II KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA
Reading edition
Pipintuhuin mo't panuyuang kusa ang iyong magulang na mapag-aruga, sila'y pan~galawa ni Poong Bathala na dapat igalang sa balat, n~g lupa. ¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan? Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang. Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang, puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay. Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing, kapag nain~git ka sila'y gumigising; kinandong-kandong ka at inaliw-aliw at pinalayawan n~g saganang lambing. Sa gayong kalaking utang na tinangap mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad? Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap, kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat. Salamat na lamang at di maninin~gil, ang puhunan nila'y di ibig bawiin; sakali ma't sila ay alalahanin n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing. Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay, kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!" sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!" Kung matutulug na saka uulitin ang halik at bating paalam n~g lambing; n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin, ang kailan~gan nila muna'y siyasatin. Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan, sa ano mang bagay kaya'y parusahan, ay ipag-sayá mo't darating ang araw na matutunayang iyo'y pagmamahal. Ang m~ga inali, at ang mga mama, at ang ina-ama,t ini-ina kaya, at ang m~ga nuno, at ang matatanda ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga. At ang m~ga iyong lahat na kapatid ay pakamahalin n~g boong pag-ibig; sa m~ga alila ay huag magmasun~git pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis. Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan, n~g upanding ikaw naman ay igalang; sakaling sa iyo sino ma'y magkulang, kahabagan siya't pagdaka'y talikdan. Ang maestro'y siyang pan~galawang ama, ang maestra nama'y pan~galawang ina, kaya dapat n~ganing pintuhuin sila at mahaling lubos n~g boong pagsinta. Binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali n~g iyong magulang; n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan. Dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat, sa lusok na asal nama'y hindi hubad. At katunkulan mong lubos na mahigpit sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit; ang lahat n~g turo nila'y isa-isip, sa lahat n~g hatol nila ay manalig. Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw sa landas n~g iyong madilim na buhay; tanang hakbang nila ay malapit sundan, n~g upanding ikaw ay huag maligaw.