← Table of contents
Dakilang Asal

VII SA M~GA PIGING

Reading edition

Kung mapithaya ka sa alin mang piging, huag kang magpauna sa ibang panauhin; n~gunit huag ka namang mahuling dumating: isipin mong ikaw ay doon hihintin. Sa mesang pagkain kung tumatawag n~ga, hayaang mauna ang m~ga dakilâ; at gayon din naman huag kang magkusang maunang tumikim sa alin mang handâ. Huag kang magmadali't ang subo'y huag lakhan ang ulam ay huag mong amuyan ó hipan; ang m~ga kubiertos ay paka-in~gatan, upang huag kumatog na lubha sa pingan. Huag mong titigan ang alin mang hain, at gayon din naman kasalong panauhin paka-in~gatan mo't huag sasambitin ang bagay na baka nakaririmarim. Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa magpakailan pa man sa kakanang mesa, kahit anong ulam ay huag humingi ka, huag namáng pintasan ang kahit alin pa. Kung di mu man ibig ang dulot na hain, kahit kakaunti ay kumuha ka rin; magpakailan pa man ay huag mong sabihing —"Ang ganyan pong ulam di ko kinakain." Ang pagsasalita, kung punô ang bibig, ay bawal na lubos sa dakilang bait, at gayon din naman ang sadyang pag-gamit n~g dalawang pan~ga sa pagkai'y pan~git. Huag mong paapawin ang baso ó copa n~g tubig ó alak at kahit anu pa; bagu ka uminom pahiran mu muna ang iyong m~ga labi n~g laang servilyeta. Kung maka-inom na ay gayon din naman ang m~ga labi mo'y pahirang agapan; at huag kang umihip wari alinsan~gan, ang gayo,y bawal n~ga sa dakilang asal. At kung alayan ka n~g iyong kasalo n~g alak ó kaya maging kahit anó, sa di mu man kanin ay tatangapin mo at pasalamatan ang alay sa iyo. At kung may dadatal na ibang panauhin, lalot kakilala'y anyayahang tambing. Huwag kang sumubo at siya,y iyong hinting makapasok muna at kayo,y lisanin.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings