← Table of contents
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)

1922

Reading edition

NAGSIMULA NG TAONG 1898 IKA 24 TAONG PAGKAKAHAYAG

Dapat Tandaan:—Gulang ng taon, 27. Epakta, 22. Katitikan Linggo, A. at Kabilang̃ang Gintô, 4.

Alin ang gulang ng babae na dapat sabihing matanda na?

Kung may magsasabi na ang gulang na kahilihili sa isáng babae, ay ang gulang na tatlong pu't limang taon, ng̃uni't hindî rin nawawalan ng̃ ibang nagsasabi na kapag ang babae'y sumapit sa tatlong pung taong gulang, ay matandâ na.

Marahil nagkakaagawan ang dalawang kuròkurò sa dami ng̃ magkasangayon; ng̃uni't dapat unawain na ang dami ng̃ babaeng hinang̃aan sa gandá sa kasaysayan ng̃ Sangsinukuban ng̃ Pagibig at pagmamagarâ, ay sa gulang na tatlong pu't limang taon.

Si Ninon de Lenclos nagkaroon ng̃ maraming mang̃ing̃ibig ng̃ siya'y may anim na pung taon at sa gulang na siyam na pung taon ay may pumapalike pa.

Si Cleopatra sa gulang na tatlong pu't walo niya, ng̃ aglahiin sa pagibig ang mg̃a hari.

Si emperatris Josefina na bumihag sa pusô ni Napoleon I, ay matandâ kay sa gulang nito, ng̃ siya'y mapakasal na ang lahat ay nagsasabi na siya'y lalong bata sa emperador sa pagmumukhâ.

Ang balitang nobelistang si J. Sand, ay lalong kaaakit ng̃ makaraan sa tatlong pung taon at sa gulang na lalong naulol sa kanya sa pagibig si Chopin.

Si Elena de Troya nagkaroon ng̃ pû pûng mang̃ing̃ibig ng̃ may apat na pung taon na, at si Adelina Patti nagkaroon ng̃ maraming manglilingkod sa kanyang kariktan hangga ng̃ mamatay.

Sa ng̃ayon, kagalanggalang na dalagang kagulang̃an, bakit ka paghihinagpis sa iyong pagtandâ? Huag mong ipanglungkot ang pagiiwan sa iyo ng̃ kasariwaan ng̃ kabataan, pagka't kailan ma't magilas kayo at sinusunod ninyo ang mg̃a aral sa pagpapaganda at pagpapakikinis ng̃ balat na itinuturô ng Aklat ng̃ Kabuhayan ni Honorio Lopez, ay hindî kayo mawawalan ng̃ mg̃a kandidato na laging aawit sa inyo ng̃ kirileson ng̃ Dios ng̃ Pagibig.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings