← Table of contents
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)

PARAAN NG PAGGINHAWA

Reading edition

MG̃A MAHALAGANG ARAL NG PILOSOPONG HAPONES NA SI MR. TUSE-KARI

Marami ng̃ kahatulan ang naiturô ng̃ mg̃a pantas at mg̃a may pinagdaanan sa pamumuhay ukol sa paraan ng̃ pagginhawa. Naririyan ang mg̃a mararalitang nagsiyaman na ng̃ayo'y itinatanghal ng̃ magandang kapalaran sa kaaya-ayang pamumuhay; nariyan din naman ang iba't ibang marurunong sa Europa at Amerika at ang mg̃a pantas sa Indiya na nagturô at hang̃gang ng̃ayo'y nagtuturo ng̃ mg̃a kaparaanan ng̃ pagginhawa. Ng̃uni't sa ng̃ayo'y isa namang paham na hapon, na tumutugon sa ng̃alang Tuse-kari, ay siyang naglathala ng̃ isang kaparaanan ó nagpapatibay ng̃ karunung̃an napuputi sa kalihiman ng̃ pagiisip, upang magamit ito sa bawa't ibigin ukol sa gawang mabuti, lalô na sa ikagiginhawa.

Ang "Pagiisip" sang̃ayon kay Tuse-Kari, ay makakamtan ang lahat ng̃ bawa't ibigin ng̃ tao na matatamo niya, sa kabuhayan sukat na gamitin lamang ang pagiisip sa boong lakas na ankin. Ang sabi niya'y ganito: ¿Kayo baga'y may dinaranas na sama sa kabuhayan ó may dinaramdam kayong sakit? Ang dapat gawin—ang turô niya—isipin ang pagbalikuas ó ang paggaling sa tuwî na, at sukat, upang umigi sa sakit.

Sa pagkakaroon naman ng̃ anak na lalake ó babaye na ibigin ng̃ magasawa, ay sinasabi ni Tuse-Kari, na ang babaeng may isang buan at kalahati ng̃ pagdadalang tao na gumawa sa arao arao, sa sinkad na labinglimang arao, sa tuwing gabi bago matulog, na ang mata'y nakapikit at ang boong dili dili ay malaya sa ibang isipin ò alalahanin at gayon din sa pagkagising na sasambitin sa boong katimtiman ng̃ loob ang mg̃a sumusunod: "Lalaki ang aking magiging anak" (kung ito ng̃a ang nasain) ay pilit na ito ang ipang̃ang̃anak. Ng̃uni't lalong mabuti na uulituliting sabihin at sabihin sa boong maghapon ng̃ makaapat o makaitlong ulit.

Ang ganitong nasain ng̃ naturang hapones, ay nasubok sa Hapon ng̃ 1907, na sa 2513 haponesa na nagbuntis na gumawa nito at ng̃ mang̃anak ng̃ 1908 ay 1942 ang nang̃anak ng̃ pawang lalake.

¿Ibig ba ninyong matalos ó malaman ang kalihiman ng̃ pagginhawa, upang yumaman ó magkaroon ng̃ magandang kabuhayan, maibig ng̃ iniibig, kagaanan ng̃ loob, kalugdan ng̃ sino man at mapapalarin sa anomang negosyo? ay kailang̃ang bumasa at magaral na mabuti sa Karunungang Lihim at sa Aklat na Ginto ni G. Honorio Lopez. Ang Karunung̃ang Lihim ay 2 piso ang halaga at ang Aklat na Gintô ay 5 piso naman. Kapua mabibili sa lahat ng̃ libreria sa Maynila. Hanapin ang sinulat ni G. Honorio Lopez at siyang makabuluhan at malaman. Kung kayo'y taga probinsya ng̃ huag ng̃ mapagod ng̃ pagparoon sa Maynila ay ipadala ang kuartang papel de banko sa pamamagitan ng̃ "Correo Certificado" kay G. Honorio Lopez, daang Sande 1450 Maynila at pagkatanggap niya ng̃ kuarta ninyo ay ipadadala sa inyo ang aklat na kailang̃an.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings