III TAGPO
Reading edition
Siya din at si Ramón
Ram.
¡Esperanza!... ¡Anong sayá at nakita kitang ulî ... (Anyong yayakapin).
Esp.
(Pasansala kay Ramón at waring galit). Ginoo! dahandahan! Huwag ka po magasal ng̃ papaganiyan.
Ram.
(Mamasdan ng̃ pakutya at pagkatapos ay hahalukipkip.) Esperanza, nagpakikilalang tila mabuti ang natagpuan mong ka agulo, pagka't tila ... nalimutan mo na tuloy akó.
Esp.
(Galit) Ginoo, huwag mo pong lapastang̃anin ang isang katulad kong na sasa loob ng̃ kaniyang sariling pamamahay.
Ram.
(Palabag) ¿Pinupuno mo pa ako ng̃ayon? ¿Di yata? ¡Ja! ¡Ja! ¡Ja!..... Kilalanin mo akong mabuti. Ako ang isa sa mg̃a giniliw mo sa Salon, sa Bahay sayawan!... ¿Hindi ka na ba sumasayaw ng̃ayon?
Esp.
Alang-alang sa Diyos, huwag ninyong bigyan ng̃ kauntulan ang isang babae na nanunumbalik sa kaniyang kabutihan ...
Ram.
(Pakutya) ¿Nagiisip ka ng̃ bumuti? Loka ka ng̃a yata. Ang lalong kabutihan mong magagawa, ay ang sumama ka sa akin.
Esp.
Ah, hindi, hindi na. Talastasin ninyo na ang Esperanzang ibinulid ninyo sa kasamaan, ay hindi na siya ang kausap sa mg̃a sandaling ito.
Ram.
(Patuya). Loka ka ng̃a palang tao. Dapat mong talastasin na ang isang babayeng na gumon na sa lusak, at ang kapurihan ay nawalan na ng̃ tunay na halaga, ay hindi na mangyayari pang bumuti. Kaya ng̃a't.... (Anyong yayakaping muli.)
Esp.
(Galit) Huwag ka pong mang̃ahas ng̃ ganyan, Ginoo, kung di mo ibig na kayo'y samain.
Ram.
Sasangayon ako sa iyong hinihiling kailan man at sasama ka sa akin.
Esp.
(Boong puso.) ¡Ah!... sukat na ang pagulit ng̃ ganyang pananalita. Tahas kong sinabi sa inyó na hindi ako makapapayag sa inyong hiling.
Ram.
(Pakutya, pagkatapos na tignang mabuti ang ayos ng̃ bahay.) ¡Ha! ¡Ha! ¡Ha!... Malasin mo Esperanza ang bahay na itó, na halos ay magibâ na lamang. (Pahikayat) Sumama ka sa akin, at kita ay pagkakalooban ng̃ isang marikit na bahay ... di katulad nitó. Hayo na. Sumama ka sa akin. (Patabanan niya sa kamay si Esperanza at pipiliting sumama sa kanya.)
Esp.
(Galit na galit). Ako'y inyong bitawan ...
Ram.
(Pabatok) ¡Sumama ka sa akin!...
Esp.
(Matatabanan ang isang luklukan, at siyang ihahampas kay Ramon. Ito'y tatakbo sa loob.)
¡Inibig mo ang ganyan, ikaw ang bahala ... (Huhusain ang kanyang damit at buhok na magusot.)
Buhat sa loob: ¡Magandang hapon po!
Esp.
¡Magandang hapon po naman!
Lalabas si Rafael.