← Table of contents
Ang Katipunan

UNANG BAHAGUI

Reading edition

Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang CANTO NACIONAL FILIPINO.

Música. Ina naming Filipinas sa sandaigdiga'y hayag, ang cayaman at dilag ualang sucat macatulad. Iyo namang caanacan lahing sadya cung sa tapang, di natatacot mamatay at marunong magsangalang. Caya cayo lilo't tacsil na castilang sinuñgaling, dapat bayaran sa amin inyong mga pag alipin. Lalo ang mga sucaban na fraileng tampalasan, ñgayon ay capanahunang magbayad sa mga utang.

Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca paguiguitna ang calahatan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings