← Table of contents
Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

SANTA POTAMIANA

Reading edition

Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tang̃i na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig ng̃ matá. Na di nahicayat camunti man lamang niyong pang̃inoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa ng̃ayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan. Pagca,t, ang ginaua niyong pang̃inoóng malibog, sa bagay na hindi pag-ayon, ay dumulog ng̃a siya sa Gobernador sa Alejandría ay ipinagsumbong. Ang di miminsang caniyang pagcahiya doon sa mahalay niyang ninanasa, at sinabi yaong caniyang alila at caibigan niya pagcapalibhasa. Yaong Gobernador at ang cahiling̃an si Potamiana,i, dapat pahirapan, na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan. At ayaw sumamba sa mang̃a Idolos na siyang dito,i, ating dinidios, ng̃uni,t, ibinulong ng̃ may asal hayop sa Gobernador na tampalasang loob. Na si Potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papang̃acuin na ang calooban niya,i, siyang sundin. Sa Gobernador ng̃ang pinang̃atauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si Potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban. At ilalagay sa cumuculong lang̃is hangang ang hining̃ang tangan ay mapatid, cun ang pagsamba niya ay di maáalis sa cay Jesucristo cacamtan ay sakit. Cung sa calooban ay tatangui siya niyong pang̃inoo,i, pilit magdurasa, sa balang mahigpit ay di nabalisa alilang mabait at di man nang̃amba. Pagdaca,i, nang̃usap siya nang ganito labis na aniyang natatalastas co, anoman ang hirap na iparusa mo sa akin ay pilit matatapos ito. Na di malalao,t, ualang sala naman at cung mauala na yaring aking buhay, at manaw na dito sa lupang ibabaw tunay naman acong pag-cacalooban. Sa Lang̃it, nang macapangyarihang Dios niyong lualhating ualang pagcatapos, at payapang buhay na ligaya,i, lubos ualang gutom uhaw dalita at pagod. Cung matacot aco,t, sumunod sa iyo nanamnaming co ng̃a sa buhay na ito, ang sandaling layaw niyaring catauang co sa cabulaanang hain nitong Mundo. Mauiuili aco,t, maguiguinhauahan sa buhay na ito ang aking catauan, at malaking hirap naman ang cacamtan doon sa Infierno magpacailan man. Icaw sa sarili ng̃ayo,i, pag-isipin cun ano ang iyong nararapat gauin, yamang ang puso co ay di magmamaliw na sa isang Dios lamang ihahain. Sa Gobernador na maunauang tunay na ang pagod niya,i, masasayang lamang, at di magagahis ang dalagang hirang anoman ang gauin na mang̃a paraan. Caya ng̃a, noon din ay ipinatauag ang mang̃a verdugo at ipinag-atas, ang balang parusa ay ganapin agád doon sa dalagang loob na matigas. Hindi man nasindac sa parusang yaon si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong, doon sa lang̃is na cumuculong hatol na itinatadhana niyong Gobernador. Ang cahalimbaua ay lumusong lamang sa isang masarap niyang paliguan, dinálitang lubos yaong camatayan tikis na sumugbang di kinilabutan. Huag na masira lamang ang caniya na matibay bagang pagsampalataya, at dalisay na pagca Vírgen sadya huag madung̃isan buhay ma,i, mapaca. Caya,t, ang hining̃ang tang̃a,i, ng̃ mapatid ay kinamtang lubos ang tua sa Lang̃it, cahirapan niya ay ginanting bihis ng̃ Amang lumalang nitong sandaigdig.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings