← Table of contents
Ang Singsing nang Dalagang Marmol

VIII.

Carlos B. Raimundo translation

Nang sandalîng itó kamí dumatíng. At n~g mákita kamí n~g General ay nagdumalî sa mapítagang pagtanggáp sa amin at matapus na kami'y handugán n~g úpuan at paalisín ang m~ga babae ay nagsalitâ:

Mabunyíng Coronel Pusò—anyâ—pinupuri naming lahát ang iyó pong dî karaniwang katapan~gan sa pagtatanggól n~g inyóng bayan. Ganyán ang dapat alagataín n~g lahát n~g lalaking may dan~gál. N~gunì't kayó'y aming nalúpig dahil sa kabutihan at kasaganàan n~g aming m~gá nágagamit sa labanán. Gayón man, kami'y hindî naparito upang agawin ang inyóng m~ga lupàín at kayó'y alipinin. Naparito kamí upang kayó'y turúan at tulun~gang ihandâ ang inyóng bayan sa ganáp na pagsasarilí at sa gayó'y itutulong naman namin ang madlâng karunun~gan at kayamanan n~g América, upang magíng maayos ang inyóng bayan at upang kayó'y magkaroón n~g m~ga Páaraláng ulirán, treng matutulin, m~ga tuláy na bakal, m~ga bagong máquina sa pagbubukid at ibá pang m~ga dàkilâng paraán upang ibunsód ang pagkasulong n~g inyóng bayan.

Tungkól sa inyó, alam mo pô na kayó'y nabihag at mulíng nabúhay dahil lamang sa aming m~ga pag-iin~gat. At dahil dito, n~gayó'y hiníhiling ko sa inyó na kamí'y tulun~gan naman n~g pagpayapà sa iyó pông bayan at kayó'y manumpâ tulóy n~g pagsukò at pagpapakumbabâ sa America.

—Minábuti ko pô ang lahát n~g inyóng ipinahayag—ang sagót ni Pusò—n~gunì, dî akó makapanúnumpâ n~g pagsukò at pagpapakumbabâ, kundî isáng tapát na pakikipagkilala lamang sa America, kun totoó n~gà ang sinabi mo pô na ang ipinarito ninyó'y upang kamí'y tulun~gan lamang na makapagsarili pagdating n~g panahón.

—Karapatdapat ang iyó pông sagót, matapang na bayani. Tinátanggáp ko ang inyóng panunumpâ n~g pakikipag-ibigan sa America; at mulâ n~gayó'y makalalayà na kayó't makaparoroón kun saán ibig.

—Pinasasalamatan ko kayó n~g taós sa kalooban; n~gunì, ¿anó ang ipasisiyá mo pô sa kahabaghabág kong kasintahan na pinílit ikasál sa isáng americano?

¿Dî ba ninyó námasdan n~gayón lamang na ang pag-aasawa n~g m~ga americano sa babaing tagalog ay nagiging parang sulat insík lamang at sa wakás ay iníiwa't súkat ang m~ga kulang palad na filipina, pagkatapus na masunód ang kanilang han~gád? Gayón din ang kasál ni Liwayway sa americano, pagkâ't siyá'y pinílit lamang. Bukód sa rito, ang americanong naging asawa ni Liwayway ay nahihiyâ náng pumisan pa sa kanyá n~g malamang siyá'y sa inyó nakisama. Kung ibig mo pô n~gayón di'y ikakasál kayó n~g General Preboste.

—Opò—ang sabáy na sagót n~g magkasintahan—n~guni't kami pô'y nábibilang sa m~ga alagád n~g Simbahan Tagalóg, kayà ibig naming kami'y ikasál n~g amin díng túnay na pari.

—Lalòng mabuti. N~gayón di'y padádalhán ko n~g isáng magalang na paanyaya ang Kgg. P. Aglipay, Vicario General Castrense n~g Katagalu~gan at nais akó na sana ang magíng ináama n~g balitàng Coronel na tagalog at n~g magandáng filipina na magiging ulirán n~g m~ga babai sa pagkamatimtimang umibig.

Dî lumipas ang isáng oras at dumating ang kátaás-taásang Pinunò n~g m~ga Paring tágalog, at sa harap n~g maraming pinunòng americano'y ikinasál si Coronel Pusò kay Liwaywáy, na nakasísilaw sa kanyáng kahinhinán at kagandahan.

Sa wakás n~g kasál ay sinabi n~g General americano:

—Mabúhay nawâ kayó n~g mahabàng panahón sa lubós na katahimikan at kasyaháng loób, at nais ko na ang inyóng mataós na pagmamahala'y magbun~ga n~g m~ga batàng pawàng mababaít at masintahin sa tinubùang lupà. At n~gayón, parang muntîng handóg ko sa pagka-ináamá, ay ipinamámanhík, dakilang Coronel Pusò, sa tanggapin ang katun~gkulang pagkapinunò (Gobernador) sa lalawigan ng Kabuláklakán, upang ikaw pô namá'y makapaglingkód sa ikapapayapà n~g inyo ring bayan.

Tinanggap ni Pusò sa lubós na pagkilala n~g útang na loób; at siláng mag-asawa'y nabúhay sa lalông wagás na pag-iibigan at sa lubós na pagkakasundô; at sa ilinakad n~g panahón ay nagkaroón silá n~g tatlóng anák na nagíng makabuluhán at ikinádan~gál n~g lalawigang Kabuláklakán.

At ang singsíng na linubid ay siyáng nagíng buhól upang paglakipin ang dalawáng pusóng ulirán sa pagsisintahan at sa pagmamáhalan.—WAKÁS.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings