← Table of contents
Dakilang Asal

VIII SA M~GA LARO

Reading edition

Kung kayo'y magtipon upanding mag-aliw, ikaw ay magsaya, n~gunit magmahinhin. Pinaka matanda ay papamiliin n~g larong mainam na inyong gagawin. Sa alin mang laro ay huag kang magdáya at huag ka rin namang mag-in~gay na lubha. Kung may alan~ganin dapat pahatul n~ga sa hindi kalarung m~ga matatanda. At kung may dumating na iyong kaibigan, ó sinu man kaya, lalu at maran~gal, ang ukol sa iyo sa kaniya'y ialay —"¿Ibig pu ba ninyong makipag-aliwan?" Sakali at ikaw ay siyang manalo, sino man ang kulang ay huag sin~gilin mo, at huag mong sabihing—"Magbayad po kayo" Pahiwatig lamang—"¿Ang kulang ay sino?" Isang nananalo'y di dapat umalis, kung di may malaking dahilang mahigpit; n~guni at ang talo ay makatitindig at huag magpakita n~g kaunting galit. Kung nananalo ka ay huag kang magdiwang kung natatalo ka'y huag magn~gitn~git naman, sa laro'y madalas mahalatang tunay ang walang magaling na pinag-aralan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings