← Table of contents
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

Ang Pagbabago sa Kalendaryo

Reading edition

GAGAWING 13 BUWAN.

buwan
buwan

Kung ang panukalang batás na isinaalangalang sa kapangyarihan ng̃ Kongreso ng̃ Estados Unidos ay pagtibain, sa unang araw ng̃ Inero ng̃ 1922, ay makakikita tayo ng̃ isang bagong Kalendaryo na bumibilang ng̃ labing tatlong buwan na para parang nagsisimula sa araw ng̃ lunes ang mg̃a unang araw ng̃ buan at sing isa naman ng̃ bilang na tig 28 araw.

Sa panukalang ito at kabilang̃ang ganap ng̃ araw sa boong isang taon, ay lumalabis ng̃ isang araw, at ito, sa halip na idagdag pa sa kabilang̃an ng̃ alin man sa labing tatlong buwan ay inilaang gawin sa pagdiriwang ng̃ piata ng̃ BAGONG TAON.

Sa tuwî namang apat na taon, ay nagkakaroon ng̃ isang araw na labis, at ito'y idaragdag ding parang pinakabisyesto. Sa karaniwan, ay idinagdagdag sa Pebrero; ng̃uni't sa bagong panukala, ay idaragdag sa pagitan ng̃ ika 28 ng̃ Disyembre at sa araw ng̃ Bagong Taon, at ito'y tatawaging ARAW NG PAGTUTUMPAK.

Sa bagong pagayos ng̃ Kalendaryong ito ay di magkakaroon ang alin mang buwan ng̃ limáng araw ng̃ Linggo. Ang lahat naman ng̃ pista ay tatamang lahat sa araw ng̃ Huebes, gaya ng̃ Pista ng̃ Pagsasarili sa ika 4 ng̃ Hulyo; Araw ng̃ Pagtatagumpay sa ika 11 ng̃ Nobyembre; Araw ng̃ Pagpapasalamat at Pasko ng̃ Kapang̃anakan sa Mananakop.

Ang ikalabing tatlong buwan namang mararagdag ay ilalagay sa pagitan ng̃ Inero at Pebrero, at ito'y tatawaging BUWAN NG KALAYAAN.

Kung ang bagong pagaayos sa Kalendariong ito na tatawaging Kalayaan, ay patitibayan ng̃ Batasang Amerikano, ang pagdidiwang natin sa ARAW NI RIZAL, ay tatama sa pangkaraniwang taon, sa ika unang araw ng̃ Inero, at sa tuwing ikapat na taon, ay tatama naman sa pista ng̃ Bagong Taon.

Sang-ayon sa mg̃a pagkukuro ng̃ mg̃a nagbalak sa Kalendariyong ito na iyan:...... ang mg̃a litaw na mang̃ang̃alakal at mg̃a bansag na tao sa Minneapolis; sa Kalendaryong ito, ay magiging maginghawa ang pagtutuos sa pang̃ang̃alakal; magiging maayos ang pagtatakda sa mg̃a patubo ng̃ salapì at gayon dín sa mg̃a pagbabayad sa mg̃a kawanì at manggagawa, pagka't walang nakahihigit na sino man.

Ating hintain kung ano ang sasabihin ng̃ Kongreso ng̃ Estados Unidos sa kabalakang ito.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings