SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG.
Carlos B. Raimundo translation
Magandáng Binibini:
Sa bilang n~g páhayagáng tagalog Ang Kapatid n~g Bayan na nauukol sa iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalà na ganitó ang sinasabi:
"Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakà ang mainam na kathà, (novela) na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay aming inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng tiktik na ang Dalagang Marmol ay nanánagisag sa kapalaran n~g Filipinas, na bagama't ngayo'y tila tumatalikód sa kaawà-awà nating bayan, n~guni't sa wakás ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusò (táong may malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga tiktik ay nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwà ó n~g Mithî n~g bayang tagalog.
"May balità kaming sinalin na raw sa wikàng ingles."
"N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang Dalagang Mármol ay walâng ibá kundî si binibining Liwayway na tagá Baliwag, pagkâ't ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang tumútugón sa m~ga pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing binibini.
"Talagáng túnay ngâng nakahahangà ang kagandahan n~g dalagang Liwayway, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang tinútukoy n~g nasabing mánunulat, at ang amin lamang masasabi ay yumaon na itó sa España. Sa kanyá sana tayo makapagtanóng."
At sa El Grito del Pueblo n~g ika 20 n~g sinabing buwán ay napalathalà naman, na dalawáng piling Gurô sa pagtugtog ay nagsikathâ n~g isáng "Tanda de Vals" na kuha sa guní-guní n~g kaniláng pagkabasa sa kathâng násabi at yaó'y sadyâng sa inyó nilá ipinatungkól.
Ang m~ga balitàng it'óy nakaguló n~g aking isipan kayà akó humanap tulóy at nakakita namán sa m~ga natitipon n~g násabing Pahayagán n~g isáng aklát, na túnay n~gà't matatawag na m~ga nangyari sa Paghihimaksík natin n~g 1899 ang linálamán, n~guni't kun tátarukín ay makikitang kahalò ang isáng maliming pagaaral sa mahalagá at tan~ging ugali n~g ating m~ga kawiliwiling babai; kahit ang anyô ó ayos sa malayò pa'y naghihimatóng gawâ n~g isáng dakilàng mánunulat na may lubós kinabatirán sa ating m~ga kasaysayan.
Ilinalahad n~g kathâ, na bagamán parang mármól ó hielo ang babaing tagalog dalá n~g malaking kahirapan kun ligawan, dapwâ't kung umibig ay may káya namáng magtiís sa lahát n~g hirap.
Akin n~gang tinagalog, at yamang ikáw pô ang itinuturó n~g inyóng m~ga kababayan na parang Dalagang Mármol, sa gayó'y walâ n~g ibá pang marapat paghandugán nitóng aking pinagpagalán kundî kayó, bagamán dì nìnyó kilalá ang aking katauhan.
CARLOS B. RAIMUNDO.