SAMO SA BABASA
Reading edition

Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay cung pinipilantic niyong calungcutan, munting abala mo,i, guguling igamlay sa handog cong cayang hamac na aliuan. Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap nang minimithi mong lasang sadyang sarap, pasubalian mong isundo ang hanap upang ding palaring pita mo,i, matuclas. Bagaman at mura cung sa biglang ting̃in hilaw at mapacla cung pag-uauariin, ng̃uni,t, cung totoong pacananamnamin ang tamis nang lasa,i, malalang̃ap mo rin. Dito sa mapalad na cay Margarita na naguing hantung̃an samâ niyong una, ng̃uni,t, ng̃ lumaon siya nama,i, isa na naguing uliran sa gauang maganda. At ang limang Vírgen na mang̃a Mártires at apat na puong soldadong nagtiis, ng̃ madlang pahirap at mg̃a pasakit hangang sa ang tang̃ang hining̃a,i, napatid. Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod ikinatutuang buhay ay matapos, huag ang maturang maualay sa Dios tayo doo,i, dapat na umalinsunod. Huag mo rin sana namang pagsauaan ang alay cong dahop na pinaglamayan, may bahagya ca ring mapapakinabang di lamang ibayong tubo sa puhunan. Cung may tulang di mo mahulo ng̃ lining guipit ó masucal cung sa lalacarin, ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin ang tunay na landas ay matutuclas din.

