← Table of contents
Esperanza

IV NA TAGPO

Reading edition

Si Esperanza at Rafael

Raf.

(Pagkakita kay Esperanza). ¿Ano, Esperanza, kumusta ka?

Esp.

(Magalak) Ikaw pala, Rafael. Mabuti sa awa ni Bathala.

Raf.

¿Si Artemio, saan naroon? ¿Wala ba siya rito?

Esp.

Wala, tumung̃o siya sa bahay ng̃ isang mangagamot at ikinuhang sangguni ang kaniyang karamdamang tinataglay.

Raf.

¿May sakit? ¿Mabigat bagá?

Esp.

Hindi, ayon sa sabi niya sa akin, ng̃uni't sa palagay ko ay hindi nararapat na palampasin. Akó na sana ang tatawag sa Mangagamot, ng̃uni't hindi siya pumayag, dahil sa malaki pa raw ang aming ibabayad.

Raf.

Matagal kaya siya?

Esp.

Hindi naman marahil. Matagal ka rin hindi nakaka-ala-ala sa amin.

Raf.

Tunay ng̃a, pagka't tumung̃o akó sa lalawigang Pangasinan at pinakialaman ko roon ang isang Lupain. Ng̃ayon, ay kararating ko pa lamang. Ipinalalagay ko Esperanza, ng̃ayon sa ayos ng̃ inyong tahanan,na dumadanas kayó ng̃ di kakaunting hirap at paghihikahos, at dahil sa gayon, ay tangapin mo ito. (Ibibigay ang isang bilot na papel moneda.)

Esp.

(Tututulan ang ibinibigay sa kaniya) Payagan mo sana Rafael, na huwag kong tangapin ang inyong ibinibigay sa amin. Gayon man, ay asahan mong pinasasalamatan namin ng̃ marami.

Raf.

(Pasamo) Kunin mo sana, Esperanza, at iya'i huwag mong ipalagay sa bilang limos ko baga sa iyo, kundi, parang isang abuloy ko sa inyó ni Artemio.

Esp.

Kahit na, hindi ko sana ibig tang̃apin ang gayon alang-alang lamang sa iyong mg̃a pang̃ang̃atuwiran ay paiirugan kita, ng̃uni't ¿hindi ba ang lalong mabuti ay kay Artemio mo na ibigay kung siya ay dumating?

Raf.

Oo, tunay ang iyong sinabi.

Lalabas sina Salustiano at Delfin.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings