← Table of contents
Dakilang Asal

V SA PAKIKIPANAYAM

Reading edition

Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam ang nagsásalita'y mabuting pakingan, sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan ang di pumapasing sa kasalitaan. Ikaw ay papakli, kung dapat sumagot, n~g magandang bigkás, salitang malambot: ang banlang sabihin ay kuruing lubos, baka may mapaltik sa m~ga kaumpok. Huag magbulaan sa alin mang bagay, palatuntunan mo'y ang katotohanan; n~gunit sa taya mo'y kung may tatamaan, mabuti pa n~ganing huag ka n~g magsaysay. Huag mong sasabatin ang nagsasalita paka-ilagan mo ang gawang manumpa, at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha ang tawang malakas ay sa taong dusta. Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay, batid mo man kahi't ay dapat pakingan, at huag mong sabihing—"Alam ku na iyan" ito ay malaking lubhang kapintasan. Magpakailan pa man ay huag kang sumabat n~g wikang—"Mali ka"—"Sabi mo'y di tapat" Sakali mang mali ang ating kausap, kailan~gang sagutin n~g lubhang banayad. Ang pakli'y ganito—"Naging iba lamang, n~g hindi pu kayo ang siyang nagsaysay n~g gayon, ay di ko paniniwalaan" sapagka't ... Saka ka naman man~gatwiran. Kung ang katalo mo ay ayaw duminig sa sinasabi mong tunay na matwid, at sumasagot pang bagkus nagagalit, hayaan mo siya't, huag ka n~g umimik. Datapua,t sakaling ang makausap mo ay sadyang mabait, talagang may tuto, at sa iyo'y sabihing—"Ipatawad ninyo itong ipapakling abang palagay ko". Ito,y sagutin mo n~g boong pitagan, n~g boong pag-giliw, gaya n~g tuturan "Ituluy pu ninyo't kikilanling utang ang pag-akay ninyo sa aking kamalian". At magpakailan man ay huag mong sabihing "Ang sabi ko'y hindi ninyo napaglining." Kung di ang ganito—"Malabu marahil ang sinalaysay ko: aking uulitin." Kung saka-sakaling purihin ka naman, ay huag mong sagutin n~g wikang mahalay, na gaya n~g pakling—"Iyan po'y tuya lamang, iyan po'y isang biro't kasinun~galin~gan." Ganito ang iyong m~ga sasabihin —"Iyon po'y karan~galang di sukat sa akin; n~gunit dahil diya,y aking pipiliting ang pagkamumus ko'y papaging-dapatin." Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag, at sa kata-kata ikaw ay umilag, at huag mong purihin ang iyong kausap, at huag mong libakin ang di mo kaharap.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings