← Table of contents
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

1920

Reading edition

BASAHIN NINYO ANG

AKLAT NA GINTO

¿Ibig ninyong matutuhan ang kalihiman ng̃ magmukhang bata hanggang tumanda, lumakas at walang sakit?

¿Ibig ninyong malaman ang kalihiman ng̃ pagpapalubag loob, gayuma at makapanghila ng̃ ano mang nawawala o pangyayaring lihim sa ibang tao o sa ibang bayan?

¿Ibig ninyong makilala ang lihim at bagong paraan sa panggagamot ng̃ sakit na walang gamot na gagamitin?

¿Ibig ninyong matutuhan ang lihim na kayo'y kagiliwan ng̃ sino mang tao at kumita ng kapalaran o kayamanan sa inyong hanap buhay na taglay?

Basahin ninyo ang AKLAT NA GINTO ni Honorio Lopez, tiglilimang piso ang halaga at naririto ang lahat ng̃ lihim ó sekretong karunung̃an dito sa mundo.

Magpadala ng̃ sulat ng̃ayon din kay Honorio Lopez, daang Sande 1450, Tundo, Maynila at ipaloob sa sulat na ito ang isang limang pisong papel at pagkatanggap niya ipadadala sa, inyo ang aklat.

Bagay na basahin ng̃ lahat lalo na ng̃ mg̃a matatanda, binata at dalaga.

¿Ibig ninyong matuto ng̃ iba't ibang karunung̃an ukol sa pakikipamayan, sa pagsasaka, sa industria ó kagamlaman, sa pang̃ang̃alakal at iba pang ikasusulong ng̃ inyong isip at kabuhayan? ¿Ibig ninyong matalastas ang nangyayari sa iba't ibang bansa sa pamahalaan, at sa iba't ibang pook ng̃ bayan natin? Bumasa kayo ng̃ pahayagang buwanan ni HONORIO LOPEZ na may pamagat na PILIPINAS na lalabas sa tuwing ika unang araw ng̃ bawa't buwan. Nasusulat sa kastila at tagalog. Piso isang taon. Pauna ang bayad ng̃ pagpapadala. Sa pahayagang ito sa panig ng̃ dahong tagalog, maglalathala ng̃ maiinam na tulâ, ng̃ mainam na babasahin ng̃ mg̃a magsasaka at ng̃ lahat ng̃ ibig bumuti ang buhay at yumaman. Walang kinikilingang pangkatin ó partido politiko. Matiyagang isipin. May tang̃ang pitak na nalalaan sa mg̃a dalaga at binata upang magpaliwanag ng̃ nangyayari sa kanilang pang̃ing̃ibig. Gayon din naman may pitak ukol sa mg̃a may usapin upang magpaliwanag ng̃ nangyayari sa kanilang usap. Nagtuturo ng̃ mga bagong hanap buhay. Maraming balita.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings