← Table of contents
Esperanza

I TAGPO

Reading edition

Si Esperanza, pagkatapos, si Artemio

Esp.

(Mula sa labas.) Kaawaawa ang aking si Artemio!... Tatlong araw na ng̃ayong hindi makakain!.. Lagi nang asa mo'y may malalim na iniisip!... May sakit kaya?

Art.

(Mula sa kanyang hihigan. Uubo, at pagkatapos ay magtuturing.) Bathala!... Lahat na po ng̃ hirap ay ibagsak na sa akin, ng̃uni't ipagkaloob mo po lamang na magpatuloy sa pagbuti ang puso at kalooban ng̃ aking si Esperanza!... (Hihintong sumandali.) Di po kailang̃an na batahin ko ang lahat ng̃ pahirap matubos ko lamang siya....

Ay ...!!!

Esp.

(Papasok.) Bakit, aking Artemio, may sakit ka bang dinaramdam?

Art.

Wala, aking mahal na asawa.

Esp.

(Kulang nang paniwala.) Wala? Nagkakaila ka sa akin.

Art.

(Pang̃iti.) Maniwala ka aking Esperanza sa katatapos na isinagot.

Esp.

Huwag mong ipilit Artemio ang pagkakailá ng̃ iyong dinaramdam sa katawan. Talos ko, aking mahal na Artemio na tatlong araw na ng̃ayong hindi ko man halos makakain. ¿Alin ang sanhî ng̃ gayon?... (Pasumala) Marahil ay hindi ko nararapat na malaman, at dahil dito'y hindi naman akó nagpupumilit na manawa ang gayon.

Art.

Huwag, huwag kang magturing ng̃ ganyan. Esperanza pagka't ang sarili mo ang siya ring sinusugatan: Tunay ng̃ang may kaunti akong dinaramdam, ng̃uni't wala namang gaanong kabigatan.

Esp.

Kung gayon, ay hayo, turan mo sana sa akin ang iyong damdamin.

Art.

Tunay ng̃ang may mg̃a tatatlong araw na ng̃ayon na laging sumisikip ang aking dibdib.

Esp.

Gayon pala, ay ¿bakit hindi mo nasabi sa akin?

Art.

Mangyari, ay walang kabigatan.

Esp.

Marahil ng̃a'y tunay ang iyong sapantaha, ng̃uni't kailang̃an din yata na ikaw ay makita ng̃ mg̃a gamot.

Art.

Huwag na.

Esp.

Hindi. Ng̃ayon din ay tatawag ako ng̃ isang manggagamot at ng̃ makilala ang sanhi ng̃ iyong dinaramdam. (Anyong aalis. Sasansalain ni Artemio.)

Art.

Bayaan mo na, at ito'y walang anoman. Kabigatan.

Esp.

Hindi, hindi ko matitiis na makikita kang may karamdaman at hindi ikita ng̃ lunas ang gayon.

Art.

Kung mapili ka sa iyong nasa, ay bayaan mo ng̃ ako ang siyang tumung̃o roon. Arimuhanan din ang mabawas sa dalawang piso na ating ibabayad sa Mangagamot, kung siya pa ang paririto.

Esp.

Huwag na, at baka ka pa abutan sa iyong pagtung̃o doon.

Art.

Hindi, huwag kang mag-ala-ala. Sa awa ni Bathala, ang dati kong lakas ay hindi pa din nagbabawa, ni hindi humihiwalay sa akin.

(Aalisin ang nakataling panyô sa kaniyang ulo. Huhusain ang kaniyang buhok, at pagkatapos ay kukunin ang kaniyang sombrero at bago umalis ay magtuturing ng̃:)

¡Hangang mamaya!

Esp.

Hanggang mamaya aking Artemio, at kaiing̃at ka sana sa iyong katawan.

(Aalis si Artemio.)

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings