VII.
Carlos B. Raimundo translation
Nang sandalîng yaó'y nagkátaóng pumasok ang manggagamot na americano upang dalawin si Pusò, at n~g mákita ang dalawáng magkasintahang nagkakáyakap n~g mahigpít at halos pigtâ sa luhà ay nagsalità n~g ganitó:
—Hindî pa náuukol sa inyó, ginoóng Coronel, ang magbatá n~g malalakíng dalamhati. Bakà kayó'y mabínat. At bukód sa rito, kayó, na labis napupuri dahil sa katapan~gan sa m~ga pakikilaban, tila pan~git sa inyó ang umiyák na parang isáng mararamdaming binibini.
—¡Ay, giliw kong Doctor na sa dunong mo pô'y náligtás akó sa kamatayan!—- aní Pusò—kun iyó pô lamang mabábatíd ang malakíng sakunâng nangyari sa akin. ¡ah! makálilibong mapaít kaysá kamatayan!
—Alám ná ninyó mahál na Coronel ang túnay na pagtin~gin ko sa inyó; at kung ipinálalagáy mo pông akó'y parang kapatíd, ay sabihin sa akin ang inyóng m~ga ikinahahapis n~g kayó'y madamayan at malunusan kun maáari.
—Huwág na pô, Doctor, pagkâ't makasásamà pa sa kulang palad na babaing itó.
—¿At bakit dî natin sabihin sa kanyá?—ang giít ni Liwayway—Ang Doctor na itó'y ayos mabuting táo at may ugaling mahál. May masamâng americano at may mabuti namán. At sabihin n~gâ ninyó, Doctor, ¿maáari bang ipílit ang katuparan n~g isáng pag-aasawang dinaán lamang sa gahasà ang babai?
—Hindî—ang sagót n~g Doctor—Ipaunawà ninyó sa akin ang nangyari at akó ang bahalà.
Isinaysáy ni Liwaywáy ang lahát n~g nangyari at ganitó ang sagót n~g Doctor.
—Manahimik kayó at manalig na makakalás ang lahát. Búkas ay makikipagkita akó sa aming General upang ipabatíd ang bagay na itó.
—Libong salamat, dakilàng Doctor—ang panabáy na sagót n~g kaawà-awàng magkasintahan—maging bibig angel nawâ kayó na siyáng tumangkilik sa aming salantâng pusò.
Nang makalampás ang isáng linggó ay nagbalík ang Doctor at sinabi kay Coronel Pusò:
—Maibábalità ko sa inyó na ipinatawag n~g General naming americano ang nagíng asawa ni Liwayway patí n~g kanyáng m~ga kamag-ának at silá'y tinanóng kun totoó n~gâng si Liwayway ay pinilit lamang sa pag-aasawa, gaya n~g lumálabás na katunayan sa pangyayaring tumanan siyá agad upang sumama sa isáng Coronel na tagalog na kanyáng dating katipán. Aywán ko kun anó ang kaniláng isinagót, at n~gayón n~gâ'y ipinatatawag kayó, pagkâ't sinabi kong ikáw pó'y mabuti ná, giliw na Coronel.
—Tayo na pô, matalinong Doctor—ani Pusò.
At agad siláng naparoón sa bahay n~g General americano na kasama si Liwaywáy.
Nang dumating silá sa tanggapan n~g nasabing General, ay dinatnán nilá roón ang maraming kapús-palad na m~ga babaing tagalog at kinastilà (mestiza) na nagsísidaíng at nagsisiiyák n~g gayón na lamang.
Kami pô—ang hinakdál n~g m~ga babai—ay nagsipag-asawa sa m~ga kawal americano't aytó dalá namin ang m~ga katibayan n~g pagkákasál; n~guni't n~gayó'y kusà kaming iniwan at súkat.
At naghagulgulan silá n~g katakot-takot na gayón na lamang ang naging in~gay.
Di málaman n~g General americano ang kanyáng gagawín at walâng isinásagót kundî:
—Huwág kayóng man~gambá, m~ga aling kuwán, pagká't kun kayó'y iniwan n~g ilán, ay mayroón pa akó ritong ibáng m~ga kawal at mahigit sa libo ang inyóng mapagpípilian sa m~ga mapuputî at maiitím.
—¡Nakú, ginoóng General!—ang sabáysabayang sigáw nilá—¿At sino pô ang magpápakain sa aming m~ga "boys" ó sanggól na may maitím na parang cafeng may gátas at mayroón namang maputîng parang labanós?
—¡Abá! ¿anó ang kasalanan ko sa ganyáng nangyari?—ang magiliw na sagót n~g General—Kayó ang hahanap at n~gayó'y akó ang pagbabayarin n~g inyóng m~ga pinggáng baság.
—Hindî pô kamí—aní n~g m~ga babai—ang humanap sa kanilá, kundî ang inyóng m~ga kawal at silá ang kunwari'y nanuyò upang basagin lamang palá ang aming man~ga pinggán.
—Hindî lamang iyán—ang dugtóng n~g isáng nagn~gan~galang Tinay—kundî dinalá pa n~g demoniong asawa ko ang lahát n~g aking pan~gan~gari.
—Kun gayón, ¿anó pông saysáy n~g kasulatang itó sa pagaasawa na ibinigáy sa amin?—ang tanóng n~g isáng nagn~gan~galang Delang.
—¡Oh, m~ga aling kuwán!—ang pan~gitî't malamig na sagót n~g General—iyá'y isáng papel na basâ....
—¿Bakit pô papel na basâ—ang tutol n~g matandàng Ganguê, at sa boóng kawalán na yatá n~g pag-aasa anya:—Miyák kayó m~ga kababai kong kulang-palad at paabutin sa lan~git ang sigaw, m~ga inang kahabághabág at m~ga batàng kulót na makapál ang labì't n~gusòng parang demonio, upang maawà sa inyó ang nalalamigáng General na itó.
N~g márinig ito at pasimulán ang matindíng hiyawan sa m~ga paglun~goy at pagdaíng, lahát ay nagkasabáysabáy at parang m~ga insík na pinagnakawan sa in~gay.