Ayoko ng sayaw
Reading edition
Ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan ako'y lumalayo't nililimot ko na ang pinagsamahan, Hindi gayon Luring ... kung bagama't hindi kita nadadalaw, ang alaala ko'y sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam. ¿Mangyayari kayang kalimutan kita? gayong di kailâng matang̃i sa iyo ang abang palad ko ay wala ng̃ mutya.... Mamatay man ako kung tunay ang tao'y may buhay na diwa, ang diwa kong iyo'y laging maghahain sa iyo ng̃ nasa.... Ako kaya lamang hindi makadalaw't sa iya'y humarap, sapagka't may lungkot ... ang kalungkutan ko'y sa iyo rin buhat; ikaw'y nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag.... anong kasalanan? ... ang pagsasayaw mong di minamarapat. Bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'y ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan; sa gawang pagibig upang ang dalawa'y payapang mabuhay ang lahat ng̃ gawang hindi nararapat ay pakalayuan. Ang sayaw ay isang ipinagbilin kong huwag mong gagawin pagka't sa babai ang pagsayaw ay ng̃iti ng̃ dilim; ang sayaw láson sa ganda ng̃ isang babaing mahinhin hinhin ng̃ babai'y nagiging malasuwa sa sayaw ang dahil. Masdan ang babai sa isang lalaki'y nakikipagsayaw yakap sa lalaki bagama't ang gayon ay pang̃it na tingnan, magkayapos sila at ang mg̃a dibdib ay walang pagitan baywang ng̃ babai'y hapit ng̃ lalaki ng̃ lubos lubusan. Hita niya sa hita ng̃ lalaking yapos ay nadadaiskis minsa'y magkadaop, pagkakadaop na, animo'y napagkit sa ininog-inog, ang kanilang pisng̃i'y madalas magtalik.... sa sayaw di ka man huming̃i ng̃ halik ay makahahalik. Pusong nang̃ang̃arap yumapos sa mg̃a dalagang maganda magaral ng̃ sayaw't sa mg̃a sayawan nila makukuha, diwang nananabik damhin ang katawan ng̃ mg̃a dalaga magsayaw ang dapat at madadama mo, pagka't murangmura. Sa mg̃a pagsayaw nawa wala ang hinhin dapat ing̃atan mahinhing babai kapagka sumasayaw nagiging magaslaw, pati ng̃ katawan sa paggamayumi'y di ibig magalaw, sa lintik na sayaw malilimot na ang pagmamaselan. Babai't lalaki sa pagkakayakap ay parang iisa, anopa't kung manang sa isang simbahan ang makakakita magaabot-abot ang pagaantanda't pagkukurus niya sa pang̃ung̃umpisal ay siyang sasabihing unanguna. Ng̃ayo'y walana sa iyo ang dating mong kilusin, gaslaw na sa iyong iwing kabinhinan ang sumapín sa dati ng̃iting mapagakit: halakhak at aliw napalit masabing ikaw ay ¡kay sarap yakapin! Sa diwa ko'y parang isinusurot na ang sinapit ng̃ palad ng̃ kabuhayan mo sa hilig mong iyang may bolo at suyak ako'y naluluha ... kung ikaw na aking tang̃ing nililiyag ay masasawi pâ ... tayo, ang hang̃ad ko y lamunin ng̃ ulap.... MAR. P. GARCIA