Ang Aklat na Ginto
Reading edition
Ang AKLAT NA GINTO hindi isang aklat lamang na kakikitaan ng̃ mg̃a kaalaman sa panggagamot na walang gamot sa katawan ng̃ tao, hindi isang aklat na kababasahan lamang ng̃ mg̃a paraan ng̃ panghuhula at iba pa; kundi isang aklat na katutunghayan ng̃ mahahalagang bagay na nauukol sa kapangyarihan ng̃ ating diwa, siyang kaluluwang ibinigay sa atin ng̃ Diyos upang tayo'y maging tao at gumawa nang parang tao na inilarawan ng̃ Diyos na Maykapal sa kanyang ayos at katayuan. Sa makatwid tayo'y larawan ng̃ Diyos na katulad niya na hindi ng̃a lamang makagawa ng̃ katulad ng̃ kanyang mg̃a gawain pagka't hindi natin kilala ang kalihiman ng̃ kapangyarihan ng̃ diwang isinangkap niya sa atin. Sa AKLAT NA GINTO mababasa ninyo ang kalihiman nito, upang ang diwang iyang ibiniyaya sa atin ng̃ Diyos ay ating magamit sa maraming bagay upang mapapaginhawa nàtin ang katawang ito natin at ang ating kabuhayan; matang̃i pa sa ibang mababasang paraan ng̃ panghuhulang gamit ng̃ mg̃a yogi, ng̃ mg̃a hesuita, mg̃a monha, ibp, sa panghuhula ng̃ nawalang kasangkapan ó natatagong kayamanan, ang pangpalubay loob ang mapasunod niya ang ibang tao sa bawa't ibigin ng̃ kalooban, makapanggamot ng̃ walang gamot, ang malaman ang mg̃a orasyon ng̃ Papà Leon XIII na naging anting-anting ni Carlo Magno ng̃ panahon ng̃ Dose Pares at iba pang kalihiman.
LIMANG PISO ang halaga sa lahat ng̃ Libreria at ang taga probinsiyang magpadala ng̃ lilimahing pisong papel sa pamamagitan ng̃ sulat na ipadala kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap ng̃ isang AKLAT NA GINTO sa pamamagitan ng̃ "correo certificado."