VI SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN
Reading edition
Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw, at di ang sa gawing pagkaing agahan, di ang sa tanghali, di ang sa hapunan, di ang sa pagtulog at gawang kailan~gan. M~ga karaniwang dalaw ay sa pistá, sa araw n~g lingo kung walang gambala, at ang oras namang pinaka-maganda ay kung ang hapunan ay naidaos na. Ang dalaw na m~ga bigay-loob lamang[2] ay dapat humiksî, ang gayo,y kaila~gan, at pagpilitan mo ang huag magpaliban n~g lubhang maluat at iyong bayaran. Sa alin mang pintô bago ka pumasok ay huag magmadali't marahang tumugtog; ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog, ikaw ay magsabi n~g ganitong ayos. —"Wala pu ba naman silang dinaramdam?" Pagsagot n~g wala—"Salamat na lamang" —"Utang na loob po'y ipagbigay alam na kanila itong ninais kong dalaw." —"At tuloy kami po'y ipag-maka-anó....[3] sa kanilang dan~gal." N~guni't kung sa iyo sabihin ang gayon, ang isasagut mo'y —"Aking tutuparin ang utus pu ninyo." Sa gayo'y agad n~g ikaw ay magpaalam, isa mong tarheta'y huag na di mag-iwan; baliin ang isang sulok na alin man —"Utang na loob po, ito ay iiwan."[4] Sakaling marami ang m~ga panauhin, yukuan mo sila't pagdakay batiin—[5] —"Magandang gabi po"—ang iyong sabihin, saka ang may bahay ay lapitang tambing. Pagdakay iabot ang kanan mong kamay, at ang kamay niya'y upang mahawakan, —"¿Anu po ang atin? Ang inyong may bahay at m~ga kasama ¿anu po ang lagay?" —"Mabuti po naman at walang may sakit, at ¿kayu pu naman?"—Ang sagot ay—"kahit sa alin mang oras ay handa pong tikis na mapag-utusan sa kayang maliit." Kung may kasama kang di kilalang tao n~g iyong kausap, agad iharap mo, —"Sila po'y kaibigan: ikadadan~gal ko ang sila'y iharap n~gayon po sa inyo." At ang iniharap naman ay sasagot —"Bagong tagasuyong napahihinuhod at sumasa-inyong balang ipag-utos" —"Salamat po't kami ay gayon ding lubos"[6] Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan, ang iyong kasama'y iharap din naman; datapua't huag mong gagawin kailan man, ang di mo kilala'y agad kakamayan. Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git na sa bawa't isa ikaw ay lumapit; yukuan mo lamang sila n~g marikit saka mo batiin n~g boong pag-ibig. Ang kasankapan mo'y sakaling batiin, ialay mo agad n~g wikang magiliw. —"Walang kasaysayan, palibhasa'y akin, n~gunit ang akin po'y lubos na inyo rin." Ang iyong kausap kung hindi mo alila ay ipáuna mo sa pagsasalita: "Kayo po at ako"—at di mawiwika ang—"Ako po't kayo"—pagka't hindi tama. At kung marami n~ga ay gayon din naman, ikaw din ang siyang kahuli-hulihan. Ganito:—"Kayo po, si Mameng, si Ninay, si Pepe at ako ang napagtanun~gan." Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin lalo na kung pan~git at masamang dingin, na gáya n~ga nito:—"Si Daniel na duling, si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling." M~ga halintulad ay paka-ilagan kung nakadudusta—"Aku po'y nawalan; halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw".... ang gayong salita'y kasama-samaan. Sa m~ga palalo ay huag kang gumaya, walang bukang bibig kung di ang kanila: —"Ako po'y ganito"—"Ako po ay iba" Ang gayon salita'y pan~git na talaga. Kung ang kausap mo ó sinu man kayâ ay namaling hindi talagang sinadya, pagtakpan mo't parang hindi nahalata n~g upanding siya ay huag mapahiya. Pakikipagtalo ay iyong ilagan; n~guni at sakaling mahirap iwasan, ay salaysayin mo ang iyong katwiran n~g sabing malambot at katotohanan. Kung paupuin ka ay iyong piliin ang huling upuan: n~gunit kung sakaling ang lusok na dako sa iyo'y ihain, ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin. Kung isang babayi ang siyang dadatal lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'y ialay. N~gunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw. Dapat na maunang mag-alay n~g kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa m~ga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. Kaya ang babayi'y siyang nararapat mag-alay n~g kamay sa makakau-sap sapagka't saan mang m~ga paghaharap, ang babayi'y siya ang nakatataas. Gayon man ay dito'y nakagawian na ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna. Babayi't lalaki kung kakamayan ka, kamay mo'y madaling ibigay pagdaka. In~gatan mong ikaw ay huag magdaan sa gitna n~g kahit alin mang hárapan; n~guni at sakaling lubos na kailan~gan, hin~gin ang kanilang kapahintulutan. At huág kang humukut na gaya n~g iba na ang kanang kamay ay iniu-una: tuid ang katawan "¿Maari pu bagang ako ay magdaan?"—"Magtuluy pu sila." At sakaling ikaw nama'y may gagawing sandali sa labas, ay iyong sabihin n~g boong pitagan—"Ipagpaumanhin pu nila't sandaling sila'y lilisanin." Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig; at kung ikaw naman ang siyang aalis, sila ay yukuan n~g anyong marikit. —"Kami pu,y paalam sa kanilang lahat, mag-utus pu sila sa lahat n~g oras." —"Magandang gabi po." Kamayan mo agad ang m~ga may bahay, gayari ang saad. —"Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7] na sa gayong daan at gayon ang bilang. Hinihintay naming kami'y paran~galang palagi n~g inyong malugod na dalaw." Sagot n~g may bahay naman ay ganito: —"Inyo na pung alam itong bahay ninyo, Ninanais naming kayo,y pumarito, upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo." Nasabing may bahay kung sadyang may nais makipagkilala sa iyo n~g mahigpit, katunkulan niyang dalawin kang tikis sa loob n~g tatlong araw di lalabis. At sakaling siya sa iyo'y dadalaw, ikaw sa kaniya ay magkakautang; tadhana'y sa loob n~g wawalong araw siya'y dalawin mo't itoy karampatan. Kung uubuhin ka ó babahin kayâ, gayon sa pagdahak saka sa paglura, ay dapat lumin~gon sa dakong kabila, ang iyong kailan~gan upanding magawa. Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig, upanding ang dumi ay huag tumilansik: ang mukha mot labi'y pahirang malinis, at kailan may huag kan lumura sa sahig. Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal ang pagsasalita n~g m~ga mahalay, gayon din ang bulok na kadumal dumal ay huag mong sabihin at paka-in~gatan. At huag kang mag-higab, at huag mag-antók at huag kang mag-unat, at huag mag-kamót, at huag kang mainip at lumin~gos-lin~gos, ito'y lubhang pan~git at lisya sa ayos. Ang anu mang tan~gan n~g iyong kaharap, na gaya n~g paypay, sakaling malaglag, pulutin pagdaka't isauli mo agad, iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak. Ang alin mang pintong iyong dadaanan, kung datnan mong bukás, bukás mo ring iwan, at kung nakasima, isima mo naman, ito'y siyang turo n~g dakilang asal. Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom sa alin mang pinto, ay makasalubong, dagli mong yukuan at saka umurong, at iyong sabihing—"Sila po'y magtuloy." N~gunit kung sakaling umurong din siya at pipilitin kang ikaw ang mauna, kung hindi rin lamang natataasan ka, pasalamatan mo at magtuloy ka na. Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw ay iyong ihatid hangang sa hagdanan: sákaling madilim ay iyóng tanglawan hangang na sa loob siya n~g bakuran. Ang iyong kaibiga'y kung magkakasakit, ay manaka-nakang dalawin mong saglit; at kung datnan siya n~g m~ga ligalig, gayon di'y dalawin, aliwin sa hapis. Sa araw n~g binyag ó kapan~ganakan n~g iyong matalik na m~ga kaibigan, sila'y batian mo n~g masayang liham, mahiksi ang sukat, n~guni at malaman. At gayon din naman sa pag-aasawa, ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa, at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá, sila ay padalhan n~g liham pagdaka.—[8] Kung patutun~go ka sa alin mang bayan, lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan, bago ka umalis muna'y magpaalam sa kaibigan mo't iyong katunkulan. Nguni at kung ikaw naman ay dumating, katungkulan nilang ikaw ay dalawin, sapagka't kailan~gang kanilang sabihing sila'y nagsasaya't umuwi kang magaling.