← Table of contents
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

"Ang Tibay"

Reading edition

(Sagisag na registrado sa Gobierno)

SINELASAN

NINA

TEODORO at KATINDIG

Sanhi sa nangyaring pag-aaklas ng̃ mg̃a maggagawa, ang sinelasang ito, ang kanyang katang̃ian at di pangkaraniwang pagpapagawa ng̃ marami, na napalathala sa mg̃a pahayagan at ipinadalang sulat sa mg̃a may ari nito na ganito ang sinabi:

Anang UNION DE CHINELEROS DE FILIPINAS: "Katang̃i tang̃i ang ginagawang napakahigpit na pagsisiyasat ng̃ mg̃a sinelas na nayayari sa araw araw na kung ibabatay natin sa ibang pagawaan ay halos kalahati lamang. Datapwa't kung kaya ginawa ito ng̃ mg̃a may ari ng̃ "ANG TIBAY" ay sa pagkakilala nilang yao'y katungkulang di mapapaalis nino man."

Ang sabi naman ni G. PEDRO ROXAS: "Ang sinelasang "ANG TIBAY" ay kinagigiliwan ng̃ kanyang mg̃a suki dahil sa pagkamaing̃at sa pagpapagawa."

Ang banggit ni G. LOPEZ K. SANTOS: "Inaasahan ko pong ang kasunduang iya'y lalabas ding napakatibay na gaya ng̃ mg̃a sinelas, kotso, at iba pang bagay na sa tindahang iya'y inyong ipinagagawa."

Sa pagkakapiit naman sa insik na Yu Chu na may tindahan sa Gandara blg., 257, ng̃ mg̃a pulis sekreta dahil sa pagbibili ng̃ mg̃a sinelas na may tatak na huwad sa "ANG TIBAY" ay nagsalita "ANG BANSA" ng̃ sumusunod na pagkukurô:

Talagang dito sa ibabaw ng̃ lupa, ang mg̃a magagaling na bagay at mabuti ang pagkakayari ay pinapasukan ng̃ "codicia" lalong lalo na sa pang̃ang̃alakal.

"Makukurong ang mg̃a kagagawang ito ay maituturing ng̃ pagkamagaling na uri ng̃ mg̃a sinelas na ginagawa sa sinelasang "ANG TIBAY".

Candido Lopez

Agrimensor Privado Autorizado por el Buro de Terrenos.

Tumatanggap ng̃ mg̃a sukatin sa lalawigan. Mura kay sa iba. Ave. Rizal 2121, Sta. Cruz.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings