NG MALAYO SA PAGKAKASAKIT AT TUMANDA
Reading edition
Matulog at bumang̃on maaga, magtrabaho sa araw huag sa gabi.
Hang̃ing malinis ang gamitin sa paghing̃a at pagsikatan sa Araw ang katawan.
Katatagan sa pagkain huag kakain kung may hapis. Tubig na malinis ang iinumin.
Maligo ng̃ tubig na malahining̃a bago kumain ng̃ agahan.
Pitong oras lamang matutulog bukas ang bintana.
Manamit ng̃ maluag at isunod ang kapal sa himig ng̃ panahon.
Ang malinis na pamamahay ay kumakaway ng̃ kaligayahan.
Busugin ang diwa sa pagaaliw. Layuan ang pakikipagkaalit kanino man.
Kahit wala sa matwid ang kausap mo'y huag kang makikipagtalo.
Kung ang ulo mo'y siyang gamit sa paghahanap buhay ay magpalakas ka ng̃ katawan, at kung sa mg̃a bisig naman, ay basain ang ulo sa pagbabasa.
Sa isang taon 1923 ang kalendaryong ito'y magkakaroon ng̃ hanapan ng̃ mg̃a kapistahan ng̃ mg̃a santo katulad ng̃ dati, at mg̃a mababasang ukol sa pakikimayan at ikadidilat ng̃ mata ng̃ mararalitang kababayan. Kaya siya ninyong hanapin sa taong darating 1923.
Bago magpasukat sa iba ay makipagalam muna kayo sa kanya ng malaman ninyo ang kanyang halaga at kondisyon ng panining̃il sa daang Ave Rizal 2121, Sta. Cruz, Maynila.

ABOGADO NG BAYAN
¿Ibig ba ninyong kayo'y igalang ng̃ inyong kapwa tao? ¿Ibig ba ninyong huwag magalinlang̃an sa inyong mg̃a pagmamatwid? ¿Ibig ba ninyong matalos ang kaalaman ng̃ inyong Juez de Paz diyan sa inyong bayan at ng̃ inyong Abogado? Bumasa kayo ng̃ ABOGADO NG BAYAN ni G. HONORIO LOPEZ at dito mababasa ninyo ang mg̃a pangulong kapasiyahan ng̃ mg̃a Ley sa pakikipamayan, sa mg̃a pagaari, sa paghabol ng̃ mana, sa pagtatanggol ng̃ kapurihan, pananakit at iba na totoong kailang̃an sa isang namamayang pilipino, lalo na sa, mg̃a babae, dalaga at mg̃a mararalita.
DALAWANG PISO ang halaga sa lahat ng̃ Libreria sa Maynila. Ang taga probinsiyang magpadala ng̃ dalawang pisong papel, na ipaloloob sa isang sulat kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap ng̃ isang salin nito sa pamamagitan ng̃ "correo certificado."
BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS
Ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo ng̃ ABOGADO NG BAYAN ni G. Honorio Lopez na kababasahan ng̃ Ley Munisipal, ng̃ Ley ng̃ Diborsyo, ng̃ Reglamento ng̃ Sabung̃an para sa mg̃a Sentensiyador at mg̃a mananabong at iba pang marami. PISO AT TATLONG PUNG SENTIMOS ang halaga. Ang mg̃a bagong labas na Presidente at mg̃a konsehal ay dapat bumili nito.
MGA KAILANGANG DULUGAN
Kung manggagawa ka at inaapi ka ng̃ iyong patrono ó pinagtatrabauhan ay dumulog ka sa BURO DEL TRABAJO.
Kung inapi ka ng̃ kapwa mo ó ikao ay sinaktan ng̃ sino man, ó dalaga kang inalisan ng̃ puri ng iyong nobyo ay dumulog ka sa JUEZ DE PAZ sa iyong bayan.
Kung, ikao'y may lupa na ibig mong magkaroon ng̃ titulo Torrens ng̃ mailag sa anomang basagulo at magamit na pang̃ung̃utang ay dumulog ka kay G. Honorio Lopez Sande 1450, Tundo, Maynila at siya mong pagtanung̃an, ng̃ magkaroon ka ng̃ Agrimensor at Abogado mang̃atawan sa pagharap mo sa mg̃a Hukuman. Murang suming̃il at tumatanggap ng̃ pauntiunting bayad sa pamamagitan ng̃ isang kasunduan.
¿Ibig ninyong malaman madali kung ilang piko ang timbang ng̃ inyong kalibkib lukad ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayarang sa ano mang halagang aabutin na di na mang̃ang̃ailang̃an ng̃ maraming pagbilang kundi sa "sumar" lamang?—Bumili kayo ng̃ayon din ng̃ BAGONG REDUKSION ng̃ Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Alabat, Tay. Apat na Peseta ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez daang Sande 1450, Tundo Maynila.


Mg̃a Kaginoohan: Nalalaman ba ninyo ang dalawang pook na itinuturo ko? Iyan ang dalawang pagawaan ng̃ ANG TIBAY 2261 Ave Rizal Tel. 5536 at 628-630 Azcarraga Tel. 8726 Sinelasan at Sapatusan na kabalitaan sa Pilipinas na yumayari ng̃ matitibay at magigilas na sinelas, sapatilya, kotso at sápatos na sunod sa huling "moda"