ABOGADO NG BAYAN
Reading edition
NG MASIGURO ANG PANÁLO
Bagong katatapos sa limbagan ang ikapat na pagkakalimbag ng̃ aklat na ito. Marami ang naragdag at nabagong kapasyahan. May mg̃a tala ng̃ HURISPRUDENSIYA ng̃ Corte Suprema na dapat mabasa ng̃ mg̃a nakikipagusap, may mg̃a manang hinahabol at mg̃a pagaaring lupang isinanla at walang katibayang matatag ng̃ masiguro nila ang panalo.
Ang labas ng̃ayong bagong ABOGADO NG BAYAN bukod sa mg̃a naparagdag na Kodigo Sibil, Penal at mg̃a Procedimiento ay may bagong naparagdag ukol sa karunung̃an ng̃ pagmamatwid at pakikipagusap.
Mabuting pag-aralan ng̃ lahat lalo na ng̃ mg̃a mararalita, mg̃a may lupa, mg̃a mang̃ang̃alakal, mg̃a nagpapatubo ng̃ salapi, mg̃a babaye ó dalaga ng̃ malaman nila ang paguusig sa mg̃a Hukuman ó ng̃ mg̃a dadaya sa kanila ó manguulol.
Dalawang piso ng̃ayon ang halaga sa lahat ng̃ libreria at maging sa lalawigan kung ibig na ipadala sa nang̃ang̃ailang̃an. Kaya ng̃ayon din sumulat kayo kay Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Maynila, magpadala sa kanya ng̃ P.2 papel.