MAGBAGO TAYO NG LAKAD
Reading edition
Sa ng̃ayon ang ating bayang minamahal ay di na huhuli sa bansâng alin man, pagka't marami na tayong maaalam balità sa dunong na dapat pagtakhan. Sa pagkamediko't pagaabogado hindi na mabilang at nagkakagulo, at siya na lamang ang makikita mong naglisaw sa daan na nakahihilo. Mg̃a pulitiko ay gayon din naman ay siya na lamang laman ng̃ lansang̃an; walâng pagupitan, ligpit na karihan bilyar at iba pang di linalagîan. Sa pagmamagarà wala ng̃ tatalo sa mg̃a "girl" at "boy" nating pilipino; magutom man at walang sukbit na "sentimo" aasa mo sa daan, mg̃a "milyonaryo". Mg̃a naghihintay ng̃ mapapasukan upang manilbihan sa Bahay Kalakal at Pamahalaan, ay gayon din naman sàmpu isang "kusing" na kahalay halay. Ano pa't sa ng̃ayon tayo'y sagana na sa lahat ng̃ bagay; kabihasnang bung̃a; ng̃uni't sa kalakal gawang pagsasaka tayo'y walang wala, talunan ng̃ iba. Isang katunayan, dapat na mamalas ang pagkakagutom nating linalasap; tayong taga rito siyang walang bigas at naninikluhod sa dayuhang lahat. Ng̃ayo'y nakilala, na ang kayamanan at pagkakasulong ng̃ alin mang bayan, wala sa naglisaw diyang maaalam kundi sa kalakal, pagsasakang hirang. Kaya ang marapat ating pagusigin makapagpalapad ng̃ mg̃a sakahin; lahat ng̃ kalakál ay mapasa atin sa loob at labas ng̃ ating lupain. Yamang marami na tayong "titulado" abogado't doktor na nagkakagulo sa ng̃ayo'y harapin tungkuling totoo naman ang maglupa at pagnenegosyo. HARI NG TAMBULI.