Ang Bagong Pamahalaan sa Pilipinas.
Reading edition
¿Anong kiyas ó hugis ng̃ Pamâhalaan mayroon tayo ng̃ayon dito sa Pilipinas? Ang pamahalaang tatág ng̃ayon dito sa Pilipinas, ay may hugis republikano na nababatay sa mg̃a simulaing demokratiko na ang tunay na masusunod ay ang kalooban ng̃ bayan.
¿Alin ang kakulang̃an na lamang upang maging lubusang republikano ang pamahalaan natin sa ng̃ayon sang-ayon sa pagbabagong nangyari sunod sa batas ni Jones? Una: Ang magkaroon tayo ng̃ isang presidente at isang pang̃alawang presidente sa halip ng̃ Gubernador Heneral at Bise-Gubernador Heneral na siyang pinakakinatawan dito sa sangkapuluan ng̃ Estados Unidos. Ikalawa: Ang magkaroon ng̃ bansag na Republica ang ating pamahalaan, at Ikatlo: Ang mahalinhan ang watawat Amerikano ng̃ watawat pilipino.
¿Bakit sinabi ninyo na ang nasusunod sa pamamahala sa ating bayan ó ang kalooban ng̃ bayan lamang? Sapagka't ang gumagawa ng̃ mg̃a batas at mg̃a kautusang sinusunod natín na ipinatutupad sa atin ng̃ mg̃a tagapagpatupad: gaya ng̃ Gubernador Heneral, Alkalde sa Siyudad ng̃ Maynila, ng̃ mg̃a Gubernador sa lalawigan at ng̃ mg̃a presidente munisipal sa mg̃a bayan bayan, ay mg̃a gawâ ng̃ mg̃a senador, diputado at mg̃a konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan ng̃ ating tiwala upang lumagdâ ng̃ mg̃a kautusan at batás na ikabubuti nating lahat na mamamayang pilipino at ng̃ Pamahalaan natin.
¿Sa makatwid ano mang hirap na ating danasin sa kabuhayan ay di dapat nating isisi kanino man, kundi sa ating mg̃a inihalal na iyan? Siyang totoo, sapagka't ang ikinabibigat at ikinagagaan ng̃ ating kabuhayang lahat, ay nasa sa kanilang kamay, pagka't ang kanilang mg̃a batas ó kautusang pinatibayan sa Batasan at sa mg̃a Sanggunian ay siyang sinusunod na ipinatutupad ng̃ mg̃a tagapagpatupad na nasabi ko na. Nariyan ang ikinatataas ng̃ mg̃a buwis ng̃ lupa, ikinataas ng̃ Rentas Internas, ikinataas ng̃ mg̃a bayad sa pahintulot o lisensiya munisipal. ang paglastay ng̃ salapi sa ibang bagay na di sa kagaling̃an ng̃ mg̃a namamayan, ang di pagpapagawa ng̃ mg̃a bangbang ng̃ tubig sa mg̃a bukirin ibp. na, ang lahat ng̃ iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan ng̃ ating mg̃a inihalal na diputado at mg̃a konsehal.
¿Tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawâ ng̃ mg̃a batas ó ley at mg̃a kautusan ó ordenanza ng̃ ating mg̃a inihalal na senador, diputado at konsehal? Makiyalam sa pakikipagtalo ó sa pagsasaalangalang sa Batasan ó Legislatura, sa Konseho Munisipal ay hindi mangyayari; ng̃uni't upang magutos ó magbigay liwanag sa ating mg̃a inihalal upang gawin ang gayo't ganitong batas ay maari, pagka't sila ang kumakatawan sa atin sa karurukan ng̃ Senado, Asamblea, Hunta Munisipal sa Siyudad ng̃ Maynila at mg̃a Konseho Munisipal ng̃ mg̃a bayan bayang maliliit.
¿Sa paggugol ng̃ mg̃a pinunong bayan sa mg̃a pananalapi, sakaling ilaan sa mg̃a walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang namamayan? Bakit hindi. Ng̃ matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad sa sédula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa mg̃a lisensiya munisipal, sa kinikita ng̃ pamilihang bayan ibp., ay diyan kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral ng̃ ating mg̃a bata, ng̃ ginuguol sa mg̃a pagpapagawa ng̃ mg̃a lansang̃an ó daan at tulay, ng̃ mg̃a "kanal" ng̃ pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat ng̃ mg̃a kawani ng̃ pamahalaan, sa mg̃a hukom, konstabularya, pulisya at sa lahat na ng̃ punong bayang iyong inihalal at sampu pa ng̃ Gubernador Heneral at mg̃a inatasan niya ó ninombrahan. Kaya ikaw bayan, ay matuto kang magpahiwatig sa iyong mg̃a inihalal ó sa inyong diputado ó sa konsehal na lumabas sa inyong kapookan at ipagutos sa kanila sa pamamagitan ng̃ boong pitagan ang lahat ng̃ inaakalang ikabubuti ng̃ bayan.
¿Alin bagay ang dapat ipagutos sa isang diputado ó senador at alin naman ang dapat iyutos sa isang konsehal? Ang lahat ng̃ bagay na ikabubuti ng̃ boong bayang Pilipinas ó ng̃ lalawigan ninyo ay nauukol ipagutos sa inyong Diputado ó Senador, kaparis ng̃ paglalagay ng̃ mg̃a kanal ng̃ patubíg sa mg̃a bukirin ibp., ng̃uni't kung sa pagpapagawa ng̃ mg̃a lansang̃ang hindi probinsiyal katulad ng̃ mg̃a lansang̃ang maliit, paglalagay ng̃ ilaw, paglalagay ng̃ mg̃a padumihan, pagaayos ng̃ mg̃a pamilihan, ibp., ay dapat hing̃in sa konsehal ó sa presidente ng̃ munisipyo ng̃ bayan.
Nang lalo kang maliwanagan ay basahin nínyo ang BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS ni Honorio López at dito ninyo matatalastas ang lahat ng̃ kanilang tungkulin at dapat ninyong ipagutos at lalo na nang mg̃a dapat ninyong matalastas na kautusan ó mg̃a batas sa pakikipamayan at pamamahala sa bayan, Piso ang halaga ng̃ bawa't isa at P1.30 kung ipapadala sa nakakaibig sa taga malayung bayan.
Ito'y isang aklat na dapat mabasa ng̃ mg̃a bagong konsehal, presidente, pulis at lalo na ng̃ mg̃a mamamayang may mg̃a tanda, magsasaka at mang̃ang̃alakal. Naririto ang LEY NG DIBORSIO at ang REGLAMENTO SA SABUNGAN na dapat mabasa ng̃ mg̃a sentensiyador, tahor at mg̃a mananabong.
MGA MAGLULUKAD O MAGKOKOPRA
¿Ibig ninyong malamang madalî kung ilang piko ang timbang ng̃ inyong kalibkib, lukád ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayaran sa ano mang halagang aabutin na di na mang̃ang̃ailang̃an ng̃ maraming pagbilang kundi sa "sumar lamang?"—Bumili kayo ng̃ayon din ng̃ BAGONG REDUKSION ng̃ Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Tayabas. P0.80 ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez, daang sande, 1450, Tundo, Maynila.
Sa lahat at lalo na sa mga may lupa
Kayong mg̃a may lupa na wala pang titulo Torrens ay dapat na magpasukat ng̃ inyong mg̃a lupa ng̃ huwag mang̃anib na mawala sa inyo ang matagal na panahong inyông inaari.
Ng̃ayon na ang pagsasaka sa Sangkapuluan sumulong sa dati, ay marami riyan ang nang̃ang̃amkam na ginagawa ang lahat ng̃ kaparaanan ng̃ mapasakanila ang pagaari ng̃ iba.
Marami na ang nawalan ng̃ kanilang lupa sanhi sa pagwawalang bahala, na ng̃ayon pawang naghihirap at nagsisiluha.
¿Kayo ba na di pa inaagawan ng̃ pagaari ibig ba ninyong matulad sa kanila? Marahil ay hindi. Kaya kayo ng̃ayon din ay kumilos at magpasukat ng̃ lupa sa makakatulong ninyo at makapagtatapat sa paghing̃i ng̃ katibayan.
Kung ibig ninyo kayo'y aking tutulung̃an, bibigyan ko kayó ng̃ abogadong di masasapakat ng̃ sino man at agrimensor na madaling yumari ng̃ plano at mg̃a murang suming̃il ng̃ "honorarios"; at, maaari pang bayaran pagkatitulo ng̃ lupa alinsunod sa pagkakasunduan.
Kung ibig naman ninyong magsanla ó magbili ng̃ inyong mg̃a lupa ay ibalita sa akin at ituturo ko sa inyo ang madaling kaparaanan.
Kung nakakaibig naman kayong bumili ng̃ mg̃a makina sa pagbibigas, panggiik, pangararo, paggawâ ng̃ hiyelo, panggawâ ng̃ limonada, makina ng̃ paglalagay ng̃ ilaw dagitao ó elektrika sa inyong munisipyo, pangkuha ng̃ mina, ibp, ay ipagtanong muna ninyo sa akin bago bumili sa iba at ituturò ko sa inyo ang pinakamabuti, mura at mauutang pa.
Hindi ako sumising̃il na ano mang paglilingkod ko ukol sa mg̃a bagay na nabanggit padalan lamang ako ng̃ isang selyong tig 2 sentimos sa pagsagot ko. Tang̃ing hang̃arin ko ang makatulong sa mg̃a kababayan.
HONORIO LOPEZ
Agrónomo
Sande 1450. Tundo, Maynila.
¡MATA!
¿Ibig ninyong kumita ng̃ kuarta, at hangga sa 10 piso isang araw, alinsunod sa inyong magagawang sipag? Ang Imprenta ni Honorio Lopez sa daang Sande, blg. 1450, Tundo, Maynila ay nang̃ang̃ailang̃an ng̃ mg̃a ahenteng may ipipiyansang̃ 50 piso, upang maglibot sa lalawigan at maghanap ng̃ magpapagawa ng̃ mg̃a tarhetang pamasko na may maiinam na hugis at magagara.