← Table of contents
Esperanza

II TAGPO

Reading edition

Si Esperanza ay nagiisa

Esp.

(Luluhod sa harap ng̃ isang Kristo. Malumbay) ¡Bathala!... ¡Bathala!... Ipagkaloob mo po sanang ang sakit na dinaramdam ng̃ aking Artemio ay huwag maging mabigat. Ipagkaloob mo po Diyos ko, na ang manggagamot na titing̃in sa kaniyang damdamin, ay matuklas ang gamot ng̃ kanyang karamdaman!... ¡Para mo na pong habag sa akin!... At, kung ang ikagagaling po niya'y ang aking buhay, naito po, at maluwag kong inihahandog sa inyo ang aking puso ...

Mula sa labas.

¡Tao po!

Esp.

(Sa sarili). ¡May tao!... (Tatayo sa kanyang pagkakaluhod tutung̃uhin ang tarangkahan at bubuksan). ¡Tuloy po!

Lalabas si Ramon.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings