X SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN
Reading edition
Sa harap ng iba ay huag kang magbihis, magputol n~g kuko, maghilod, mag-ahit, huag kang magpabahin, magpunas, magwalis at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git. Bawal na totoo sa dakilang asal sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan; n~guni at lalu pang kasama-samaan ang nakikibasa sa bukás na liham. At gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag-uusap naman ay manubok ay pan~git na lubha at asal na buktot, Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin n~g napakalakas, sapagka't pan~git din. Ang labi mut kukó ay huag mong kagatin, ang m~ga paa mo'y huag pakinigin. Huag mong gagayahin ang asal mababa n~g sa bawa't bigkas, isang panunumpa ang m~ga mahalay salitang salaula na gaya n~g —¡Kulog! ... ay kahiya-hiya. Magmatimtiman ka sa m~ga harapan, ang masayang mukha'y lubos na kailan~gan ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan at kung matawa ka ay huag mong lakasan. Kung nakatayu ka't may kakaharipin, ay huag kang sumandal sa pinto ó dingding; ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin, ang dalawang paa'y itayong butihin. Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga at huag mu rin namang paunating lubha ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna. Sa usapang di mo lubos nalilining, ay huag kang sumisid n~g lubhang malalim: ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil; ang bawat bigkás mo'y timban~ging magaling. Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal; n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan, n~g di parang iyong pinagmamalakhan. Pintasan ang m~ga birong matutulis, n~guni at kailan~gan ang huag kang magalit: kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig, humanap n~g ibang iyong makaniig. Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan, at gayon din naman ang sa ibang yaman; subali kung siya kay sa iyo,y mainam, ay ipagtapat mong mainam siyang tunay.