III SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY
Reading edition
Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos, magpunas n~g kamay at saka magmumog, maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok, damit na pangbahay pagdaka'y isuot. Pagkatapos nito ay agad ganapin ang datihang iyong katunkulang gawin, at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin at saka maligong magkubli sa tin~gin. Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani-kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari-arian. Bahay na maayos ay parang salamin n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; bahay na magulo'y nagpasabing tambing n~g ugaling salat sa turong magaling. Kailan~gang harapi't siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayan~gin ang kabit nang oras, magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas. M~ga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira't mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis. Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa't upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani-kaniyang dapat na kalagyan. Makita mo'y kahit iisang karayom na kakalat-kalat ó kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol. Karayum ay mura't walang kasaysayan, n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan: karayum na walá sa dapat kalagyan ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.