¡Matuwa tayo!
Reading edition
ANG BANDERA ó WATAWAT Ng PILIPINAS, sa tagobilin ng̃ Gubernador Harrison at sa kapasyahan ng̃ ley ó batas na pinatibayan ng̃ Batasang Pilipino, ay maaari na nating gamiting muli na iwagayway sa patangwa ó bintana ng̃ ating mg̃a tahanan, sa mg̃a araw ng̃ pista ng̃ bayan, baryo ó ng̃ bansa, katulad ng̃ pista ni Rizal, ibp.
Kung iyaagapay sa bandilang Amerikano kailang̃ang ito'y maging kasing laki ó lumaki pa ng̃ kaunti sa atin at mapasa kanan ng̃ Bandilang Pilipino.
Mg̃a kababayan: Huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila ng̃ mg̃a panyô, tapis o ng̃ ano mang kayo sa mg̃a pistang iniraraos natin, matang̃i sa Bandila natin at bandilang amerikano.
"Kahimanawari na sa muling pagsilang na iyan ng̃ ating watawat, sumunod na sumilay naman sa silang̃anan ng̃ ating pagasa ang pinagulapang Araw ng̃ maluwalhating Pagsasarili ng̃ ating pinakaiibig na Pilipinas". H.L.