Kay Liwayway
Carlos B. Raimundo translation
Pepitâng himala sa bayang Baliwag, sa m~ga tuwa mo't lungkot na masakláp alalahanin mo sa iyó'y pagsintáng matimyás n~g tan~ging sa iyó'y umibig n~g ganáp. Edeng maligaya, m~ga salitaang sa ati'y naghain sayáng kalan~gitan, ang ating titigáng sagana sa lamán di na mangyayaring muli nating kamtan. Pagsintá'y dalisay, walang kahulilip, libolibong mundo, búhay sampung lan~git sa iyó'y handóg ko sa pagpupumilit na patotohanan ang aking pag-ibig. Iníinís yaring abang kaluluwa panahóng nagdaán kun máala-ala; lalong nagdaragdag n~g matindíng dusa, n~gay'oy di na akin ang iyóng pagsintá. Tugón mong mahigpít—"Ako ay iyó rín, sakali't maglilo'y buhay ko'y amisín. ¡Wala nang pipitás sa aking paggiliw yamang áalis ka ... ¡Oh, palad kong iríng!" Ay anóng kadali at nagbago ikaw sa aking pagsintáng magandang Liwayway, ikaw rin ang giliw, panagimpa'y ikáw m~ga pan~gako mo'y pag-asa ko'y túnay.

