← Table of contents
Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

Puno nang Salita

Reading edition

Decorative motif
Decorative motif

Capitulo 1.º

Taóng isang libo at dalauang daan saca limang pu pa yaong calabisan, si Margarita ng̃a ay siyang pag-silang sa bayang Labiano, niyong catauhan. Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag sa Toscana yaong unang pagcatanyag, ang Amá at Iná,i, mabuting tumupad nang pagca-cristianong canilang tinangap. At may puring tauo na magpapaupa yaong guinagauang hanap-buhay nila, silang nagtuturo sa cay Margarita niyong bagay bagay na gauang maganda. Na ayon sa mang̃a cabanalang paua at natututo pa lamang nang bahagya, yaong Anác nila nang pag-sasalita iminumulat na ay cagaling̃an ng̃a. Tanang malumanay na pananalang̃in niyong may caling̃ang Ináng nag-aángkin, sa cay Margaritang puso ay natanim caylan may di na mangyaring limutin. At dinadasal niya nang cataiman caacbay ang puspos na cadakilaan, hagang huling taón niyang paglalabay sa cahapishapis at hamac nabayan. Ng̃uni at sa gayong casamaang palad ang may pitong taón bilang nang maganap, si Margarita ay naulilang cagyat sa mapag-palayaw na Ináng masicap. Ang magandang gaua na naguing ca-acbay sa caniyang puso ay bigláng naualay, at ang pagcauili niyong pag-sasanay sa dating ugaling mang̃a cabanalan. Sa mauari niyong abang culang palad yaong pagmamahal nang Ináng lumipas, at ang casamaang hindi malalang̃ap palagay nang aling di carapat-dapat. Na naguing asauang cauli nang Amá lihis na pasunod nang di na mabata, laguing pinupucaw yaong ala-ala niyong pagmamahal nang naualang Iná. Caya ng̃a sa ibang bahay ay hinanap yaong pagmamahal na ibig malasap, cusang napadala sa maling hicayat nang catuaan, tubo ay dusang masaclap. At hinarap niya yaong pamumuhay ng̃ isang lagalag at masamang asal, pagca palibhasa,i, nahihiyasan ang caniyang isip ng̃ catalinuhan. Tang̃i sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit ng̃ gumandang lalo at ng̃ cauilihan ng̃ magsisisuyo. Nang mg̃a lalaki na macamamalas ¡ay sa abang abá! ng̃ saliuang-palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bung̃a ng̃ labis na mg̃a pag-gayac. At ang ualang taglay bagang cahinhinan na nacasisira niyong calinisan, ang cay Tertulianong acala,i, sino man di mangyaring maguing malinis na turan. Gaya ng̃ dalagang pinipilit manding siya,i, cauilihan ng̃ matang titing̃in hindi calulugdan ni Cristong malasin ang nasang calugdang dito,t, panoorin. At sa Pang̃inoong nagcacadalaua ay di mangyayaring maglingcod sa isa, at si Cristo,i, ayaw nang hahatiin pa yaong paglilingcod natin sa caniya. Sa bagay na ito,i, sinasabi naman ni San Cipriano ang ganitong saysay, ¿nakikilala mo cayang cararatnan ng̃ iyong dakila na capang̃ahasan? Diyan sa pag-gayac na napacalabis at iyang gaua mo na pagmamarikit, nagcacasala ca sa Dios sa Lang̃it na sa iyo,i, siyang lumalang na tikis. Hindi mauauala ang caparusahan sa iyo pagdating nang tadhanang araw, huag mong sabihin sa akin ang icaw ay mahinhi,t, di mo hang̃ad ang calugdan. Sucat na ang icaw ay ang macalimot sa mang̃a gagauin na ucol sa Dios, at ang pagcauili sa iyong pag-handog sa bagay na ualang casaysayang lugod. Dapat catacutan yaong cahatulan sa mang̃a babayeng tantong nag-cuculang, nang sa pananamit nila,i, cahinhinan at ualang matuid na mag-sasangalang. Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i, di sa damit lamang napagkikilala, yaong calinisan, at si Margarita ito rin marahil ang sinabi niya. Ang capang̃ahasang yaon ang nagbulid sa capahamacang di sucat maisip hindi macasapat sa pagmamarikit yaong ari nilang caunting nalabis. Di naman payagan ng̃ Amáng ubusin sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw, na masunod yaong camaliang hiling ay sa cahalaya,i, napadalang tambing. Cahit sinisisi ng̃ caniyang Ama,t, binibigyan niyong hatol na maganda. nang caniyang ali,t, gahasa man bagá manacanaca ring inaralan siya. Anopa,t, yaong caniyang cabataan ay naguing isa nang masamang hantung̃an, nang lahat nang canyang mang̃a cababayan naguing parang isang sucal nang lansang̃an. Ito na ang mula nang pagcaligalig niyong pag-nanasa sa napacalabis, na sa catauan niya,i, pag-mamarikit ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis. Si Eva ang tunay na cahalimbaua na sa paglilibang na ualang bahala, sa umang na silo,i, natuntong na cusa nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya. Ang mang̃a dalaga,i, siyang caraniuan sa pag-mamarikit na nasang calugdan, nang capua tauo,i, ang cahihihatnan dinadala tuloy sa capahamacan. Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparang̃alanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa bang̃in niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang. Sa isang binata bagang Caballero malapit sa Ciudad nang Montepulciano, nabihag nang gandang paraya nang Mundo sa pitang mahalay ay cusang nabuyó. Itinalaga na yaong calooban sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay, hindi na naisip ang sila,i, pacasal cundi ang lumaguing nagsama na lamang. ¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag-mamarikit, icaw ng̃a ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait! Sa lahat nang bayan at mang̃a Ciudad icaw ng̃a ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na mang̃a pag-gayac ay hindi mabilang ang nang̃apahamac. Cusang uinaualang bahala na cahit talastas mang sala ang pag-mamarikit, ang capalaloa,i, pang̃ahas at hilig sa pag-mamasagua niyong pananamit. Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay ang labis na lubhang caparang̃alanan, sa nasang tanghaling siya at calugdan ang puring napala,i, caalipustaan. Yaong cagandahang ibig na tauaguing Venus at Floripes Diana,t, Abigael, ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin. Ang mapanghalina na matáng mapung̃ay at linindi-linding aliw nang lansang̃an, di mag-abot kisap ay mahuhumaymay, ang dating maningning lalabo sa tanan. Mauaualang lahat ang lugod sa iyo nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo, ang di magcamayaw na puri nang tauo lilipad na para lamang alipato. Saca ang ulo mong pinamumutihan nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang, na inaayos mong pinagpapagura,i, bung̃ong butas-butas ang cahahanganan. Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca parang di mo tanto ang bububóng dusa, ang uica mo yata,i, bucas macalaua madaling magsisi cung naroroon na. Nagcacamali ca at di natin lining ang icatatapos nang hining̃ang angkin, mabuti cung hinay-hinay ang pagdating nang camatayan mo, at hindi biglain. Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang bang̃ing malalim na cabubuliran. Linalagyan din ng̃a cung minsan ng̃ Dios nang pait, ang mang̃a mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot. Manaca-naca ring pinag-cacaramdam ang nang̃alalayong mang̃a pamumuhay, sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan. Ipinauauari ang pagca-pahamac nang nabubulagang na saliuang-palad, ng̃uni,t, sa udyoc nang caibigang linsad nag-uaualang kibo,t, uari di talastas. Ang sa puso niya ay itinutugtog nang di naglilicat na aua ng̃ Dios, parang nang̃ung̃usap na madalas halos cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob.

Capitulo 2.º

Gayon ng̃ang nangyari minsang isang araw tinang̃isan niya yaong caugalian, na isang babayeng Anác ang cabágay na mapag-acsaya niyong cayamanan. Tinicang magbang̃on sa pagca-gupiling at lisan ang ning̃as na calaguim-laguim, nang Infiernong apoy na nasa ilalim nang paá niya,t, siya,i, laang sunuguin, ¿Ano ang nangyari sa cay Margarita napucaw sa himbing nang pagtulog niya, binigyan nang Dios nang cataca-taca na balitang siyang nagpaala-ala? Ng̃uni,t, para manding isang maliuanag na aral, na ualang casaysayang lahat, ang layaw sa Mundong icapapahamac malumanay namang siya,i, nakimatiyag. Ipinauari nang masintahing Amá minsang isang araw sa cay Margarita, nang umalis yaong casintahan niya,t, sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa. Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit na babayeng caniyang alila,i, nading̃ig na tumatahol nang tila nananang̃is ng̃ cahambal-hambal na di mapag-isip. Ng̃uni,t, hindi naman naguguniguni ng̃ saliuang-palad na may nangyayari, na casacunaan sa caniyang casing bunying Caballerong buhay ay naputi. Pinauaualan ng̃a manding cabuluhan ang sigaw ng̃ áso na calumbaylumbay, hangang nacaraan ang dalauang aráw áso,i, patuloy rin ang pananambitan. Saca ang damit ay kinacagat niya niyong pang̃inoon na si Margarita, tila nag-uiuica uari nang halica,t, ang pang̃inoong cong casi mo,i, patáy na. Dito pinasucan nang paghihinala ang cay Margaritang loob na mahina, nag-ulol ang sindac na hindi cauasa sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua. Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod sa daang itinuturo,i, naglalagos, bahagya pa lamang dumarating halos sa may calalimang bang̃in ay nataos. Na may ilang tuyo na sang̃a ng̃ cahoy ang áso ay nagpatihulog na doon, at pinasimulang hinucay nang tuloy na calumbaylumbay, yaong paghagulhol. Hinaui ng̃ nang̃ang̃inig na camay ni Margarita ang ilang mang̃a sucal na bilang na nacatatakip sa hucay nakita ang bangcay niyong casintahan. Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumising̃aw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib. Uinauari niya ang kinahinatnan ng̃ gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong ng̃ caniyang caauay tinadtad ng̃ sugat hangang sa napatay. Nang si Margarita,i, pagsaulang loob sa kinahinatnan ng̃ palad na capos, na ang buhay niya ay dagling natapos sa pagpapasasa ng̃ sa Mundong dulot. Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya caramihang uod yaong nakikita, ang catauang hilig ng̃ nabubuhay pa sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga. Ni camunting dung̃is di ibig bahiran ang catauan niya niyong nabubuhay, ang caniyang labis na pagcapihican ng̃ayon nama,i, siyang pinangdidirihan. Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca at pagpipighating naalaala, sa kinabuhusan ng̃ pag-ibig niya at ang catumbayan niyong calulua. ¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan ang calulua nang sauing capalaran, saan cundi doon sa Infiernong bayan ang sagot ng̃ voces na umaling̃awng̃aw? Magpahangang sa caibutura,i, taos nang pusò, at tantong ipinang̃ilabot, malamig na pauis ay agád sumipot at sinidlan niyong di cauasang tacot. Sa cay Margaritang dinidilidili ang gayong calunos-lunos na nangyari, sa lugod at layaw ay lubhang nauili ng̃ayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui, Ualang hangang hirap doon sa Infierno ang ganti sa munting ligaya sa Mundo, sa sandaling tua,i, nacapalit nito hirap casakitang hindi mamagcano.

Capitulo 3.º

Cakilakilabot ang cay Margarita na pakikihamoc sa sarili niya, bago nasundua,i, nahirapan muna sa nasang maganda niyang pagtitica. ¡Oh cahambalhambal na casasapitan nang sinomang nang̃ag papaliban-liban, niyong pagbabalic loob at ang araw na icatatapos niya,i, hindi alam! Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i, capakinabang̃an niyong calulua, kinikilabutan sa sarili niya ang caaua-aua na si Margarita. Nagugunam-gunam na nasa sapiling ang cabubuliran na calaguimlaguim, at may pang̃anib pang doo,i, mahulog din cun ang hining̃a niya,i, biglang makitil. Caya ng̃a,t, ang luha niyang pumupulas ay naguing turing nang parang isang dagat, niyong pagninilay sa pagcapahamac niyong pagcadaya nang Demoniong sucab. Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod nagsisi,t, huming̃i nang aua sa Dios, pinaglampasan nang mahayap na tunod niyong pagsisising sa puso ay taos. Ualang iniisip cundi ang tang̃isan lahat nang caniyang mang̃a casalanan, pag-pepenitenciang caunaunahan ang cusang lumayo sa capang̃aniban. Caya ng̃a,t, sa loob niya ay tinicang sa Montepolciano,i, umalis pagdaca, siya,i, naparoon at nagpatirapa sa paá nang Amáng tinalicdan niya. Yaong catacsila,i, inahing̃ing tauad at nag-pipighating hindi hamac-hamac, capagdaca nama,i, agád nang tinangap niyong Amá, yaong alibughang Anác. Na tumatang̃is na,t, siya,i, nagsisisi ng̃uni,t, ang matigas na loob na ali, ay hindi pumayag at cusang tumangui at inari niyang casiraang puri. Ang gayong paghibic at mang̃a pagtaghoy ni Margarita ng̃a na ualang mag-ampon, dakilang ligalig ang nangyaring yaon sa buhay na naguing parang isang tapon. Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang batá pa at ayos na nahihiyasan, nang sinag na taglay niyang cagandahan ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan. Yaong pamumuhay niyang namamalas na masama,t, parang daan ang catulad, na nasasabugan nang mang̃a bulaclac nang caligayahang labis humicayat. Siyang tumutucsong muling manumbalic sa dating casama,t, cagagauang lihis, iniuurali na sa huling guhit ay càauaan nang Dios sa lang̃it. Ng̃uni,t, yao,i, hibong isang camalian pang̃aco nang Dios sa cahit sino man, na nang̃agsisisi,t, nagtiticang tunay, ay iguinagauad ang capatauaran. Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò paanong cacamtan ang ipinang̃aco, pag naglibanliban icaw ay di taho ang camatayan mo,i, cahirapang lalo. Caya ng̃a sa gayong pagbubucas bucas ay lubhang marami ang nang̃apahamac, na ang ualang hangang dusa ay linang̃ap ng̃ mang̃a pabayang nagpapacatamad. Ng̃uni at ang abá na si Margarita sa udyoc ng̃ tucso,i, nakikilaban na, camahalmahalang Pastor ay muli pa na tumauag pagca,t, hinihintay siya. Laging nacadipa ang camay sa ati,t, yayacapin tayo cung siya,i, duluguin, ang capayapaa,i, ating tatamuhin at lubos na tayo ay patatauarin. Panibago namang tinauagan siya ng̃ masintang tunay na pag-aanyaya, inalalayan siya nang pakikibaca sa dahas ng̃ tucsong mangahis ang tica. Ang pangagaling̃a,i, yaon ng̃a marahil niyong pagbabagong buhay na magaling, ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin Margarita,t, kita ay cacaling̃ain. Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay at tinatang̃isan sa gabi at araw, ang lahat ng̃ mg̃a naguing casalanan at ang halimbauang mang̃a casamaan. Hinahang̃ad niya na moling mabaui ang lubhang malabis na pagcacamali, ng̃ cahalayhalay na pamamalagi sa layaw ng̃ Mundo ng̃ pagcalugami. Agád nang naglacbay doon sa Simbahan siya sa Labiano, na nasosootan, nang damit Celicio at natatalian ang liig at tandang pagtiticang tunay. Saca ang dalisay na paghing̃ing tauad sa caniyang mang̃a cababaya,i, hayag, at pinagsisihan sa harap ng̃ lahat na naguing dahilan ng̃ pagcapahamac. Hindi rin naglubag sa bagay na yaon ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon, pinabayaan na ang lulung̃oylung̃oy na Anác na ualang sucat na mag-ampon. Nang makita yaong calagayan niya nang caauaaua na si Margarita, na tulad sa tapong uala nang halaga caya ng̃a,t, lumipat sa bayang Cortona. Doo,i, mahinahong siya ay tinangap ng̃ ilang Señorang marunong mahabag, casama ang isa niyang naguing Anác sa naguing casuyong kinapos ng̃ palad. Ang unang guinaua na pinagpilitan nang taos sa puso at cataimtiman, ang dalisay na "confeción general" sa lahat nang mang̃a naguing casalanan. Siyang matibay na pasimula ito niyong pagbabagong buhay na totoo, siya,i, naparoon doon sa Convento nang cagalang-galang na si S. Francisco. Na namamalisbis ang luha sa matá niyong malalim na pag-sisi niya, isinaysay sampu nang pighating dala sa isa ng̃ang Pareng Relegioso bagá. At ikinumpisal niya nang malacas tanang casalanang gauang hindi dapat, at hining̃i niyang boong pagsisicap ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap. Nang sa penitenteng damit Serafico tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo, ang Confesor nama,i, napaayon dito,t, pinanghinapang pang bagcus na totoo. Pinasimulan nang pag-pepenitencia sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa, yaong hinihing̃ing simula ng̃ gracia at sa cabanala,i, nagsanay na siya. Linalayuan nang parang camatayan sa loob, ang lahat nang macapupucaw, ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay niyong maruruming pita nang catauan. Capahintulutan bilang ng̃ Señorang pinaglilingcurang caniyang asaua, mangyaring huag pahigpitin niya ang pagpapasakit sa catauang bagá. Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig na ang catauan niya,i, bigyan pasakit inaring di dapat ang nasoc sa isip tuntung̃an ang lupang alalay na gamit. Sa idinadaos na pananalang̃in sa lahat nang oras na macayang gauin, at ang pagsasanay sa icagagaling nang caisa-isang caluluang angkin. Pinatauad na ng̃a at cusang linimot ng̃ Amang lumic-hang mahabaguiug Dios, ang cay Margaritang casalanang lubos at bagcus guinanti ng̃ magandang loob. Madalas din namang siya,i, dinadalaw at tang̃i siyang pinagcacalooban, ng̃ sa lang̃it bagang mg̃a caaliuan at ang caniyang loob ay pinatatapang. Na ipatuloy niya ang tung̃o ng̃ lacad na pinasimulan sa tuntuning landas, niyong cabanalan na icatutuclas ng̃ caligayahang ualang pagcucupas.

Capitulo 4.º

Mg̃a Franciscano ay niyong masuboc ang cay Margaritang catibayang loob, na penitente ng̃ang bagong naglilingcod sa mapagcandiling mahabaguing Dios. Sa matining niyang halimbauang bigay doon sa adhicang mang̃a cabanalan, na sa boong Mundo ay pinasisilang caya,t, nag-habitong ualang caliuagan. Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco na ualang pang̃amba sa bagay na ito, patuloy ang loob na di nagbabago sa mg̃a pahirap niyang tinutung̃o. Ang lapastang̃anin ay di inacala nang caniyang asal na buhat sa sama, cung hindi lalo nang nag-ibayo pa ng̃a sa bagsic ng̃ gracia na nagbigay bisa. Inululan yaong pagpapacahirap capacumbabaa,i, lubos na niyacap, uinauari niyang di carapatdapat tingnan ang caniyang calagayang hamac. Capagbinabati siya nang sinoman at may anyong siya,i, tila minamahal, pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan nang ucol sa Dios na pagsintang tunay. Kinasusuclaman ang idinudulot nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod, na sa catauhan niya,i, naghahandog, ni munting ginhaua ay di iniimbot. Pinapagnining̃as ang tunay na nais, matupoc sa apoy nang laking pag-ibig, sa pananalang̃in at pagsusumakit sa icararapat na Hari nang lang̃it. Nang nananalang̃in siyang isang araw na taglay ang lubos na cataimtiman, sa harap nang isang mahal na larauan ni Cristong sa Cruz ay napabayubay. Doon ay nag-tamó nang tuang malabis at magandang palad dahil sa naring̃ig, sa labing camahal-mahala,i, sinambit yaong pang̃ung̃usap na lubhang matamis. Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag na babaye,t,! ¿anong sanhi nang pag-iyac, ¿ano ang ibig mo baga aking Anác? si Margarita ay tumugong banayad. Icaw lamang aking Pang̃inoong mahal icaw ang tunay co na caligayahan, cung na sa aking ca ay di magcuculang aco, nang cahima,t, anong mang̃a bagay. Ang sa Santang nasang maning̃as na loob na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús, ay siyang pagcaing ikinabubusog na sa araw araw ay macamtang lubos. Saca noon namang maunaua niya na sa paglilingcod sa mang̃a Señora, sa bahay na yaon ay di makikita ang catahimican nais na talaga. At gayon ding hindi masunod ang nais na mag-penitenciang adhica nang dibdib, ay siya,i, humanap niyong munting silid na matatahanan nilang matahimic. Casama ang bunso niyang minamahal at ang guinagaua niyang hanap-buhay, ay ang pananahi sa cubong tahanan at pag-panaog na,i, tung̃o sa Simbahan. Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua ó ang paghanap nang matatahi caya, laguing gumiguising siyang maaga ng̃a,t, nagsisimbang uala camunti mang saua. Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay na taglay ang lubos na cataimtiman, cung matanghali nang puso,i, masiyahan sa pag-dedevocio,i, ooui nang bahay. Patuloy rin naman ang pag-dedevociong casama sa gauang pananahing yaon, ang caabalahan lamang niyang tungcol ay ang pananahi na pangpauing gutom. Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong ipinagagaua nang sinomang tauo, ang iniuupa nang cahima,t, sino bilang limos nila lamang cung gaáno. Naguiguing panakip ang naibibigay sa balang caniyang mang̃a cailang̃an, ang mang̃a duc-ha pa ay natutulung̃an nang caunti niyang paghahanap buhay. Ikinatutua na niya nang malabis ang pagcain niyang tinapay at tubig, at nang ilang pasas at di gumagamit nang ning̃as nang apóy sa cubong maliit. Liban na ng̃a lamang na cung naghahanda sa panauhin niyang mang̃a salanta, itinuturing na totoong dakila ang bagay na mang̃a caaua-ang gaua. Capag-uala siyang pagcaing ibigay ó damit, sa duc-hang nagcacailang̃an, ay cahit anomang mang̃a casangcapan sa caniyang cubo ay hinahatian. Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya. ó mang̃a cuchara at maguing damit ng̃a, at isang panahong calamiga,i, sadya hinubo ang saya sa catauang cusa. At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay nang ang cahubaran lamang ay matacpan, na halos uala na siyang damit naman at maralita ring naghahanap-buhay. Kinikilala ng̃ang yaong mang̃a duc-ha ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala, ang pag-ganting ualang macahalimbaua ay tulad sa isang dakilang biyaya. Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan ng̃ uica ni Jesús na ganitong saysay, aco,i, nagugutom ay di mo binigyan ng̃ pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan. Binabayaran ng̃ Dios ng̃ sagana ang iniaálay sa camay ng̃ duc-ha, ang cay Margaritang handog at caling̃a pinatiticman na dito pa sa lupa. Yaong na sa lang̃it na caligayahan na tantong malaking capakinabang̃an niyong calulua,t, naguiguing dahilan ng̃ pagpapaualang halaga sa buhay. Magmula ng̃ siya ay magbalic loob sa catauan niya,i, malabis ang poot, pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos sa casalanan ng̃ang di sucat masayod. Saca ang masamang mang̃a halimbawa caya hindi pa rin ikinatutua, yaong cahirapan na dinadalitang pag-pepenitencia,t, pagaayuro ng̃a. Ipinasiya pang yaong cagandaha,i, cusang papang̃iti,t, ang muc-ha,i, sugatan, ng̃ catacot-tacot ng̃uni,t, hinadlang̃an ng̃ Confesor niya na umaálalay.

Capitulo 5.º

Sa pananaghili ng̃ Demoniong tacsil na di ibig niyang ang tauo,i, gumaling, inumang̃an din ng̃a ng̃ parayang pain tung̃ong cabanala,i, upan ding itigil. Ang coronang tang̃ing ualang pagcalanta na gaua ng̃ aba na si Margarita, Santang manahani na itinatalaga sa sarili, yaong cagaling̃an niya. Inupatan na ng̃a ng̃ lilong caáuay niyong catha-catha na cabulaanan, Margarita, anya ay iyong tigilan iyang malabis mong mg̃a cabanalan. At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit tunay na di ayon sa taglay mong bait at ang malabis mo na pagpapasakit sa iyong cataua,i, tantong nalilinis. Gayong gaua,i, isang laking calupitan para cang tikis nang nagpapacamatáy, di ucol higpitan at ang cailang̃an bigyan mo nang luag at capanahunan. Upang magcaroon nang camunting lacas nang may ipag-tangol sa araw na dapat, na cailang̃aning mamaya ó bucas ay di mahahapo na caagád-agád. Lubhang masisira ang cabaitan mo cung magpacahirap nang di mamagcano, ang dapat mong gauin sa panahong ito cataua,i, ing̃ata,t, lumauig sa Mundo. Yamang lubos namang pinatauad ca na nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala, ay ano ang iyong alalahanin pang cataua,i, higpitan at mag-penitencia. Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap na ipinapain niyong si Satanas, at napagkilala na caagád-agád ang gayong pagdaya at mang̃a pag-upat. Napakikita pang conua ay Angel nang caliuanagan, ang siyang cahambing, ay si Margarita,i, naghiganting tambing sa capang̃ahasan niyong si Lusifer. Pinapag-ibayo nang higuit sa una yaong dating gauang pag-pepenitencia, capacumbaba,i, pinapag-ulol pa ayon sa hatol nang Evangelio bagá. Isang araw siya,i, lalong sinigasig nang tucsong marahas na sacdal nang lupit, caya ng̃a cay Jesús naghihinanakit niyong hinanakit na caibig-ibig. Sa lubhang masintang Amáng mananacop na sa nacadipang larauan sa Cruz, ng̃uni,t, minarapat aliuin ang loob nang mapagcaling̃ang mahabaguing Dios. Na ang uinica sa caniya,i, ganito na magpacatapang icaw ó Anác co, cahima,t, marahas ang cabacang tucso ay di mangyayaring manaig sa iyo. At aco,i, narito na iyon casama sa lubhang mahigpit na pakikisama, at magmasunurin sa payong maganda sa umaácay sa iyong calulua. Huag matacot ca,t, ilagay sa akin ang gracia ay iyong catibayang kimkim, huag sa sarili ay umasang tambing ang nasang tagumpay nang upang tamuhin. Sa cay Margaritang biyayang kinamtan bilis nang pagtacbo niyong cabanalan, sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang. Cusang lumalalim yaong mang̃a ugat nang capacumbabaan ng̃ang hindi hamac, lalong nahihilig at minamasarap ang pula at caalipustaang lahat. Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá sa lahat nang namamayan sa Cortona, ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya na ang ualang casing-sama ang capara. Na catulad niyong sa Infierno galing dang̃an ang Confesor ang nacapipiguil, siyang humahadlang na di dapat gauin ang nasa niyang yaong ibig na asalin. Cundi pinupuing ang gayong adhica na isang totoong pagpapacababa, sa mang̃a lansang̃an siya ay gagalang may tali sa liig, at ilalathala. Ang nang̃acaraan niyang pagcasinsay at ang nang̃a gaua niyang casalanan, upang matalastas nang lahat sa bayan ang malabis niyang mang̃a catacsilan. Di cung magcagayo,i, huhulihin siya cuculang̃in siya,t, doon isasama, sa mang̃a babayeng masamang talaga na linalapatan nang mang̃a parusa. Ang dakilang yaong capacumbabaan ni Margarita, ay kinuhang uliran, ang caniyang laguing pag-gugunamgunam nang cay Jesucristong mang̃a cahirapan. Sanhi ng̃a sa ating na icagagaling ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing, niyong mang̃a Judio, ng̃uni,t, di pinansin binatá at upang tayo ay sacupin. Lalong sa loob niya ay nacabubuhay yaong sa sariling pagninilay-nilay, sa Vírgeng Ináng mang̃a casakitan sa nagdusang Anác na mapagpalayaw. Na sinasacdalan nang boong pag-asa sa anomang mang̃a cailang̃an bagá, isang araw nama,i, dinilidili niya tanang cahirapang di suca,t, mabatá. At dahil sa atin ay laking pag-ibig ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis, moli pang kinamtan ang tuang malabis sa pagdalaw niyong Amáng na sa lang̃it. Noon hinatulang siya ay lumaan sa cacabacahing mang̃a cahirapan, at lubhang marahas na caralitaan ang daranasin mo hangang nabubuhay. Tulad sa pagtunaw ng̃ guintong malinis na dinadalisay ang uring malabis, hangang may camunting dumi inaalis nang upang tumaas ang mithing kilatis. Dadalisayin ng̃a ng̃ayon ang puso mo nang pakikilaban sa dahas nang tucso, catacuta,t, sákit ay laan sa iyo gutom cauhaua,t, pagluhang totoo. Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan, upang macapasoc sa calualhatian ani Margarita, aco,i, nalalaan. Naririto aco ó Pang̃inoong co titiisi,t, alang-álang po sa iyo, tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i, igauad sa aking hirap mang gaano. ¡Dios co! ay sino ang tatangui caya sa aking babathing mang̃a paralita, na di pa anino nang hirap mong madla at dahil sa akin ay inalipusta. Sa ganong pagdidilidiling mataman nang ganitong hirap ay nanghihinapang, at mapayapa niyang pinagtitiisan ang pagcasiphayo,t, caalipustaan. At si Margarita minsan ay pinuspos nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop, na nacapagbigay nang masamang ayos na halimbaua sa matáng nanonood. Sa bagay na siya ay dapat lumaban ikinatua nang caalimurahan, at binigyan pa niya nang catuiran ang guinauang yaong catampalasanan. Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad sa sumirang puri na lubhang pang̃ahas, ay pinadalhan pa nang lalong marapat na alay na doon sa cubo nagbuhat. Capag nagdaramdam ang sarili niya niyong sa babayeng guinauang pagmura, na di catuiran ay caracaraca,i, nagpipiguil itong mananahing Santa. Minsan man ay hindi nasoc sa sarili yaong pang̃ung̃usap na paghihiganti, at hindi ninasang bumigcas nang sabi na laban sa gayong mang̃a pagca-api. Di nagpapakita nang tandang anoman nang tungcol sa mang̃a gauang cagalitan, na sa pagbabata,i, maguing caculang̃an at siyang totoong pinaglalabanan. Tunay na sinupil niyang di sa palá yaong sa catauang hilig na masama, na laguing pinag-cacahirapang lubhá yaong capurihang di ibig masira.

Capitulo 6.º

At cahima,t, gayong caayos ang asal tunay na caniyang di pinararaan, ang mang̃a pagdulog sa lahat nang araw na nagcucumpisal at nakikinabang. Tanang camalian lalong maliliit ó ang caculang̃an ay isinusulit, marahil ang tauong hindi nag-iibig nang ganoong gaua,i, magtatacang labis. Dahil sa malimit na mang̃a pag-tangap niyong mang̃a Santo Sacramentong uagas, gayon cung magsabi yaong mang̃a tamad sa gauang magaling, matamlay gumanap. Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog sa confesonario na aua ang handog, sa tauong may mang̃a taimtim na loob sa ning̃as nang nasang calugdan ng̃ Dios. Sa pagkita niyong mang̃a caculang̃an agád hinahanap ang caliuanagan, na di napupuna nang ibang ang layaw sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam. Ng̃uni,t, sa matibay ang sampalataya ang confecio,i, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na patáy sa gracia. Capakinabang̃an nila sa madalas na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag. Sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa mang̃a nagaua niyang casalanan, at sa calulua,i, nag-nining̃as naman apóy nang pag-ibig na lalong dalisay. Cung sa ating pusò naman ay mag-alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag-ibig na tapat ang calulua at gracia,i, matatangap. At doon dudulog sa mahal na dulang nang pagcain niyong mahal na tinapay, nang mang̃a Angeles, na di matimbang̃an yaong caáliua,t, pag-papahinapang. Sa paglacad nila na pasan ang Cruz sa mahal na piguing niyong mananacop, nagbibigay lacas at sigla nang loob nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod. Cusang paghahandog sa Dios na Amá nang pagca-totoong mang̃a lingcod sila, at sa caning̃asa,i, lubos ang pag-asa sa dibdib, nang nasà sa tuituina. Na sa balang oras ay laguing tangapin si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin, at manaca-nacang iniuurong din ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil. Ang di ng̃a carapat-dapat magpatuloy sa caniyang pusò, yaong Pang̃inoon, na ang camahalan ay ualang caucol nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong. Sa pakikibacang capacumbabaan at yaong malaki niyang cagutuman, sa pagcain nang camahal-mahalang Maná, ang totoong ikinahahambal. Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha ang loob, at sanhi nang ilinuluha, nang di cacaunti at lubhang sagana ng̃uni at inaliw nang Poong dakila. Na huag matacot ó Anác cong hirang at huag lumayo sa laang cong dulang, sinomang tutung̃o ditó,i, nag-tataglay nang dakila,t, ucol bagáng calinisan. Sa camahal-mahalan ng̃ang Sacramento ng̃uni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano sa ualang sakit ay anhin ang médico? Cundi sa talaga na may mang̃a damdam doon ang médico,i, kinacailang̃an, sa piguing ng̃ mang̃a Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan. Nang magpipighati,t, magtatamong galác ang mang̃a mahina ay magsisilacas, at magsisitapang ang mang̃a douag maestro at Amá sa hang̃ad na Anác. Sa mang̃a oveja,i, maauaing Pastor masintahing Hari sa lahat nang campon, at sa mang̃a duc-ha,i, tang̃ing Pang̃inoon at bucal nang cagaling̃an di sang-gayon. Nang upang mangyari na tangapin niya ang sinoman sa di mamagcanong gracia, na ibinubobó ni Jesús na Amá niyong cagaling̃an niyang ualang hanga. At sa calulua na masusunduan yaong cagaling̃ang sa caniya,i, laan, ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan niyong pagtangap sa mahal na catauan. Sa dakilang sala,i, di lamang malinis, cundi sa lalo mang salang maliliit, biling cailang̃an lamang ang pagligpit sa isang maáyos na pananahimic. Lumayo sa lahat nang capopootan nang matá nang Amáng macapangyarihan, dapat na taglayin ang pang-hihinapang nang sa lang̃it bagáng mang̃a cahatulan. Caya ng̃a at nagdudumaling dumulóg si Margarita, sa pagtangap cay Jesus, at siya,i, hindi na lumayó pang lubos at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos. Ang di pagcarapat at caralitaan sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang doon sa pagtacbó nang batis na tunay nang pagca-dakila at niyong calac-han. Sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan bagá nang ualang capantay na Hari at Amá. Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios na si Margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal-mahalan ng̃ang Mananacop. Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay Margarita sa pananalang̃in niya sa tui na. Santang mananahing ito ay cung minsan nag-hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,t, masamang pag-ganti ng̃ macasalanan. Na hinuhulugan ang pusong parati, ng̃ tanang caniyang mg̃a penitente, ng̃ isang maning̃as na nasang malaki,t, calualhatian ng̃ Dios na casi. Sa di mabilang na pagcagaling-galing ng̃ mang̃a saliuang capalarang angkin, parang tumatacbong bulag ang cahambing sa capahamaca,t, ualang hangang lagim. Namamagitan ng̃a ay si Margarita,t, siyang humahandog na magtiis siya, dahilan sa gauang catacsilan nila ang hirap sa Mundo ay di alintana. Madalas sabihing aniya,i, Anác co niyong Pang̃inoon nating Jesucristo, aniya,i, di bagá napagmamasdan mo ang lagay ng̃ lupang ito cung paano. Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran niya, ng̃ malaking catampalasanan, ang mg̃a pag-ibig, niyong catamlayan mang̃a pagsiphayo,t, caalipustaan. May mang̃a asauang cusang humahandog sa cahalayan ng̃ang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod. Ang hiyas na taglay niyang calinisan ng̃ mang̃a binata,t, ng̃ may asaua man, napabibihag sa ualang casaysayang pagmamarikit na laking casiraan. Na caugaliang batis niyong sama niyong libolibong mang̃a pagdaraya at saca ng̃ mg̃a casalanang paua na sanhi ng̃ mang̃a pagcapang̃anyaya. Cung may naliligtas ditong mang̃a ilan sa bahang mabilis ng̃ gayong casamán, napaalipin sa caparang̃alanan sa hamac na pitang mang̃a capurihan. At gayon din sa pag-dedevoción at sa malimit man na pagtangap tuloy niyong Sacramento ni Jesús na Poon ay boong capacumbabaan ang ucol. ¿Paano ang lagay cayang inaasal ng̃ ibang may hauac niyong catungculan, na hucom, na nagbibili ng̃ catuiran at inaapi ang ualang casalanan. O dahil sa suhol at pagsamong gaua ó sanhi sa cayamanang di sapala, ng̃ mg̃a campon ng̃ sakim na adhica na mang̃a tauo ng̃ang hindi nahihiya. Na maghandog niyong inciensong bulaan na puring cunua sa may catungculan, gayon din ang mang̃a naghahanap-buhay na di ginagauang hustong catuiran. Saca yaong lahat nama,i, dinadaya ng̃ upang macamtan ang anomang nasa ang cabulaana,t, pagpapang̃anyaya at mang̃a paraang iba,t, ibang gaua. Ang di nahahabag na sinoman siya sa mang̃a bao co at mang̃a ulila na ualang mag-ampon at saca bagcus pa na cusang ginahis nilang tinalaga. Tanang pag-aaring nang̃adayang lalo sa canilang lalang na pagpapatubo ¿paanong ang lang̃it caya,i, ibububo ang gracia, sa mang̃a tampalasang pusò? Na di pansin yaong mang̃a casalanan loob ay matigas cung sa cabandayan yao,i, isang moog na nacahahadlang ng̃ sa Dios bagáng mang̃a caáuaán. Yaong mang̃a yaman ó aring linupig sa apong ulila pamangkin mang cahit, maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit sa payapang landás nang di ca malihis. At huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang Dios ay hindi mo na madadaya. Masasarapang ca hangang guinugugol yaong yamang hindi icáw ang nagtipon subali,t, pagdating ng̃ tacdang panahon icáw ang sa dalita naman ang tataghoy. Ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag-susulit sa Hucom na di ca macapaglilic-lic. Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t, ang huling darating ay di ala-ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang Lang̃it na ualang catapusang saya. Cung gayon ang iyong acala icaw sa iyong sarili ay madarayaan, ang camatayan mo,i, mabuti na lamang cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang. Sa cay Margarita,i, itong hinihiling na iniluluhog nang boong dalang̃in, nang macalilibo na liuanagan din ang malabong isip, ito,i, siyang daing. ¡Yaong mang̃a aba na saliuang-palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag-tatalastas na di pinapansin niyong mang̃a sucab. Ang hindi sa palang mang̃a catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,t, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan. Sa guitna nang gayon napagpapasakit sa sarili niya nang calupit-lupit, na pagpaparusang cusang tinitiis sa catauan niya nang calait-lait. Tanang capaitan sa caniyang loob at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop, ay dinadakilang sa pusò ay taos sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos. Nagsasacdal siya sa icaaáliw niyong Isang Reyna na ualang cahambing, ualang bahid dung̃is at saca sa Angel nating taga tanod ay idinadaing. Ipinamamanhic sa magpacaling̃a na Vírgen María na Iná nang aua, sa tanang Angeles sa lang̃it na madla ay isinasamo nang boong pagluha. Madaling pagding̃ig ay napagkilala sa lahat nang mang̃a caraing̃an niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bagá. Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan. Sa pag-gaua niya nang mang̃a himala sa matining niyang pagpapacababá, ayon sa caniyang matibay na nasa na pagpapaualang halaga sa lupa. Cailang̃ang gauin sa harap ng̃ lahat na maguing paraang macahihicayat, camay sa may sakit ay naguiguing lunas na capagnahipo,i, gumagaling agád. Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan ng̃ nang̃agnanasa capagnadaing̃an, tungcol sa alin mang gauang caauaa,t, di hang̃ad gantihin ng̃ anomang bagay. Bagcus dumadalo na caracaraca sa may cailang̃an na sinoman siya, sa capua tauo,t, cagaling̃an niya at capayapaa,i, linilisan muna.

Capitulo 7.º

Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap ang pagsasanay sa pagpapacahirap, at pananalang̃i,t, pag-ibig na uagas ni Margarita, sa tumubos sa lahat. At iba,t, iba pang mang̃a cabanalan, na icararapat sa Poong lumalang, sarisaring gauang cagandahang asal na siyang totoong tunay na uliran. Upang ipahayag yaong nalalapit ng̃ araw na dito sa Mundo,i, pag-alis, at ng̃ salubung̃in ng̃ nang̃apipiit sa purgario,t, mahang̃o sa sakit. Dahil sa hirap at pag-pepenitencia at pananalang̃in sa tuituina at mang̃a pagluhog sa Dios na Amá bilang bayad doon sa canilang dusa: Sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong mg̃a caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua. Nang natitira pang casalanang bahid ay binabayaran niya ng̃ pasakit ng̃ minsa,i, tatlong buhay na napatid na idinadalang̃in sa Dios sa Lang̃it. Yao,i, di nag-iuan ng̃ mabuting tanda na sila ay napacagaling na cusa, ay naguing dapat ding siya,i, pakingan ng̃a ni Jesús, at tuloy ipinaunaua. Na ang calulua ng̃ tatlong namatay uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang, ng̃ bang̃is ng̃ madlang mang̃a cahirapan ayon sa mabuting mang̃a cahatulan. At dahil sa Hucom na lubhang matuid saca sa pagdalaw ng̃ mang̃a Angeles, halos ualang sucat icaásang labis sa icagagaling na canilang nais. Ng̃uni, sa pang̃ahas na mang̃a acala, niyong mang̃a tauo na nang̃abibigla ay na sa Infierno ang canilang haca na hinahatulan agad yaong capua. Sa bagay talos nang mang̃a cahirapan ng̃ nang̃apipiit sa calumbaylumbay, na sinasapit nang na sa bilanguan na dusa, sa gaua nilang casalanan. Maipahayag na sa caniyang matapos ng̃ lubhang dakilang mahabaguing Dios ay totoo niya na ikinalugod ang gayong balitang caniyang natalos. At saca muli pang idinaing nito ang mang̃a capalamarahan nang tauo, dahil sa casamán nilang di gaano ang hampas sa bayan ay ibinubunto. Para bagá bilang na napipilitan yaong pagbulusoc ng̃ casacunaan, at ayaw umulat nang nang̃amamayan ang matá, sa samang dapat na ilagan. Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang mang̃a pag-pepenitencia. Yaong natutupoc mandin ang cauang̃is sa alab ng̃ apoy ng̃ laking pag-ibig may maliuanag man siyang nalilirip niyong cagaling̃an niyang ninanais. Hindi dahil dito ay pinabayaan ang mang̃a pag-gaua niyong cabanalan, yaong paghahanda at naaalaman ang catacot-tacot na huling pagpanaw. Tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang biático ng̃ang casantusang lubos nitong bunying Santang catoto ng̃ Dios. At sa loob niyong labing-pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa Lang̃it na mang̃a caaliuan. Na umaápaw sa caniyang calulua sa pagca-talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,t, tutung̃o cay Jesús niyang sinisinta. At magpasaualang hanga,i, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, mang̃a pakiusap na di mamagcano sa camahal-mahalan niyang Esposo. Yaong maicli ng̃ang mang̃a panalang̃in na madagabdab na apóy ang cahambing, sa caniyang pusò ay di nagmamaliw ni camunting oras ay di nagtitiguil. Araw na ica dalauang pu,t, dalaua nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya. Na nacadaiti ang labi sa mahal na sugat ng̃a bagang na sa taguiliran, inihahabilin sa ualang capantay na Dios, ang calulua niyang papanaw. Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya dalauang pu,t, apat na nag-penitencia, may nag-sasabi na ang Anác niya ay naguing banal din na Religioso pa. Doon din sa Orden na cay S. Francisco na huli sa Iná na namatáy ito, ng̃uni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo. Nang isang dakila na lingcod nang Dios na ang calulua,i, umakyat na lubos, sa bayang lualhating ualang pagcatapos madlang calulua ang nacalilibot. Sa pag-tatagumpay ay nang̃agsasaya at sa purgatorio,i, nacalabas sila, ng̃uni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa ay gumandang lalo cay sa ng̃ buhay pa. Humahalimuyac ang labis na bang̃o na naca-aáliw sa nacasasamyo, caloob nang Dios ang dang̃al na ito sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo. Na sinagaua nang mang̃a penitencia nang pula,t, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,t, di inalintana ang lahat na yao,t, niualang halaga. Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad ang balita niyong camatayang uagas, ng̃ malualhati na Santang mapalad gayong di mabilang ang nang̃acamalas. Sarisaring tauo ang nang̃agsidalaw pagbibigay galang sa mahal na bangcay, niyong maralitang mananahi,t, bilang pagpapahalaga na dakilang tunay. Niyong cabanala,t, sa di gagaano na pagcacatipon ng̃ maraming tauo, binabantayan ng̃a ang cabaong nito sa pagsisicsican ng̃ nagsisidalo. Upang mahadlang̃an yaong pang̃ang̃ahas nang nagnanacaw nang mithing Relikias, at saca canilang sinootang agad ang bangcay nang damit na pula ang bicas. Ipinag-procesión sa mang̃a lansang̃an sa Ciudad, sa lalong hayag ng̃ang daan, at ilinagac sa loob nang Simbahan ni S. Basilio sa bagong libing̃an. Ang mang̃a casamang nang̃ag-libing dito,t, lahat nang Clerigo,t, mang̃a Religioso, gayon din ang lahat nang mang̃a guinoo doon sa Cortona, at dakilang tauo. Macaraan naman ang may ilang taón ay itinago sa Simbahan din yaón, sa isang marang̃al na capilla ucol sa mahal na Santa,t, saca ng̃ manoynoy. Niyong Santo Papang si León Décimo ang mang̃a himalang dakilang totoo, na pamamag-itan sa maraming tauo sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo. Lalo pa ng̃a niyong caniyang mamasdan na di nabubuloc ang mahal na bangcay magpahanga ng̃ayon cahit nacaraan ang bilang nang taóng higuit pitong daan. Umayon sa galang na handog sa caniya,t, tinulutan naman ang taga Cortona, na ipinagdiuang ang caniyang fiesta doon sa Ciudad nang puspos na saya. Cay Papa Urbano Octavong utos din na ilaganap cay S. Franciscong Orden, sinulat nang taong isang libo,t, anim na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing. Na catunayan ng̃ang na sa casulatan sa mang̃a beato,i, ipinakibilang, saca sa mang̃a malualhating banal itong mananahi na Santang marang̃al. Ang Santo Papa Benidicto Tercero ipinag-utos na ipagdiuang dito, ng̃ Santa Iglesia nitong boong Mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito. Iniing̃atan ng̃a ng̃ puspos na galang ang di nabubuloc na caniyang catauan sa kinalalagyang mahal na Simbahan, niyong mang̃a Pareng Franciscanong tanan. Tauag nang Simbahan ay binago nila na cay S. Basilio ang ng̃alan nang una, ng̃ayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng sa babayeng bunying Santa Margarita. Ito ng̃a ang siyang dinaanang buhay nang babayeng hayag na macasalanan, na iniuan yaong mang̃a casamaan at hinarap yaong mang̃a cabanalan. Gaya nang palaguing caniyang uicain na inuugali tuing dumaraing, sa cay Jesucristong Pang̃inoon natin nang pagpapakitang loob na magaling. Pang̃inoon aniya,t, Ama cong mahal bakit ipinayag mo po caya naman, sa isang gaya co na macasalanan ang cahang̃ahang̃a na cababalaghan. At iba pang bagay na calooban mo nariring̃ig naman ang sagot na ito, niyong Pang̃inoong nating Jesucristo cahalimbaua icaw nang lambat co. Na ipanghuhuli nang macasalanan na nang̃ahihilig sa mang̃a casamán, na lumilipana sa Mundong ibabaw at nang̃ag-uaualang bahala sa buhay. Huag cang manimdim at lubhang marami ang macasalanan na nang̃ag-sisisi, nag-pepenitencia cung madilidili ito,i, calooban cong biyayang malaki. Di dapat na ipag-caloob sa iyo cundang̃an siya cong sinusunod dito, yaong mataimtim na pag-sisisi mo lahat namang ito ay naguing totoo. Na ibinibigcas sa bibig na mahal ni Jesús na Poong sumacop sa tanan, na nagcacaloob nang lahat nang bagay, sa ating ovejang canyang kinapal. At ito ng̃ang lubhang marikit na lambat na siyang sa atin ay humuling cagyat, sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad nang isang magandang pag-sisising uagas. Sa dakilang pag-babalic loob natin nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin, magtamong graciang ualang pagmamaliw gaya nang caloob sa Santang butihin. Niyong Amáng Dios na ualang capantay na lubos ang aua sa tanang kinapal, at si Margarita ang ating tularan tang̃isang ang ating sala,t, pag-sisihan. Ipagmaca-aua natin at iluhog nang buong capacumbabaan cay Jesús, sa pamamag-itan tayo ay sumunod sa cay Margarita na magbalic loob. ¡Oh malualhating Santa Margarita na sa penitenteng naguing huarang ca, sa macasalana,i, ulirang talaga,t, caáliuang lagui sa tuitui na. Liniuanagan ng̃ tunay niyang ilaw ipinagpighati mo pa,t, tinang̃isan, ang lahat ng̃ iyong mang̃a casalanan na naguing dapat cang pinagpakitaan. Ni Jesús na Amá at ipinahayag di mamacailan na ipinatauad ang mang̃a sala mong lubhang mabibigat ng̃ boong, capacumbabaang di hamac. At sa madalas mong pag-pepenitencia,i, laguing dinadalaw na inaaliw ca, ng̃ Esposong lubhang maauaing Amá sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya. Yaong matataas na lihim ng̃ Lang̃it at minarapat cang lambat na guinamit humulili ng̃ calulua at naghatid niyong pagsisisi at panunumbalic. Nangloob, na hilig sa pagcacasala caya ng̃a bunying malualhating Santa, na tang̃ing cay Jesús na iniibig ca,t, calacasang lubos ng̃ mang̃a sa sala. Tanang penitente icaw ang uliran caya lumuluhod sa iyong paanan, nagmamacaaua na ipamagitan sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan. Nang makilala co,t, tang̃isang palagui ang casalanang co,t, nang̃agauang saui, at macatindig din sa pagcalugami sa daya ng̃ Mundo at pagcacamali. Mading̃ig co yaong iyong napakingan ng̃ lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat ng̃ aking gauang catacsila,t, aco,i, magcaroon ng̃ capayapaan. Ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo ng̃ayong iluhog mo, sa iyong caibig-ibig na Esposo,t, sugatang gaya ng̃ pagsugat sa iyo. Paglampasan niyong totoong palaso at boong pag-ibig niyaring aking puso, at huag manaig ang anomang anyo cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo. At yayamang ng̃ayon ay napapahamac yaring cahinaa,i, upang magcapalad na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad magsisi,t, ang Lang̃it ng̃ aming matuclas. Di cung magcagayon ay macaaasa caming maliligtas sa bilis ng̃ dusa, cung cami,i, matuto na mang̃agsigaya sa guinaua niyong Santa Margarita.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings