← Table of contents
Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

BUHAY NANG MARTIRES

Reading edition

Ang lalong mabuti sanang uliranin ng̃ mg̃a dalaga ay ang limang Martir, na minatamis pang buhay ay nakitil maing̃atan lamang yaong pagca Vírgen. Sasalaysaying co ng̃ayong isa isa ang pinagdaanang mang̃a buhay nila, ng̃uni at ang aking sasaysaying una,i, ang pag-mamartir ni Santa Dorotea. Bantog sa Ciudad yaong cagandahan niyong Cesarea, at sa cabaitan, cagandahang yaon ang naguing dahilan ng̃ calunos-lunos niyang camatayan. Manang isang araw ay tinauag ito nang Hucom na nagng̃anlang si Apricio, at hinicayat siyang di mamagcano na siya,i, sumamba sa mang̃a Idolo. Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan ang gauang pag-samba ng̃ mang̃a binyagan, doon ng̃a sa isang tauong hamac lamang na nag-caroon nang laking casalanan. Caya ng̃a at ipinaco siya sa Cruz na pinarusahan nang mang̃a Judios, cay Santa Dorotea ng̃ang isinagot ay si Jesucristo ang totoong Dios. Sa Lupa at Lang̃it siya,i, Haring tambing na dapat igalang natin at sambahin, cung caya ang dusa ay dahil sa atin nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin. Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca tinauag si Crista,t, saca si Calista, mang̃a babayeng tumalicod sila sa totoong Dios nang sampalataya. Na cay Doroteang capua capatid at inihabiling himuking mapilit, ang naturang Virgen at upang maákit na siya,i, sumamba sa mang̃a Dioses. Datapua,t, tunay na nasayang lamang yaong capagalan nang dalauang hunghang, sa pagca at sila,i, siya pang naácay sa pag-sisisi at pagbabagong buhay. Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit na Hucom ay pinahubaran nang damit, si Santa Dorotea sa laking galit at ipinag-utos nang labis at higpit. Na dictan ang caniyang boong catauan niyong linapad na mang̃a tanso,t, bacal, na mang̃a binaga,t, upang mahirapan at cung matapos na ay saca pugutan. Yaong Martir namang si S. Teopilo dating caáuay nang mang̃a cristiano, doon sa Hucoman ay palagui ito sa dahilang siya,i, isang Abogado. Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan cung may isusumbong na pagbibintang̃an, na cahima,t, sinong mang̃a bininyagan at inaari niya na isang aliuan. Caya,t, ang sinabi na naring̃ig niya sa Hucom, niyong si Santa Dorotea, na di nauaualan cailan man bagá nang mang̃a sariuang bulac-lac at bunga. Sa halamanan nang caniyang Esposo sa lualhating bayang Paraizo, ang nasoc sa isip ng̃a ni Teopilo ay sa paglacad ay salubung̃in nito. Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea caya ng̃a noong ilinalacad na, sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya sinalubong naman na caracaraca. Inaglahi na niyang lubos na tinuyá at pinag-bilinan pa niya conoua, na padalhan siya nang ibinalita na bung̃a,i, bulac-lac na mang̃a sariua. Ang sabing birong uala sa loob niya at pagpalibhasa lamang na talaga, ang pagmamartir ni Santa Dorotea na tinangap naman ay nang matapos na. Niyong oras din ng̃ang sinasaysay naman ni Teopilo, sa ilang caibigan, ang biling bulac-lac at bung̃ang halaman na ipinang̃acong siya,i, padadalhan. Ay nagtatauanan silang para-para ualang ano ano,i, nacakita sila, niyong isang batang lalaking maganda sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca. Siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang sang̃a nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahang̃a-hang̃a sa matáng mamalas. Tuloy na sinabi naman sa caniya yaon ng̃a ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si Santa Dorotea at biglang nauala naman capagdaca. Nagtacá si Teopilong hindi hamac yayamang caniyang napagtalastas na sa mang̃a araw na yao,i, di dapat na mamung̃a yaong halamang manzanas. At ang mang̃a rosa,i, di capanahunang magsipamulac-lac ayon sa dahilan, na noo,i, panahong laking calamigan caya lubos siyang nagulumihanan. Pinagcalooban din siya nang Dios nang bisa nang gracia na icatatalos, na Dios ng̃ang tunay si Cristong sumacop sa salang minana nitong Sansinucob. Ipinagsigauan na ng̃a ni Teopilo na siya,i, totoong tunay na cristiano, humarap sa Hucom at sinabi dito hangang sa minartir siyang naguing Santo. Caya at siya rin nama,i, nacasama nang Martir na si Santa Dorotea, at kinamtan ang lualhating gloria na bayan nang madlang tua at guinhaua.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings