dahilan sa gayong guinauang pagtangui ay ipinaculong ang abang babaye, doon sa bahay ng̃ mang̃a ualang puri na sa cahalaya,i, pauang nauiuili. Ng̃uni,t, ining̃atan din naman ng̃ Dios at isang soldado ang doo,i, pumasoc, ng̃ala,i, si Didimo na binyagang lubos ang siyang sa silid niya ay naglagos. Sa Santa at Martir cung caya tumung̃o siyang cailang̃a,t, ang uica,i, ganito, huag cang matacot sa pagparito co at aco,i, cristiano ring caparis mo. Caya sa silid mo kita ay linacbay ang calinisan mo,i, nang di madung̃isan, pagpasoc cong ito,i, ualang ibang pacay cundi sa nais co na mapag-ing̃atan. Iyang iyong puri caya tangapin mo at siyang isuot ang damit na ito, na cagayacan co sa pagcasundalo at lumabas ca na,t, magtagong totoo. At aco ang siyang dito,i, matitira na mahahalili,t, upang maligtas ca, sa capahamaca,t, sa payong maganda ay agad pumayag din si Teodora. Dagling isinuot na ng̃a yaong damit na pagca-soldadong cay Didimong gamit, ang Santa,i, lumabas sa naturang silid na cahima,t, sino,i, ualang nacamasid. Nang sa Emperador na mapag-alaman yaong pagcauala sa culung̃ang bahay, nang mang̃a babayeng búhay na mahalay ni Santa Teodorang loob na timtiman. Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo caya nacalabas na hindi naino, siyang hinatulan na putlan nang ulo yaong nagpahiram nang damit soldado. Mapagtalastas naman ni Teodora na si Didimo ang kikitlang hining̃a, ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga. Na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,i, ang dapat patayin ay aco alang-alang naua sa cay Jesucristo. Yaong si Didimo ay sumagot naman uica,i, di matuid ang hiling mong iyan, sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan aco ng̃a ang siyang dapat na mamatay. At yayamang iyong ipinagcaloob sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos, ng̃uni,t, tumutol sa gayong palasahot si Santa Teodora at ang isinagot. Ipinayag co ng̃ang aco,i, halinhan mo nang upang maligtas lamang ang puri co, sa capang̃anibang daya nitong Mundo doon sa bigay mo na damit soldado. Hindi co ipinagcaloob sa bagay na hahaliuhan mong icaw ang mamatay, na magcamit niyong calualhatian niyong pagca-martir na sa aki,i, laan. At hindi co hang̃ad mabuhay sa Mundo Hucom na malupit ng̃ mading̃ig ito, pinaputlan yaong dalaua nang ulo ang hirang na mang̃a alagád ni Cristo. Siyang pagcatapos nang búhay na hiram nang dalauang Martir sa lupang ibabaw, at doon sa gloria,i, guinanti naman nang di matatapos na caligayahan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings