← Table of contents
Esperanza

V TAGPO

Reading edition

Sila rin at sina Salustiano at Delfin

Sal.

(Papasok) ¡Magandang hapon po!

Esp.

Magandang hapon po naman. Magtuloy po sila. (Ang dalawa ay papasok. Si Rafael, pagkakita kay Delfin ay magalak na yayakapin ito.)

Del.

(Kay Rafael) ¡Kaibigang Rafael!...

Raf.

(Pataka) ¿Anong hiwaga ito? (Ap) Ano't pati ng̃ mg̃a umalipusta kay Artemio sa kanyang pagaasawa kay Esperanza, ay nagsitung̃o ng̃ayon dito?

Esp.

(Kay Rafael) Tunay ang iyong katatapos na sinabi, Rafael.(Sa dalawang bagong pasok). ¿Kang̃ino pong santó utang namin ang inyong pagkakaparito?

Sal.

Sa kang̃ino man po sa mg̃a santo, ay wala, ng̃uni't o, sa isang balitang tinanggap kagabi sa bahay ng̃ amá ni Artemio na umano'y may sakit daw. ¿Tunay ng̃a po ba? (Kay Esperanza.)

Esp.

Tunay ng̃a po, ng̃uni't wala namang anomang kabigatan, na di gaya mandin ng̃ gumalang balita.

Del.

¿Ng̃uni't saan po naroroon si Artemio? ¿Nasaan po ang aming giliw na kaibigan?

Raf.

(Galit, ng̃uni't nagpipigil. Aparte.) ¿Kaibigan nilá? (Sa dalawa.) At, hindi ng̃a ba't kayó ang mg̃a nagsipagpuno ng̃ pagkutya kay Artemio, na ng̃ayon ay tinatawag na mahal na kaibigan, ng̃ gabing humihing̃i siya ng̃ tawad sa kaniyang amá? ¿Sa palagay kaya ninyó, ay mabuti ang gayon kagagawan?

Ang Dal.

(Kay Raf. pakumbaba) Namamali ka, kaibigan; hindi kami ang nagsimula ng̃ gayon?

Raf.

At sino?

Ang Dal.

Hindi namin alam.

Esp.

(Ap. kay Raf.) Bayaan mo na silá. Sila'y pinatatawad namin.

Del.

Ng̃uni't, saan ng̃a po ba naroroon si Artemio?

Raf.

¿Bakit anong pilit ng̃ inyong pagtatanong sa kaniya?

Del.

Pagka't, mayroon kaming ibabalitang isang bagay.

Sal.

Tunay ng̃a po, ibabalita namin sa kaniya na siya ay.... pinata ...

(Lalabas si Artemio, na may tali'y na dalawang sisiglan ng̃ gamot.)

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings